SUFFERING

944 Words
Chapter 2: SUFFERING Jef's POV rain drops.... Napatingala ako sa langit ng marinig ang pag bagsak ng ulan. Sobrang dilim ng kalangitan. Parang ipinapakita ang pakikidalamhati nya. Pakikidalamhati para sa pagkawala ng taong pinahahalagahan ng marami. Isang tao--mali isang Technologian. Na handang suwayin ang anumang patakaran, masiguro lang na ligtas ang mga mahahalagang tao para sa kanya. Marapat lamang na magdalamanhati ang marami gayon na rin ang langit, nararapat lang rin na bigyan sya ng parangal para sa lahat ng nagawa nya. Pero nasayang lang ang kanyang buhay para sa isang taong walang kuwenta. Walang kuwentang katulad ko. I clench my fist. Hindi ko na kaya. Para akong tinutorture dito. Nakakabinging iyakan. Mga luhaang mga mata. Mga palad na katingkati nang mag higanti. Yan ang nakikita ko sa mga taong nakapaligid sa akin ngayon. Tumalikod na ako at umalis na sa lugar na ito. Alam ko kahit hindi nila sabihin sinisisi nila ako. Tinatanong siguro nila sa kanilang sarili kung bakit?Bakit ako?Bakit ako pa ang nabuhay?Bakit hindi na lang sya? Ayos lang naman sa akin kung gayon nga. Dahil iyon rin ang gumugulo sa isipan ko. Bakit nga ba ako pa Akong wala naman karapatang ma buhay Akong wala namang naiitulong at akong walang ibang ginawa kundi ang umasa sa iba. Nang marating ko ang tagong tambayan namin agad kong nilibot ang paningin ko sa paligid. At doon na tuluyang bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigila. Tinakpan ko ng mga palad ko ang aking mukha, kasabay non ay ang pag luhod ko "Bakit? Bakit mo ba kailangang gawin iyon? Bakit mo kami iniwan? Bakit mo sinayang ang buhay mo para lang sa akin? Bakit lagi ka nalang nagpa-pakabayani? Bakit?Bakit?Bakit Li?? Bakit Khaili?"- tanong ko sa sarili ko. Tuloy lang ang pag hagulgol ko Nang marinig ang kalabog ng pag bukas ng pinto, kahit nakatalikod ako sa pinto ay alam ko na kung sino iyon, kami lang naman ang nakakaalam ng lugar na ito. Inihahanda ko na ang sarili ko dahil siguradong magiging masakit ito. Mabilis ang naging paglapit nya sa akin at halatang galit na galit. Isa pang dahilan kung bakit ako nag punta rito ay dahil kanina nya pa ako tinitignan ng masama na para bang gusto nya akong patayin, huh. Nang makalapit sya ay agad nyang hinila ang kuwelyo ko at sinapak ako. "G@gø ka Jef. Alam mo ba kung gaano sya nag alala ng malaman naming sinugod ng Robotian ang base 3 natin? Iniligtas ka nya dahil gusto nya, matagal nya ng ginagawa ang pag tulong, kakilala nya man o hindi, tinutulungan nya. Higit saming lahat ikaw ang dapat na nakakaalam nyan. Ikaw ang pinaka matalik nyang kaibigan, kababata at para nang kapatid nya.Kaya huwag na huwag mo syang tatanungin ng mga walang kuwenta mong tanong Jef." Natigilan ako sa sina sabi nya Galit sya dahil sa mga pinagsasabi ko kanina? Napabuntong hininga nalang lamang sya. "Oo malungkot kami sa pagkawala nya pero hindi ibig sabihin non ay sinisisi ka namin, alam naming yun ang ginusto nya, kaya itigil mo na ang pag iisip na ikaw ang may kasalanan ng ito."- medyo kumalma na siya ng sabihin nya ito na parang ipinaiintindi sakin ng mabuti ang nais nyang sabihin. Tama sya, kung nandito ngayon si Li siguradong kanina pa nya ako nakutusan sa pagiging-emo ko. Napabuntong hininga nalang ako. "Eh bakit kung makatingin ka sakin kanina parang papatayin mo na ko."-Pabirong saad ko. "Ah yun ba, alam ko na kasing sinisisi mo ang sarili mo kaya ayun sinamaan kita ng tingin para tumigil ka, kaya lang mukhang hindi mo naintindihan kaya sinundan kita dito. Pero narinig ko nga yung pagdadrama mo kanina kaya ayun nasapak tuloy kita hehehe......."-Sabay kamot nya sa batok nya. Napangiti nalang ako sa sinabi nya. "Loko ka talaga."-At nag tawanan na lamang kami. "Nga pala Piolo, may hihingin sana akong pabor." "Ano naman yon?" "Pwede mo ba akong turuang makipag laban???"-Pag kasabi ko non ay sya namang pag kagulat nya. "Ha??" "Sinabi ko na kay Li na gusto kong matuto non, para hindi na ako umasa pa sa iba, para narin matuto akong ma protektahan ang sarili ko lalo na ang mga importanteng tao para sa akin."-Sya naman ngayon ang napa buntong hininga. "Sigurado kana ba dyan??"- tanong nya na parang hirap na hirap paniwalaan ang lahat ng mga sinasabi ko. "Oo sigurado nako."- sagot kong muli, habang nakatingin sakanya ng seryoso. Napabuntong hininga na lamang sya habang hawak ang batok nya. "Kung ganon ay magsimula na tayo bukas ng umaga."-Napangiti naman ako ng malawak. Nakipag fist bump ako sakanya sabay kabig sa braso nya. Third Persons POV "Status."- seryosong saad ng isang lalaki na puno ng autoridad. "Stable na po ang vital status nya Sir."-mahinahong sagot ng isang lalaki. "Naagapan narin po namin ang mga pinsala nya."-nakangiting saad ng isa pang lalaki. "All in all buhay ang life savior natin"-masiglang saad ng isang cute na babae na may pink hair habang iniikot ang kanyang upuan at nakataas ang mga kamay. "She is safe, for now, captain"-seryosong saad muli ng isa pang lalaki. "I understand"- saad muli ng may autoridad na lalaki, sabay hawak sa isang capsule na kung nasaan ang isang napaka gandang dilag na walang malay. "Please be strong"- nawala ang maotoridad na boses nito at napalitan ng malambing na tono. "When you woke up, I promise, I will protect you, always and forever"- saad nito na may maliit na ngiti sa kanyang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD