"C-Carlos?" Hindi siya makapaniwala. Pakiramdam niya nakita niyang sumikat ang araw sa kasagsagan nang malakas na ulan. And Carlos was smiling. Tipid, oo. But he was smiling. Not smirking. Not in an arrogant way. The first sincere smile she got from him since seeing him again a few days ago. "Bakit ka 'andito? Anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa umalis, 'di ba? May nakalimutan ka ba?" Sunud-sunod niyang tanong na halos hindi kumukurap sa pagkakatingin sa binata. Baka kasi mawala ito dahil ang katotohanan, hindi ito ang nasa harapan niya. "Too many questions," kunot-noong tugon ni Carlos na may kaunting amusement na dumaan sa mga mata nito. "Bumalik ako kasi may nakalimutan ako." Ligwak ang kaunting pag-asa na bumangon sa puso ng dalaga. Si Carlos nga ito pero naroon ito sa kada

