Chapter 40: Unlocks As I held his hand, we abruptly appeared in the hall. Iilan lang kami tulad nang sinabi ni HM Ino. Narito silang lahat at pare-parehong nangiti sa gawi namin ni Caleb. He’s still holding my hand. At sobrang naiilang ako sa ginagawa niya. At hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ‘yong init ng pisngi ko. “Umm, Caleb,” nahihiya ko siyang tiningnan. Tinaasan niya ako ng kanyang dalawang kilay habang napapatingin sa gawi ko. Pilit ang ngiting ipinakita ko sa kanya dahil sa pagkakailang na nararamdaman ko. “Bakit?” nagtatakang tanong niya. Naiilang akong napasulyap sa mga kamay kong hinahawakan niya pa rin. Nakangiti na siya ng ibalik ko sa kanya ang paningin ko. Parehong naningkit ang kanyang mga mata. “Sorry,” sabi niya habang namumula ang kanyang tenga. “

