The New Era

891 Words
CHAPTER 1: THE NEW ERA ...alarm......alarm......alarm...( https://freesound.org/people/onderwish/sounds/470504/# ) Mula sa pwesto ko ay rinig na rinig ang mga ingay na iyon. Kitang kita ko rin ang malaimpyernong labanang nagaganap,dito sa pinag tataguan ko, walang makakapansin o makakakita man saakin. Para akong tutang takot na takot, nababahag ang buntot. Aaaaaiiiiissssshhhhh.......Nakakainis wala akong magawa. Gusto kong tumulong pero wala akong kakayahan. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi na ako makahingi ng tulong dahil nasira na ang comunicator ko. Malakas kong hinampas ang binti kong kanina pa nangangatog. "Tumigil ka nga Jef para kang tanga, nung una palamang ay alam mo nang maaaring mangyari ito kaya bakit para kang tutang takot na takot ngayon."- pabulong na saway ko sa sarili ko. "May. roon. akong. nasasagap. na. Technologian. May. Technologian. akong. nasasagap."- narinig kong saad ng isang robot. Kaya nag panik muli ang isipan ko. Palapit na ng palapit ang mga ito sa aking pwesto. Ito na ba ang katapusan ko? Natigilan naman ako sa na isip ko. Parang gusto kong matawa. Tama lang naman na makitilan na ako ng buhay. Wala naman akong kuwentang tao. Lagi nalang akong umaasa sa iba, lagi kong hinihintay na may mag ligtas sa akin. Siguro nga ito na ang hangganan ko. Napangiti nalang ako ng mapait, hihintayin ko na lang ang katapusan ko. Narinig ko nalang ang kaluskos na nag papahiwatig na malapit na ang mga robots. Napatingin naman ako sa robot na nasa harapan ko, tatlo pala sila, mukhang wala na talaga akong takas. "Sumuko. ka. na. Tecnologian. Tecnologian. sumuko. kana."-saad nito habang nakatutok sakin ang kanilang ash beem. Tumingin lamang ako ng blangko rito. Kung susuko ako magiging Civil ako pero kung hindi ay papatayin nya ko. Pero masgugustuhin ko pang mamatay kaysa ang maging Civil, na isang duwag at nag papaalila sa mga hayop na Robotian na ito. Kaya naman walang alinlangan kong hinila ang sandata nito at siniko ang mukha ng isa sa kanila, dahilan upang mapaurong ito.Wala na siguro ako sa wisyo ko at talagang nag papakamatay na ko. Naging alerto ang dalawa pang kasama nito at handa na sanang barilin ako, ngunit nagulat nalang ako ng may biglang bumaksak sa ibabaw ng mga ito, kaya hindi na nila ako na paputokan pa. Pero hindi ko muna binigyang pansin ito at agad na itinutok ang ash beem sa robot na kaharap ko at binaril ito at naging abo. Napatingi naman ako sa taong hinulog ng langit para maligtas ako—este sa taong pinatumba na ang dalawa pang robot. Nabuhay lang ako nakapag jo-joke na agad ako, hayyy..... sira ka talaga Jef. Nagulantang nanaman ako ng makitang babae ito at hindi lang basta babae, si Khailine ang Best friend ko. "A-a-nong ginagawa mo rito?"-tanong ko sa kanya. "Ako ang dapat na nag tatanong nyan anong ginagawa mo rito at bakit padalos dalos ka kung kumilos. Alam mo bang pwede kang mamatay sa ginawa mo. Alam mong tatlo sila at hindi mo kakayanin, tapos bigla mo nalang sinugod yung isa, kung hindi pa ako dumating patay kana sana. Kahit kaylan talaga, hindi kana natuto. Baliw ka talaga Jef."- walang tigil na sermon nya saakin. Napayuko naman ako. Niligtas nanaman nya ako. Paulit ulit na lang, gritted my teeth because of anger, anger for my self. Why its always like this. WHY!?!... Nakakuyom narin ang mga palad ko sa sobrang galit. "Jef???"-tawag saakin ni Li dahil narin siguro hindi ako kumikibo. "Jef ayos ka lang ba? May masaki---"-pinutol ko naman ang sasabihin nya. "Bakit? Bakit lagi nalang nang yayari ito? Bakit kailangang lagi nalang ako ang pinoprotektahan at nililigtas? Bakit Li? Bakit?"- may diing tanong ko sa kanya. Matagal bago sya sumagot, pero na tigilan ako sa sinabi nya. "Simple lang, dahil isa kang Technologian"-sagot nya na naging dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Ang isang Technologian, hindi mag dadalawang isip na tumulong sa nangangailangan, lalo na sa mga kasamahan nya. Kung kayang tumulong, tutulong, kung hindi naman, tatawag ng res back para matalo ang kalaban. Hindi ba kasama iyon sa rules natin ang walang aatras sa sinumang kalaban, maliban nalang kung sariling buhay mo na ang nakataya, kay langan mo munang umatras at pag handaan ang ri mach para masigurong parehong buhay, ang niligtas at tagapag ligtas. Rule no. 2 iligtas ang kayang iligtas kasama na roon ang sariling mong buhay. Save and be save. Ibig sabihin kung hindi mo kayang tulungan ang ibang tao tulungan mo muna ang sarili mo atlis may nailigtas ka.........ang sarili mo(sabay turo sa akin) " - mahabang paliwanag nya na may ngiti sa labi. Kaya na pangiti na lang rin ako. "Tama ka nga Li, pero sa susunod ako naman ang mag liligtas sa iba"- kompiyansa kong saad sa kanya. "Marami ka nang nailigtas Jef"-pagpapagaan nya ng loob ko. "Pero para saakin hindi pa sapat yon"-malungkot na saad ko. "Sige, kung yan ang gusto mo, pag balik natin sa Technotopia tuturuan kita kung pano makipag laban"- sabay pakita ng muscle nito, ay mali ng imaginary muscle nya pala hehehe..... "Pangako yan ha. "-saad ko....... "Pangako "-mahinang sagot nito. Ngunit imbis na tuwa, pangamba ang aking naramdaman sa sinabi nya. Para bang—Hindi na iyon mangyayari pa. BOOM ( https://freesound.org/people/tommccann/sounds/235968/# )
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD