Milan's POV: "Oh God. B-Buhay ang a-anak natin. Napakatagal m-mong itinago sa a-akin," emosyonal kong bulong. Hindi ko mapigilan ang sari-saring emosyon na nararamdaman ko. Saya, lungkot, at pagkalito. Saya dahil sa sinabi ni Levi na buhay ang anak namin. Lungkot dahil nagsinungaling siya sa akin. At pagkalito dahil ang buong akala ko ay wala na ang anak namin. May pagpapadala pa sila ng ebidensya noon, ang pamilya niya. Napakatagal niyang itinago. Karapatan ko rin namang malaman! Inayos ko ang sarili ko at tumayo. Napahilamos ako sa aking mukha bago humarap kay Levi na katapat ko na. "Huwag kang magbiro ng ganiyan, Levi. Hindi magandang biro iyan. Kung biro iyan ay itigil mo na ngayon pa lang. Huwag mo akong pahirapan ng ganito. Alam mong mahina ako pagdating sa anak natin," kalmado

