Nang pakiramdam niya ay okay na siya, bumalik na siya sa hotel. Pero nakasalubong niya sa lobby si Carlos na dala-dala na ang mga gamit nito. "Where are you going?" Tanong niyang nababahala habang umaagapay sa malalaking hakbang ni Carlos. "Aalis ka na? Carlos, you can't do this!" "I have no time to waste with you, Ara," malamig na tugon nito na mabilis narating ang nakaparada nitong kotse. "But we're not done yet!" "Don't you still get it?" Asar na binalingan siya nito. Kakalagay lang nito ng bag nito sa backseat. Pabagsak nitong isinara ang pinto no'n bago siya hinarap. "Your plan is not going to work! Hindi ako magpapanggap na gusto kita, Ara. At hindi ako magsasayang ng panahon ko rito kasama ka! This will never work!" Ara felt her tears messing her cheeks. Gustung-gustong umigk

