1
Sienna's POV
BAKIT NGAYON PA?
Muntik ko nang mabitawan ang tambak na folders na hawak ko habang patakbong tinatahak ang lobby ng Valerius Tech Corporate Headquarters. Nanlalamig ang mga kamay ko nang tingnan ko ang suot kong relos.
Twenty minutes late na ako sa data entry evaluation ko. At alam kong nag-aantay lang ang masungit kong supervisor ng kaunting pagkakamali para tuluyan akong sibakin sa trabaho.
Nang makarating ako sa elevator bay, pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko. Habang-haba ang pila sa anim na standard elevators.
Daan-daang empleyado ang nagkakaunahan. Impossible akong makasabay sa susunod na tatlong salang ng elevator cars.
Hingal na hingal ako at pinagpapawisan na sa loob ng corporate blazer ko nang mapalingon ako sa dulong bahagi ng malawak na hallway.
May isang makintab at tila gintong pinto ng elevator ang nakabukod doon. Walang tao. Walang pila. Pero may malaking sign sa taas na VIP - RESTRICTED.
Bahala na, bulong ko sa sarili ko. Bahala na kung mapagalitan ako, basta huwag lang akong matanggal sa trabaho ngayon.
Patakbo akong lumapit doon at mabilis na pinindot ang button. Nagulat pa ako nang bumukas agad ang pinto. Without thinking twice, pumasok ako sa loob. Mabilis kong pinindot ang button para sa 14th floor habang inaayos ang nagulo kong buhok sa harap ng salamin.
Pero bago pa tuluyang sumara ang pinto, isang mahaba at eleganteng kamay ang biglang humarang sa sensor. The heavy doors slid back open. Awtomatikong napatigil ang buong sistema ko.
Pumasok sa loob ng tahimik na elevator ang isang lalaking mukhang galing sa cover ng isang luxury fashion magazine. Matangkad, nakasuot ng isang flawless midnight-blue tailored suit, at walang kahit isang-bahid ng dumi ang porma niya. Pero ang mukha niya talaga ang nagpatigil ng paghinga ko. He possessed a terrifyingly handsome face paired with dark, obsidian eyes. Mga matang walang kahit anong init o emosyon.
I know him. Si Zarek Valerius. Ang pangalawa sa magkakapatid na Valerius. Ang tahimik ngunit kinatatakutang bilyonaryong CIO na ang pangalan pa lang ay bulong-bulungan na ng takot sa lower floors.
Mabilis akong napayuko, halos magusot ang mga folders sa dibdib ko dahil sa tindi ng higpit ng hawak ko. Grabe ang kabog ng dibdib ko. Lord, save me.
Sumara nang walang kaingay-ingay ang pinto, at naramdaman ko ang swabeng pag-angat ng elevator. Sobrang bigat ng tension sa loob ng maliit na espasyo. Walang nagsasalita. Ang marahas na paghinga ko lang ang tanging tunog na naririnig sa buong paligid.
Hindi pumindot ng kahit anong floor si Mr. Zarek Valerius. Nanatili lang siyang nakatayo, ang mga kamay niya ay maayos na nakasiklop sa likod niya. Hindi siya nakatingin sa akin, pero nararamdaman ko ang malamig at mabigat na titig niya na tila tinatagos ang buong pagkatao ko.
Biglang huminto ang elevator. Pero hindi sa 14th floor.
Umilaw ang panel-floor 28th, ang executive penthouse suite.
Napa-singhap ako sa gulat.
"A-Ah, excuse me, Sir... baka po pwedeng pabalik sa 14th floor? Nagmamadali lang po talaga ako para sa evaluation..." pakiusap ko, bahagyang nangangatog ang boses ko.
Dahan-dahan, lumingon si Mr. Zarek sa direksyon ko. Ang mga madidilim niyang mata ay binalot ang buong katawan ko, pinag-aaralan ang bahid ng tinta sa daliri ko, ang mabilis na pagtibok ng ugat sa leeg ko, hanggang sa gasgas kong sapatos.
Walang galit sa mukha niya-kundi isang kakaibang malalim na interes. Para akong isang kakaibang specimen na pinag-aaralan niya sa ilalim ng mikroskopyo. Humakbang siya ng isang beses, mabagal at swabe, papalapit sa akin.
Awtomatikong napaatras ako hanggang sa tumama ang likod ko sa malamig na salamin ng elevator. Bahagyang umuklo ang ulo ni Mr. Zarek, at isang manipis, halos hindi mapansing ngiti ang sumilay sa mga labi niya.
Ang boses niya, nang magsalita siya, ay sobrang hina, malalim, at swabe-parang mamahaling tela na may nakatagong patalim sa loob.
"You shouldn't be here, Miss Sienna," bulong niya.
Nanlaki ang mga mata ko. Ang utak ko ay biglang nagwala sa kaba.
Paano niya nalaman ang pangalan ko? Mag iisang buwan pa lang ako sa trabaho e'
Tila ba nabasa ni Mr. Zarek ang tumatakbo sa isip ko. Tumaas ang kilay nito sabay tingin sa suot kong ID. Shít ! Malamang nabasa nito ang pangalan ko.
Mas lumapit pa ito sakin, nakaramdam na ko ng pagkailang. Kailangan ba talaga sobrang close niya sa mukha ko?
Mahinang napaubo ako sabay iwas rito.
"Pasensya na po, Sir. Alam ko pong mali ang ginawa ko, nagmamadali lang po talaga ako. Ayoko pong mawalan ng trabaho kaya napilitan po ako gamitin ito elevator," mahina at mabigat ang loob na paumanhin ko. Sobrang late na late na talaga ako, kaya ramdam ko na baka mag-last day na ako.
Umayos ng tayo si Mr. Zarek, nilagay ang dalawang kamay sa magkabilaang bulsa ng suot nito magarang pantalon saka malamlam na tumingin sakin.
"Data Entry Employee, right?"
Napasulyap ako sa seryosong mukha ni Mr. Zarek. Napalunok ako sabay marahan tumango tango. Hindi pa rin ako makapaniwala na kausap ko, in the flesh ang isa sa mga Valerius Brother, at ang pinaka-terror pa sa tatlo ang kaharap ko. My ghadd !
"Ilan buwan ka na rito, Miss Sienna?"
"Ahm, one month na po sa lunes-"
Hindi kumibo si Mr. Zarek, matapos ang ilan segundo pananahimik nito basta na lamang gumalaw ang braso nito malapit sakin upang pindutin ang 14th floor button. Napalabi ako dahil sa pagdaan ng nakakaadik na mabangong amoy nito. Amoy rich !
Ilan sandali pa ay gumalaw na ang elevator pababa sa 14th floor. Nang bumukas hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Mabilis akong yumuko kay Mr. Zarek at nagpasalamat bago patakbong tinungo ang production office, late na ako ng limang minuto. Argh !!
At kagaya ng inaasahan, sangkaterbang papel ang nakapatong sa desk ko. May mga notes pa kung ilan copy ang need ko i-xerox. Subalit, imbes maimbyerna ay malapad akong ngumiti. Trabaho ko 'to, ginusto ko 'to kaya dapat lang na tiisin ko kahit mahirap. Maraming college graduate ang pangarap na makapasok sa Valerius Tech Corporate, kaya sino ako para mag reklamo?
Mayamaya ay pinatawag na ko ni Mrs. Bitangcol ang supervisor ko na malaki ang pagkakahawig sa stepmother ni Snow White.
"You're five minutes late, Miss Bermudez. You haven't even achieved regular status yet, and you are already displaying a habit of tardiness to me?" masungit at pormal na sermon ni Mrs. Bitangcol sakin.
Napayuko ako habang kagat ang pang ibabang labi. For the record, pangatlo beses na kong nahuhuli sa pagpasok sa trabaho. Paano ba naman, kailangan kong asikasuhin si Joseph bago ako umalis.
Naaksidente kasi ito last week dahil sa motor. Idagdag pa na mahaba ang pila sa MRT at may kalayuan ang nilalakad ko pababa ng Ortigas Station patungo sa building. Hindi ko naman afford na mag-taxi palagi o mag-book ng Angkas rider, mahal ang fare.
"I'm very sorry, Mrs. Bitangcol. This will be the last time. I truly value my job and I am really doing my best. I promise I won't be late again."
"You better be, Miss Bermudez. This is strictly your last chance, because if it happens again, you're terminated."
Parang may bombang sumabog sa dibdib ko nang marinig ko ang sinabi ni Mrs. Bitangcol. Hindi ako pwede mawalan ng trabaho, wag ngayon, please.