Levi's POV:
"A-Anong ginagawa m-mo?" utal kong tanong.
"Inipod lang kita dahil baka mabangga ka nung mga tumatakbo. Are you okay? Nasaktan ka ba o nadali nila?" tanong ni Milan.
Awkward naman akong napailing. Akala ko ay kung ano na. Napagdesisyunan naman naming lumabas muna dahil sobrang ingay at kagulo na ang mga tao. May mga nag-aaway na rin sa gilid. Grabe, kagulo na sila. Mga lasing na kasi. Masyado na ring nakakarindi at masakit sa ulo ang ingay.
Naglakad kami palabas ni Milan at umupo sa mga dayami. Nakatingin kami sa mataas na palayan nila Misty ng mais. Ang ganda talaga ng vibes ng mga farm dahil sa ganda ng itsura. Mag-eenjoy sana akong umuwi sa Pampanga kung wala lang akong mapait na nakaraan doon.
"Ano na naman ang ginawa mo!?" sigaw sa akin ni Tito Fabian.
"W-Wala po akong ginagawa t-tito! H-Hindi ko p-po sinasadyang mabasag!" umiiyak kong katwiran.
"Anong hindi, iyan nga at sira na oh! Alam mo ba kung gaano kamahal iyang vase!? Tang ina kang bata ka! Makulit ka na nga ikaw pa ang pinakamahina sa academics sa lahat ng Heat! Kung ako ang magulang mo ay baka ipinatapon na kita!" sigaw ni Tito Fabian at hinila ang buhok ko.
"Tama na po, tito!" umiiyak kong sigaw at pilit kumakawala sa sabunot niya.
Kinaladkad niya ako papunta sa may tulugan ng mga kabayo. Inihagis niya ako sa loob at nginisian. Halata ang gigil at inis niya sa akin.
"Magtanda kang bata ka. D'yan ka matulog at magtino ka! Kapag hindi ka nagbago ay itatapon kita sa lawa! Sinasabi ko sa 'yo, Leviole! Ayusin mo ang buhay mo! Kahihiyan ka sa mga Heat!" sigaw ni Tito Fabian at malakas na sinara ang pinto nitong barn.
Agad akong tumakbo at itinulak iyon. Napahagulgol na lamang ako dahil nakakandado ito mula sa labas. Wala akong nagawa kung hindi ang humiga sa mga dayami at gawing kumot ito. Napaiyak na lamang ako nang may tumabi sa aking bibe. Hindi ko alam kung paanong magkaroon dito ng bibe pero masaya akong may katabi ako ngayon sa pagtulog.
Natatakot akong magsumbong, pangalawang beses na akong sinaktan ni Tito Fabian mula nang umuwi ako rito sa farm namin. Hindi na ako babalik, ayaw ko na. Alam ko namang mahina ako pero kahit kailan ay hindi ako sinaktan ni dad. Balang araw kapag nagkaroon ako ng lakas ng loob na isumbong siya, gagawin ko.
"Levi, are you okay? Umiiyak ka na. I just wanna help you out dahil mukhang problemado ka," pag-agaw ni Milan sa atensyon ko na nagpabalik sa akin sa ulirat.
"Oh sorry, I'm spacing out again. Pasensya ka na at medyo lutang na ako. Nakainom din kasi ako kanina," sabi ko.
"It is okay. Gusto mo na bang magpahinga? Ihahatid na ulit kita sa loob. Mukhang mag-oovernight yata kayong magtotropa rito," sabi naman niya.
"Paano mo nalaman?" tanong ko.
"Rewerd told me. We are friends," sagot niya kaya naman napatango na lamang ako.
Nagkwentuhan pa kaming dalawa at nagtawanan. Naikwento niyang isa siyang scholar sa Batallion High at mahirap lamang sila. Isa pa nga raw siyang working student. Hanga naman ako sa sipag ni Milan. Wala naman sa akin ang status ng isang tao sa buhay. I see individuals as pantay-pantay.
Damn, paano siya naging ganiyan kagwapo kahit stress na? Sana all na lang. Ako nga ay mukha ng zombie dahil laging kulang sa tulog lagi.
Maya-maya pa ay napagdesisyunan na naming pumasok. Masarap kasama si Milan, sana ay maging katropa ko siya. Pakiramdam ko nga ay baka magkadevelop-an kami. Parang nagugustuhan ko na siya. Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto kay Milan? Nasa kaniya na kaya ang lahat.
Hinatid niya ako sa tapat ng kwarto kung saan kami magsesleep-over na magbabarkada. Ito rin ang kwarto kung saan kami kanina tumambay nila Misty bago bumaba.
"Milan, salamat ha. Ang sarap mo palang kasama," nakangiti kong sabi.
"You too, Levi. Take care," nakangiting sabi ni Milan at ginulo ang buhok ko.
Kumaway ako kay Milan at umalis na siya. Pagtalikod ko ay halos mapatalon ako sa gulat dahil nasa likod ko na pala si Misty. Taas-kilay itong nakatingin sa akin.
"Anong mayroon sa inyo ni Milan?" tanong niya.
"Bakit? Magkaibigan lang kami," sagot ko.
"Stay away from him, Levi. Huwag ka rin magtangkang magkagusto sa kaniya dahil pwede kang mawala sa tropahan natin. Mayayaman lang din ang pwede nating maging ka-status, dating man or in a relationship. Mahirap lang si Milan, Levi. Leave him alone," mataray na sabi ni Misty.
Doon na napataas din ang kilay ko. Mataray si Misty pero mas mataray ako. Hindi naman ako papatalo sa kaniya. I am not a Heat kung hindi ako palaban.
"Excuse me, I don't care kung mayaman man siya o mahirap. So what kung gusto ko na siya? Wala naman tayong ganiyan na rules sa tropa. Looks like you are stating your own rules, Misty. Baka ikaw ang may gusto kay Milan?" mapang-asar kong sabi habang nakangisi.
"Don't you dare fight me back, Levi. Hindi mo magugustuhan ang kaya kong gawin. Makinig ka na lang sa sinasabi ko," inis na sabi ni Misty at iniwan ako.
Bumaba na siya na nagdadabog pa. Napailing na lamang ako. May boyfriend siya pero mukhang gusto niya rin si Milan? What the f**k? O baka naman gusto niya lang ay lahat ng lalaki nasa kaniya ang atensyon?
Napatingin naman ako sa alon ng mga tao at nakita ko si Milan na nakaupo sa couch katabi ng mga kaibigan niya. Nag-aayos na ito ng mga gamit at mukhang pauwi na.
Napangiti na lamang ako. It it my first time na makaramdam ng ganito habang nakatitig sa isang lalaki. Damn, I think I already like him.
-
Pangatlong araw ko na rito sa farm nila Misty. Wala naman na ang alitan naming dalawa dahil sa pagtataray niya noon sa akin patungkol kay Milan. Hindi ko alam sa kaniya, may boyfriend siya. Mamaya ay mag-away pa si Milan at Cloud dahil sa kaniya. Hindi ko naman hahayaang magkasiraan pa kaming magkakaibigan dahil doon.
Sumimsim ako sa hawak kong kape habang nakatanaw sa malawak nilang palayan. Gabi na, madilim, at mahangin. Puno ng tugtugan sa loob. Mga nagwawala at lasing na ang iba. May tama naman na din ako at medyo tipsy na.
Naaninaw ko naman sa baba si Milan na papasok sa pinto. Agad naman nanlaki ang mata ko. Buti na lamang ay hindi niya pa ako nakikita! Napakagulo pa man din ng buhok ko!
Agad akong pumasok sa loob at tumakbo papunta sa silid namin nila Misty. Nasa baba silang lahat at ako lang ang natira dito sa taas. Umalis kasi ako dahil malakas na ang aking tama. Parang mga tanga na rin ang mga kaibigan ko. Si Rewerd na lang ang nasa wisyo na nasa ibaba.
Nag-ayos ako ng buhok at nagretouch ng make-up. Inayos ko rin ang aking damit na medyo nagusot na dahil umidlip pa ako kanina. Sobra akong nilasing nila Friday dahil sa mga dare. Nagtutruth or dare kasi kami kanina.
Matapos kong mag-ayos at ngumuya ako ng mint candy bago ay bumaba na ako. Napalingon naman sa akin ang grupo nila Milan nang ituro ako nila Rewerd.
"Nandiyan na pala si sleeping beauty! Masyado kasing nilasing ni Misty!" sigaw ni Cloud at nagsabi ng hey dahil tugma iyon. Nagtawanan naman ang mga taong nakapalibot sa kanila.
"Halika na rito, Levi! Kanina ka pa namin iniintay!" sigaw ni Friday.
Nang mapalingon ako kay Misty ay itinaas niya ang kaniyang basong hawak. Si Milan naman ay nginisian ako. Damn, ang gwapo niya. Ngisi lang iyon pero sa lahat yata ng nakita ko ay siya ang may pinakamagandang ngisi.
Pagdating ko sa tapat nila ay umipod si Milan dahil sa dulo na tabi niya ang may pinakamalaking espasyo. Nginitian ko naman siya then I mouthed 'thank you'. Amoy na amoy ko pa rin ang mabangong perfume ni Milan kahit amoy alak ang paligid. Nakaka-inlove naman ang isang ito. Talagang eye catcher din siya.
"Kumusta? Tatlong araw na rin ah," tanong niya.
"Ayos naman, good vacation. Nakakahilo nga lang dahil puro party," pagkukwento ko.
"Don't worry, ipapasyal kita sa susunod. Let's hang-out sometimes. May alam akong magandang pasyalan na nakakarelax," bulong sa akin ni Milan. Tumama pa ang kaniyang hininga sa aking leeg na nagpataas ng aking lahat ng balahibo sa katawan.
Nagbubulungan kaming dalawa dahil napakalakas ng tugtog sa paligid. Hindi magkakarinigan kung natural na boses ang gagamitin.
Umikot ang shot at saktong ako na. Ininom ko naman ang binigay nilang shot at kinuha ang isang lanyerang leche flan. Nagtinginan naman sa akin ang mga kaibigan ko. Napataas kilay si Misty at tinuro ang leche flan ko. Si Friday naman ay napairap habang sila Cloud at Rewerd ay natatawang napailing.
"Ayan na si lamon queen! Inuman Levi ha, hindi handaan! Uubusin mo ang pulutan natin!" sabi ni Friday.
"Aba, marami namang pagkain! Saka favorite ko ito masarap kaya 'to!" sabi ko sa kanila at nilantakan itong leche flan.
Umikot na ulit ang shot at hindi na nila pinansin ang paglamon ko. Nanghingi naman si Milan kaya sinubuan ko siya. Doon na nagkantyawan ang mga kaibigan namin. Inaasar na sana all at ang sweet daw namin!
"Hoy, kayo na agad!? Kakakilala niyo lang nung isang araw ah!" asar sa amin ni Friday.
"Hindi 'no, friends lang. Etchosera ka ha," pagtanggi ko naman.
Pagsulyap ko kay Milan ay wala siyang imik. Mukhang hindi niya na lang iyon pinansin. May pagka-cold type talaga ang lalaking ito.
"Magsimula na tayong maglaro para exciting! Ang paborito nating theme song kapag inuman, kantahin na! Kada mabubulol na salita kahit sino ay shot pagkatapos ng kanta! Mas maraming mali, mas maraming inom! Kapag walang mali, ligtas ka kaibigan!" sigaw ni Cloud at tumayo.
Naghiyawan naman kami at nagsitayuan. May hawak pa rin akong pulutan at mabilis na inubos ito. Counted kasi kahit anong uri ng bulol na words. Maski sinasadya o dahil sa pagnguya at pagkain.
Nagsimula na kaming kumanta ng Beer by Itchyworms. Unang nabulol si Misty dahil lasing na ito. Nagsitawanan kami kaya ako ay may isang shot na.
Nais kong magpakalasing
Dahil wala ka na
Nakatingin sa salamin
At nag-iisa
Nakatanim pa rin ang gumamelang binalik mo sa 'kin
Nang tayo'y maghiwalay
Ito'y katulad ng damdamin ko
Kahit buhusan mo ng beer, ayaw pang mamatay
Giliw, huwag mo sanang limutin
Ang mga araw na hindi sana naglaho
Mga anak at bahay nating pinaplano
Lahat ng ito'y nawala no'ng iniwan mo 'ko
Kaya ngayon...
Ibuhos na ang beer sa aking lalamunan
Upang malunod na ang puso kong nahihirapan
Bawat patak, anong sarap
Ano ba talaga'ng mas gusto ko?
Ang beer na 'to o ang pag-ibig mo?
Nais kong magpakasabog
Dahil olats ako
Kahit ano hihithitin
Kahit tambutso
Kukuha 'ko ng beer at ipapakulo sa kaldero't
Lalanghapin ang usok nito
Lahat ay aking gagawin upang hindi ko na isiping
Nag-iisa na ako
Ibuhos na ang beer sa aking lalamunan
Upang malunod na ang puso kong nahihirapan
Bawat patak, anong sarap
Ano ba talaga'ng mas gusto ko?
Ang beer na 'to o ang pag-ibig mo?
Giliw, huwag mo sanang limutin
Ang mga araw na hindi sana naglaho
Mga anak at bahay nating pinaplano
Lahat ng ito'y nawala no'ng iniwan mo 'ko
Kaya ngayon...
Ibuhos na ang beer sa aking lalamunan
Upang malunod na ang puso kong nahihirapan
Bawat patak, anong sarap
Ano ba talaga'ng mas gusto ko?
Ang beer na 'to...
Ang beer na 'to...
Ang beer na 'to o ang...
Pag-ibig mo?
Tawa kaming lahat nang tawa matapos ang kanta. May isang shot ako, tatlo kay Misty, isa kay Friday, at tig-dalawa si Cloud at Rewerd. Kami kasi ang tawanan nang tawanan. Si Milan naman ay umupo na pala kanina at matamang nanonood sa amin. Nahiya naman ako dahil sintunado akong kumanta kanina.
"Oh, next game na! Walang uuwi hangga't hindi lasing! Ngayon lahat ng kasali ay nakaupo rito! Spin the bottle tayo, truth or dare! Ang pass ay iinumin itong isang bote ng Jack Daniels! Game na!" sigaw ni Cloud.
"Grabe naman iyan! Wala bang ibang alak!? Baka hindi na ako diretsong makalakad mamaya!" reklamo ni Ruby. Isa sa mga kaibigan nila Milan.
"Naku, patay ka kay Rewerd niyan! Talagang hindi ka na makakalakad ng diretso!" asar naman ni Misty.
Natawa na lamang ako at napasulyap kay Rewerd. Napalingon siya sa akin at mahinang umiling. Naku, goodboy pala ang kuya mo. Nginisian ko naman si Rewerd.
"May gusto ba sa 'yo si Rewerd?" rinig kong bulong ni Milan sa aking tainga.
"Wala ah, bakit mo naman naitanong? Wala kaya kaming relasyon no'n! At saka ano ka ba, friends lang kami. Close lang talaga kami ni Rewerd," pagtanggi ko.
"Hmm, just asking. Mukhang iba siyang tumingin pagdating sa 'yo," sabi ni Milan.
"Akala mo lang 'yon," natatawa kong bulong.
Nagsimula na sa larong bagong inimbento ni Cloud. Si Cloud ang game master namin. Si Misty ang party master, si Friday ang dj in the house, si Rewerd ang chick magnet, at ako ang tipsy queen daw. Ako raw ang pinakamalakas uminom kapag problemado. Ewan ko ba sa kanila.
Unang tumigil ang bote kay Misty. Napanguso naman siya at napakamot sa ulo. Lumingon naman siya kay Cloud at naglambing. Parang nanghihingi ng tulong. Nagkibit balikat lang si Cloud kaya bakas doon ang pagsuko ni Misty.
"Kay Ruby nakaturo ang kabilang dulo, truth or dare! Ikaw ang magtatanong! Galingan ang pagtatanong para maubos na itong Jack Daniels!" sigaw ni Cloud at naghiyawan ang mga nakikiusyoso.
"Truth ang gusto ko! No to dare!" sigaw ni Misty.
"Okay Misty truth, ito ang tanong ko. Loyal ka ba kay Cloud? May nagugustuhan ka bang iba bukod kay Cloud?" tanong ni Misty.
"Napakadaling tanong naman niyan! Of course, loyal ako sa Cloud-baby ko! Kung may nagugustuhan akong iba, wala naman crush-crush lang. Si Baby Cloud ko kaya ang pinakagwapo sa lahat!" sigaw ni Misty.
Naghiyawan naman kami pero pakiramdam ko ay may halong pagsisinungaling ang sinabi ni Misty. Naaalala ko pa noong nakaraan na kinompronta niya ako patungkol kay Milan. Kutob kong hindi lang naman crush ang tingin niya kay Milan. Parang pakiramdam ko ay gusto niyang makuha ang atensyon nung isa. May pasabi-sabi pa siya ng kung ano-ano.
Sunod namang umikot ang bote, si Misty ang nagspin. Tumama iyon sa akin at ang kabilang dulo ay si Friday. Siya ang magtatanong sa akin.
"Ito na, Donya Leviole Jock Heat. Ang mainit na katanungan ng bayan! Dare sa 'yo dahil nagtruth si Misty!" sigaw ni Friday at ginawang mikropono ang bote.
Tatawa-tawa na lang kami at napapailing. Si Milan ay nakangisi lamang. Sila Misty naman ay natatawa rin at matamang nanonood.
"Bring it on! Basic lang iyan kahit ano pa!" sigaw ko kaya naghiyawan ang iba.
"Ang dare ko, palakpakan muna!" sigaw ni Friday kaya nagpalakpakan ang mga nanonood. "I dare you to kiss Milan! Sa lips ha! Kung hindi mo kaya, isang bote ng Jack Daniels! You b***h I know you can do it!" sigaw ni Friday kaya napaawang ang bibig ko.
Natawa naman sila Misty, Cloud, at Rewerd dahil sa kalokohan ni Friday. Pumalakpak naman si Rewerd at itinuro ang kumikinang kunyaring Jack Daniels napailing na lamang ako at lumapit kay Milan.
"Hahatian kita sa isang bote, I can drink all of that for you. Hindi mo kailangang gawin ito," bulong sa akin ni Milan.
"You know what? Basic lang iyon," bulong ko.
Nakangisi akong hinapit sa kwelyo si Milan. Sa gulat niya ay muntik pa siyang mapasubsob sa ibabaw ko. Ang dalawa niyang kamay ay nakatuon sa dalawa kong gilid.
"What are you doing Levi–"
Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Milan at hinalikan siya sa labi. It last for 3 seconds bago ako lumayo. Nakatitig lamang sa akin si Milan habang ako ay natatawa. Nakaawang pa kasi ang kanilang labi kaya sinubuan ko siya ng chips.
"Basic!" sigaw ko kaya naghiyawan ang mga nakikiusyoso.