Levi's POV: "Hmm..." Nagising akong masakit ang aking buong katawan. Medyo nilalamig din ako at maaligasgas ang aking pakiramdam. Para ding humahapdi ang gitna ko roon sa baba. Nang magmulat ako ay gwapong mukha ni Milan ang bumungad sa akin. Nakaulo pa ako sa kaniyang balikat at yakap niya ako. Nang mapatingin ako sa aking katawan ay roon na nanlaki ang mata ko at napasigaw. "Oh my gosh, Milan!" gulat kong sigaw at napa-upo sa kama. Bigla ring napabalikwas ng higa si Milan. Pareho kaming walang saplot sa katawan. Nahila ko pa ang kumot kaya muntik nang lumabas ang kaniyang 'ano'. Nanlaki ang mata naming dalawa habang nakatitig sa isa't isa. Pareho kaming hubo kaya napatakip ako sa aking katawan. Wala rin akong masabing salita pero nasa dulo na ng dila ko iyon hindi ko lang talaga ma

