Levi's POV: "I love you, Milan. Salamat at tinanggap mo ulit ako after all the things that happened to us. Akala ko ay wala ng pag-asa dahil sa mga naunang trato mo sa akin pero kalimutan na natin iyon. I want to be happy with you, Milan. Happy with new memories kasama ka," nakangiti kong sabi. "I love you too, babe. Maraming salamat din dahil bumalik ka sa buhay ko. Kalimutan na natin ang nakaraan, let's start a new life instead. Saka na rin natin pag-usapan ang mga iba pang bagay. Let's enjoy the day, huwag ka na ring malungkot. Hindi na rin ako makapaghintay na makapaggala pa tayo," nakangiting sabi ni Milan. Tinanguhan ko naman siya at pinupog ulit ng halik. Tatawa-tawa naman si Milan na kinurot ang ilong ko. Hay, namiss ko siya. Ilang taon, grabe. Ilang taon siyang nawala sa tabi

