Levi's POV: "Oh Levi, congrats ulit sa pagiging achiever! See you next year!" masayang bati sa akin ni Mae. "Salamat Mae, congrats din! Kitakits next year!" masaya ko ring bati sa kaniya. Ngayon ang recognition namin. Isa akong achiever at proud na proud sa akin si Milan. Siya ang umakyat sa stage kasama ko, ipinakilala ko siya sa iba bilang kuya ko. Marami nga ang nagtatanong sa akin ng numero niya kaya inis na inis ako. Sinasabi ko na lang sa kanila na may girlfriend si Milan. Napakaselosa no'n at kayang-kaya silang ipatumba. Natakot naman ang mga kaklase ko, aba dapat lang. Layuan nila ang Milan ko 'no! Nakapagtapos ako ng Grade 9 na walang tulong ng aking mga magulang. Masaya ako para sa sarili ko at first time ko pang nagkaroon ng award. Matataas na rin ang aking mga nakuhang mark

