Levi's POV: "Ayos ka lang ba? I'm always here, Levi. Pag-usapan na lang natin mamaya ang lahat. Alam kong gulat ka pa at gusto kitang bigyan ng space. Huwag mo ring punuin ang isip mo ng kung ano-ano. Remember, wala kang kasalanan. Si Milan ang may gawa ng lahat. Even me, I don't know na kasal na siya. I'm really sorry, ako na ang humihingi ng dispensa para sa kapatid ko. Hayaan mo akong ihatid ka sa unit mo. Gusto kong makatulong sa 'yo. Alam kong sobra kang nasasaktan ngayon," alok sa akin ni Sedan. Matamlay ko siyang nginitian. I'm devastated, mababaliw na yata ako. Kulang na lang ay sampigahin ako ng katotohanang ginawa akong kabit. Pinipigilan kong mandiri sa sarili ko. Sa lahat ng ayaw ko ay ang maging kabit at pagkakaroon ng third party sa relasyon. I just can't take it. Malaking

