Levi's POV: Napakasarap ng gising ko kanina habang katabi si Milan. Iyon bang gigising ka na wala ka ng bigat na nararamdaman sa dibdib. Hay, ang sarap sa pakiramdam. Kumakain na kami ngayon. Ang almusal ko ay buttertoast at kape. May fried rice din at chicken pero si Milan na ang kumain no'n. Hindi ko kasi gustong kumakain ng heavy meal minsan sa umaga. Sumasakit ang tiyan ko, tama na iyong mainitan lang ang sikmura. "Anong oras natin pwedeng kausapin si Milliene? I want to see her. Hindi ako makapaghintay na makita siya. Pakiramdam ko kapag nagsalita ang anak natin ay maluluha agad ako," pagbibida ni Milan. "Talaga namang nakakaiyak unang makita si Milliene. Kahit noong ipinagbubuntis ko siya noong maipanganak ko, napaiyak ako sa ganda niya. Siya ang isa sa pinakamagandang nangyari

