Chapter 39: Surprise Habang tinatahak namin ang direksyon papunta sa Hermosa ay nakakaramdam na ako ng kakaiba sa paligid. Napansin ko rin ang suot ni Brace na pulseras sa kanyang palapulsuhan. It was a silver metallic band. Nakapulupot iyon doon. May mahika ang bagay na ‘yon na hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang magsuot ng ganon. Nang malagpasan namin ang kakahuyan ay bumungad agad sa amin ang may kadilimang bahagi ng Hermosa, lalo na roon sa punong nakatayo sa tabing bahagi ng lawa. Mula rito sa kinaroroonan namin ni Brace, kitang-kita ko na mayroong nakahandusay sa tabi ng puno. At pamilyar sa akin ang taong iyon. “Myrtle,” I spoke. Agad akong naglaho at lumitaw sa tabi ng puno kung saan nakahandusay ang nakapikit na si Myrtle. I immidiately checked her pulse.

