Chapter 4

1285 Words
Twelve years na tumira si Arabella sa Amerika, pero maraming nagsasabi sa kanya na hindi siya naging liberated sa pag-aayos ng kanyang sarili. She grew up in a conservative family until she was fifteen years old. She made it a point to always dress properly and conservatively. Hindi rin naman iyon naging isyu sa paninirahan niya sa ibang bansa. Kaya naman kahit alam niyang sanay marahil sa mga sosyal at sexy na babae ang soon to be fiance niya, she didn't dress to impress him. Simple at disenteng bestida lamang ang isinuot niya pero batid niyang presentable siya at lumitaw pa rin ang kanyang ganda. Hinayaan niya na nakalugay ang hanggang bewang na maganda at itim na itim niyang buhok. Halos nakahanda na siya nang katukin siya ng ina sa kanyang silid. "Dumating na sila, mama?" Tanong niya habang naglalagay ng pulbos sa mukha. "Hindi pa. But any moment now," tugon ni Stella na tumayo sa likuran niya. "Napakaganda mo, anak." Buong paghanga nito siyang minasdan sa repleksyon niya sa salamin. "Kanino pa po ba ako magmamana kundi sa'yo, mama?" Ngumiti siya para pawiin ang pag-aalala sa mukha ng ina na bagamat 'di nito sabihin ay ramdam naman niyang nag-aalala ito para sa kanya. "Tiyak na magbabago ang isip ni Carlos kapag nakita ka niya," her mother added. "Kahit hindi magbago ang isip niya, ayos lang po sa akin," sagot niya. Nagkita na sila ni Carlos at wala siyang nakitang appreciation sa mga mata nito nang makita siya. Kaya kahit magkita pa sila ulit ngayon, alam na niyang hindi magbabago ang isip nito. Sabay silang napalingon ng ina sa bintana nang marinig nila ang pagtigil ng sasakyan sa tapat ng bahay nila. "Sila na iyan," lumapit sa bintana si Stella. "Let's go down, Ara." Kahit more or less ay alam na niyang hindi magiging maganda ang muli nilang pagkikita ni Carlos, hindi pa rin nakaligtas kay Ara ang pagbilis bigla ng t***k ng puso niya sa kaalamang dumating na ang binata kasama ang pamilya nito. "Are you ready?" "Yes, mama…" *** Tanging pamilya lamang ni Carlos ang dumating. Kumpleto ang mga ito mula sa mga matatanda. Ang lolo at lola ni Carlos na sina Carlito at Sonya Lagdameo, ang mga magulang nito na sina Damien at Suzy at kapatid nitong si Christina. “Naantala lamang si Carlos, kumpadre. Pero darating ang apo ko.” Pagbibigay assurance ni lolo Carlito matapos kamayan at yakapin ang kaibigang si lolo Alberto. Pero sa kabila no’n ay hindi itinago ng pamilya ni Ara ang disappointment na hindi pinahalagahan ni Carlos ang okasyon. Ito ang future groom. Nararapat lamang na ito ang maunang dumating. Pero gayunpaman ay hindi na nila iyon isinatinig pa. Si Ara na wala na rin namang expectation ay hindi na nagulat na may gana pang magpahintay si Carlos. It just made her feel a little bit insulted. “Basta darating siya ay walang problema, kumpadre!” Malugod na intindi ni lolo Alberto. “Heto na ba si Arabella?” Nasa mga mata ng mga Lagdameo ang paghanga sa paghagod ng mga ito ng tingin sa kabuuan ng dalagang Santillan. “Napakagandang bata!” Puri ni lola Sonya. Maging si Suzy na ina ni Carlos ay tuwang-tuwa kay Ara. “Siguradong magaganda at pogi ang magiging mga apo mo sa tuhod, mama!” Sabi ni Suzy sa biyenan. “Salamat po,” nahihiyang sabi ni Ara. Medyo nakampante ang mga ugat niya na mababait ang mga future in-laws niya kung sakaling matuloy ang pag-iisang dibdib nila ni Carlos. “Ay, talaga naman! Hindi na ako makapaghintay pa,” masayang tugon ni Sonya. Sa halip na dumiretso sa hapunan ay nag-ipon ipon muna sila sa sala at nagkumustahan. Kaagad nawala sa sariling mundo ng mga ito ang dalawang matandang dating mga sundalo. Ang kanilang mga kabiyak naman na matagal na ring naging magkaibigan ay masaya ring nagkwentuhan. Ang mga magulang naman nila Ara at Carlos ay naggrupo rin para seryosong mag-usap. Kasama nila si Ara. Samantalang si Adrian naman ay sinusubukang mag-umpisa ng pakikipag-usap kay Christina. “Pasensya na kayo. Talagang may naunang commitment si Carlos sa araw na ito na hindi niya makansela,” paghingi ng paumanhin ni Damien. “Nag-umpisa siya ng branch ng negosyo niya sa London dito sa atin. Mayroon siyang kausap na investor sa ngayon.” “Anong oras daw siya darating? Lalamig ang mga inihanda naming pagkain,” sabi ni Anton na pilit iniintindi ang dahilang ibinigay ng kaibigan. In his heart, alam naman niyang disappointed din si Damien sa sarili nitong anak. Kaya kahit bahagya siyang napikon sa pagtrato ni Carlos sa kanyang dalaga ay hindi na rin siya kumibo. “Tinawagan ko siya kanina lang. Papunta na siya,” wika ni Suzy. *** “Talaga bang pupunta ka?” Tanong ni Angie na pinapanood siyang magbihis. Carlos had no meeting whatsoever. Dahilan niya lamang iyon. Pero ang totoo ay nais niyang ma-late para ipamukha kay Arabella na wala siyang intensyon na pakasalan ito. In fact, he had been thinking of not going there at all. Natitiyak niyang mapapahiya ang kanyang pamilya at ang mga ito na mismo ang magsasabing kabaliwan ang ideyang pilitin siyang pakasalan ang babaeng hindi niya gusto. However, he could only wish it were that simple. “I have no choice, babe,” tugon niya sa kasintahang hindi pa rin bumabangon sa kama matapos ang mainit nilang pagniniig. “But if you will come, iisipin ni Ara na gusto mo siyang pakasalan,” nakabusangot nitong sabi. “Didn’t we already talk about this, Anj?” Nang makapagbihis ay bumalik siya sa kama at naupo sa gilid no’n. “Trust me, okay? I’m not going to marry that woman. If I’ll ever get married, ikaw lang ang babaeng ihaharap ko sa altar,” he assured her by sealing her protests with a hot kiss. “I’m still afraid, you know,” ayaw bumitiw ni Angie. Siya man ay ayaw umalis. Ayaw niyang saktan ang babaeng minamahal. Alam niyang nahihirapan ito sa sitwasyon niya pero pilit siya nitong iniintindi. And for that, he was loving her more. Hindi niya hahayaan na masira kung ano man ang mayroon sila dahil sa walang kabuluhang kasunduang pinasok ng kanyang pamilya. No one, not his family, not even Ara could stop him from being with Angie. "I've got an idea," sabi niya nang may maisip na paraan para ipakita pa lalo ang kanyang pagtutol sa kasal. "Get dressed." "Why?" Kunot-noong tanong ni Angie. "Basta. Hurry up." Isasama niya ang kasintahan sa pamamanhikan! Tingnan lang niya kung paano magrereact ang mga ito. He's Carlos Lagdameo, hindi siya ang tipong napasusunod basta-basta sa isang bagay na wala siyang mapapakinabangan o mapapala. "I'll let them know who I wanted to marry," he continued. Bagamat nagulat ay nagustuhan din ni Angie ang ideya at buo ang loob na sumama ito sa kanya. He also wanted to see how Arabella would react. Hindi pa ata niya nakakalimutan kung paano siya nito winalk-out-an kahapon. Hindi niya na-appreciate na tinrato siya nito nang ganoon as if she had the right to do so. Palibhasa ay hindi nito alam that he went out of his way just to see her. Akala kasi niya madali niya itong makukumbinse sa gusto niyang mangyari. He expected that somehow, gaya niya ay nagbago na rin ang isip nito sa pagpayag sa kasunduan. Iyon pala ay katulad pa rin ito nang dati. Sunud-sunuran sa pamilya. At kung may isang bagay na pinaka-ayaw niya sa isang tao, 'yon ay ang pagiging puppet nito sa iba. Iyong walang sariling isip at hindi makapagdesisyon para sa sarili nito. Arabella Santillan was the very definition of the word puppet. And that was why he hated her. A lot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD