Chapter 3

1285 Words
Arabella booked herself a cab. Habang nasa b'yahe ay todo simangot siya. Naiinis ang dalaga at nais niyang pagsisihan ang desisyong umuwi ng bansa. Pero naiintindihan niya si Carlos. They're grown-ups now. Kung noong mga bata pa sila ay wala silang nakitang problema sa kasunduan, imposibleng gano'n pa rin ang opinyon nila sa ngayon. Lalo na at natagpuan na ng binata ang babaeng nais nitong makasama sa buhay. At mukhang determinado itong ipaglaban ang kasintahang tinawag nitong Angie. Arabella found herself smiling bitterly. Carlos was aware that they're getting married one day. And yet he allowed himself to love another woman. Ara didn't give herself the same chance. Maraming pagkakataon na nagkaroon siya ng mga manliligaw. But she turned everyone down dahil ayaw niya ng komplikasyon pagdating ng araw na itinakda. Clearly, hindi iyon inisip ni Carlos bago ito umibig sa iba. Ara felt a strange pain in her heart at the thought of Carlos loving his girlfriend so much. But she dismissed it. They're not even friends right now. It's impossible for her to feel anything towards the man, least of all, pain. "Ma'am, 'andito na po tayo." Ang tinig ng driver ang umuntag sa dalaga. It was just then that she realized na nakahinto na sila sa tapat ng bahay nila. And the weird thing was, mukhang matagal na silang nakarating. Ngumiti siya at humingi ng pasensya sa driver. Pagkatapos ay inabutan niya ito nang higit sa kanyang dapat bayaran. Nagulat ang driver sa laki ng sobra sa bayad niya at halos hindi na ito matapos sa pagpapasalamat. "Walang anuman ho. Salamat sa paghatid sa akin nang ligtas. Mag-iingat po kayo," aniya nang maibaba na nila ang bagahe niya. Alam niya ang hirap ng pagtatrabaho kaya mula nang maging maluwag siya sa buhay ay hindi siya nakakalimot tumulong sa tuwing may pagkakataon. Nang makaalis ang sinakyan ay saka siya nagdoorbell. Nakaisa lang siya bago bumukas ang gate at salubungin siya ng kanyang pamilya. --- Inabot sila nang ilang minuto sa labas dahil sa pananabik sa isa't isa. Nagyakapan, nag-iyakan. Narealize ni Ara na napakaraming panahon pala ang lumipas na hindi niya kasama ang kanyang pamilya. Malaki na ang nag-iisa niyang kapatid na si Adrian. No'ng umalis siya ay sampu pa lamang ito. Ngayon ay mas matangkad na ito sa kanilang lahat. May jet lag siya pero hindi siya tumanggi sa pagkain kahit nais na niyang magpahinga. After all, ngayon na lang siya ulit makakakain ng totoong pagkaing pinoy. How she missed everything. "Kailan mamamanhikan si Kuya Carlos, dad?" Tanong ni Adrian habang nagkuk'wentuhan sila sa hapagkainan. Natigilan si Ara. Noon lang sumagi ulit sa isipan niya ang pamamanhikan. Kailangan pa ba 'yon? Or rather, would Carlos be willing to? "Pupunta sila dito bukas ng gabi," sagot ni Anton na sa dalaga nakatingin. "You must prepare yourself to meet Carlos again, Ara." "Have you seen him yet, dad?" Tanong niya. Hindi niya balak sabihin na nagkita sila ng mapapangasawa kanina. Lalo na at hindi pa niya alam kung batid ng kanyang pamilya ang problema sa panig ni Carlos.   "Hindi pa. But Damien said that he's no longer willing to marry you." Nananantiya ang pagkakasabi no'n ni Anton, waiting for her reaction. But since alam na niya 'yon, she managed to be calm. "Don't worry, Damien assured-" "Dad, It's okay." Putol niya. "If Uncle Damien said that the wedding is pushing through, then it will be fine." Tumango ang kanyang ama. Pero nasa mga mata nito ang pag-aalala sa kanya. Bakit hindi? She's his only daughter. And if it wasn't for an arrangement that he himself didn't agree with, hindi ito papayag na maikasal ang anak sa lalaking hindi nito mahal at 'di ito mahal. "I'm sorry, anak." Gumuhit ang lungkot sa mga mata ni Anton. "Dad, ako willing akong pakasalan si Cristina," singit na biro ni Adrian patukoy sa nakababatang kapatid na babae ni Carlos. "I'm sure, hindi rin siya tatanggi. Hindi na siya lugi sa---" "Adrian," tinapunan ito ni Stella ng nananaway na tingin. "You're not helping." "Sorry, mom," naupo ng diretso si Adrian. At twenty-two, hindi pa rin ito kakakitaan ng pagiging seryoso. "Kung p'wede ko lang sanang kausapin ang Papa," Anton said, may disappointment sa tinig nito dahil wala itong magawa laban sa kagustuhan ng ama nito. Alberto Santillan made the arrangement with Carlito Lagdameo decades ago. Buhay ang utang ng una sa huli nang iligtas siya nito mula sa tiyak na kapahamakan noon. As they were both soldiers, Alberto nearly died on one of their encounters with the rebels. Sa sobrang pasasalamat, ipinangako nitong gagawin ang ano mang hilingin ni Carlito bilang kapalit. At ang napagpas'yahan ay ang panatilihin ang magandang relasyon nila bilang magkaibigan.  Initially, Carlito wanted his son to marry Alberto's daughter. Unfortunately, they both had sons for children years later. Si Alberto, nagkaroon ng isang anak na lalaki lamang. Si Carlito naman, dalawang anak na lalaki. The marriage at that point was not possible at all. Kaya naman, sa mga apo na lang. The eldest grandson was to marry the eldest granddaughter. And this time, naunang ipanganak si Carlos. And then Anton had Ara.   "Dad, I've long known about this and you know that I've accepted my fate," she assured her father. "Besides, who knows? It might work out in the future?" "Thank you for your understanding, anak," si Anton na bakas pa rin sa mukha ang kalungkutan. "Kailan pupunta sina Lolo at Lola rito?" tanong ng dalaga. Pinili kasi ng dalawang matanda na magretiro sa probinsya.  "Susunduin namin sila ni Adrian bukas." "Rest early, Ara." ani Stella. "You have a big day tomorrow." Tipid na ngiti ang sukli niya. Carlos' image flashed in her mind. Paano niya ito pakikitunguhan? -- Kinabukasan ay maaga silang naging busy. The Santillans do not have maids as Stella prefers to take care of her family herself. They don't also live in a huge house despite being able to afford one. Hindi nila nais ng malaking bahay na halos hindi sila magkakakitaan. Katwiran nila, mas close ang pamilyang magkakasalubungan lagi kapag nasa bahay. But they do have a huge backyard where they hold gatherings. At doon sila magseset up para sa dinner kinagabihan. "Are you sure you don't need any help? Aalis na kami ni Adrian." Anton asked while preparing to leave. "Oo naman. Sampung tao lang ang darating. Kayang-kaya namin 'to ni Ara. Your daughter cooks well," nginitian siya ng inang tiningnan siya habang busy siya sa pagtatalop ng mga ingredients sa lulutuin nilang mga putahe. "Mag-iingat kayo." "Salamat. Adrian, let's go!" "Are you okay, Arabella?" baling sa kanya ni Stella nang makaalis ang dalawang lalaki sa pamilya.  "Yes, mom," she smiled at her mother. Pero sa loob niya, kinakabahan siya habang papalapit ang itinakdang oras ng pagdating ng mga Lagdameo.  Would Carlos come? How would she face him after walking out on him yesterday? "Anak, kung ayaw mong ituloy ang pagpapakasal, it's okay. Susuportahan kita," seryosong pahayag ng kanyang ina na kinuha ang mga kamay niya. "I don't want to see my only daughter suffer for the rest of her life." "Mom, I'm okay. Hindi ko po nais na gumawa ng isang bagay na makasisira sa pamilya natin. Hindi natin gustong magalit ang lolo, 'di ba po?" ngumiti siya para mapanatag si Stella. "Kung ang magiging trato ni Carlos sa akin ang inaalala ninyo, kaya ko pong alagaan ang sarili ko. Hindi ko pa po ba napapatunayan iyon?" "Ara," ngumiti si Stella pero basa ng luha ang mga mata nito. "My Arabella. Mom is always proud of what you have become," niyakap siya ng ina.  "Then trust me with this one, mom." "Alright, but remember to tell mom if you no longer want to do it, hmn?" "I promise." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD