Chapter 41: Effect “Let me guide you to your way home,” Caleb offered his hands in front of me while everyone was looking at us. Nahihiya ko silang nilingon, naroon na sila sa bandang labasan ng hall. Natapos na kasi kaming kumain at kailangan na naming bumalik sa kanya-kanya naming mga dorm. They looked at us with their meaningful stares and smiles. As if they were able to analyze what we are both doing especially to Caleb. Lumipat sa palad niya ang paningin ko saka ako ngumiti sa kanya nang matanaw ko muli ang mukha niya. He’s too serious about being responsible for me. Kung tutuusin nga ay mas malakas ako kaysa sa kanya kaya hindi na dapat sila nag-aabala pang pangalagaan ako. Kaya kong pangalagaan ang sarili ko. Kaya kong aralin ang kapangyarihan ko kahit buhay ko man ang kapalit.

