Levi's POV: May apat na buwan na akong buntis sa anak namin ni Milan. Medyo maselan ang pagbubuntis ko dahil sa mura kong edad. Kailangan kong maging maingat lalo na at iwas dapat ako sa stress. Ayaw kong may masamang mangyari sa akin lalo na sa baby ko. Gusto namin ni Milan ang makakabuti para sa kaniya. Tumigil na rin muna ako sa pag-aaral dahil buntis ako. Magiging tampulan ako ng tukso sa school at magiging issue kaya nakakahiya ring pumasok. Kapag ganoon ang mangyayari ay mabilis 'na makakarating sa mga magulang ko ang balitang buntis ako at kakalat pa sa news at social media. Ayaw ko ring lalong masira ang pangalan ng pamilya ko dahil sa akin. Magiging balita iyon at bawat taong makakakita sa akin ay tatapunan ako ng may disgusto at pandidiring tingin. Napailing na lamang ako at

