CHAPTER 5

2078 Words
Levi's POV: Isang linggo na ang nakakalipas mula noong nagbakasyon ako sa farm nila Misty. Puro party at inuman lang doon kaya hilong-hilo ako lagi. Lagi pa kaming may hangover. Mabuti na nga lang at nakakatakas ako minsan sa tulong ni Milan. Lalo pa kaming mas naging close na dalawa. Siya na ang bago kong naging kaibigan na nakilala roon sa party. Mabait si Milan, napakabait niya at gentleman pa. Nakakatuwa nga dahil naging close kami kahit siya iyong tipo na snob. Ipinasyal niya ako noon sa lumang bahay ampunan na abandonado. Pagabi pa kami nagpunta roon kaya takot na takot ako. Talagang dinala niya nga ako sa tahimik at payapa! Loko-lokong iyon! Ako ang mamamayapa sa takot dahil sa kaniya! Pero nag-enjoy naman ako, bagong experience iyon. Nakapagliwaliw ako na walang alak at party. New stepping stone yata para sa akin iyon. Bumaba na ako ng sasakyan ni Rewerd. Sumilip pa ako sa bintanang nakababa. Nagngitian naman kaming dalawa. "Salamat ulit sa paghahatid ha!" masaya kong sabi. "Ikaw pa ba, wala iyon sus. Kitakits next time! Ingat ka, baka pagalitan ka ha. Basta lagi lang akong nandito," sabi ni Rewerd. "Ako na ang bahala roon. Sige na baka makita ka pa nila dad!" sabi ko kay Rewerd at lumayo sa sasakyan niya. Naglakad na ako papasok sa bahay namin. Tahimik dito at walang tao ngayon. Ang tanging sumalubong lang sa akin ay ang aso naming si Red. Kinawagan naman ako ng buntot nito at tinahulan.ang cute talaga niya. "Hello Red, namiss kita. Mukhang walang tao ah. Makaakyat na muna sa kwarto," pagkausap ko sa aming cute na pug. Nakita ko naman ang isa sa katulong namin kaya nagtanong ako kung nasaan ang mga tao rito sa bahay. Sinabi nilang nasa school daw si Mission habang si mom at dad ay busy sa kumpanya. Ako lang pala ang tao, sakto ang uwi ko para hindi ako mabungangaan. "Salamat po," pasalamat ko kay Ate Bett. Umakyat na ako sa aking silid. Ibinaba ko naman ang aking bag na may lamang damit. Nagtataka ako kung bakit hindi ako hinahanap ng aking pamilya. Ewan ko rin, paniguradong pagagalitan ako ni dad mamaya. Gusto ko lang naman lumayo at magliwaliw sandali. Nagpalit ako ng damit na pambahay. Isang ternong violet button-down velvet polo at dolphin short. Galing pa ito sa tita kong si Tita Stella. May-ari kasi si Tita Stella ng isang malaking clothing line. Sikat na sikat ang Tellason. Pagkatapos kong magpalit ay humiga ako sa kama. Tanghali pa at kumain na rin ako habang nasa byahe kami ni Rewerd. Nilibre niya ako ng heavy meal. Nagdrive-thru kaming dalawa, kota na ako sa laging paglibre niya sa akin. Binuksan ko ang aking Messenger para tingnan kung may nagchat. Nagloloading pa ito nang may magnotif sa akin sa f*******:. Inadd pala ako ni Milan. Napakaganda talaga ng pangalan niya. "Milan Philliflani Alberto sent you a friend request," pagbasa ko sa notif. Pinindot ko iyon at inaccept si Milan. Inistalk ko na rin siya. Wala siyang profile picture at bihira siyang mag-upload ng picture, halos wala pala. Puro mga nakatag lamang sa kaniya ang nasa timeline niya. Pati na rin ilang memes na tungkol sa pag-aaral at mga kanta. Ang tamlay naman ng timeline niya, hindi siguro siya mahilig gumamit ng f*******:. Inistalk ko pa si Milan, mukhang close sila ni Ruby, iyong nakasama rin namin sa farm. Sabagay, magkaklase kasi sila. Marami rin namang nagtatag kay Milan. Aish, nagseselos ba ako? At bakit naman? May nagnotif ulit sa akin, sa Messenger naman. Message iyon mula kay Milan kaya napangiti ako. From Milan: Nakauwi ka na? Reply to Milan: Oo, hinatid ako ni Rewerd. Kumusta na? Nakauwi ka na rin ba? Natagalan na magreply si Milan. Noon palang nasa farm kami ay mayroon siyang kaklaseng tinutuluyan para mapalapit. Mas malapit pala sa school ang totoong bahay niya. Hindi naman lingid sa kaalaman kong hindi sapat ang pera ni Milan para umupa. Scholar kasi siya at nag-iisa na sa buhay. Ang tanging kasama na lamang daw niya ay ang pusa niyang si Ace na isang persian cat. Napulot niya lamang daw iyon dati at inalagaan. May ipinakita nga siya sa aking picture ni Ace, botchog na ang pusa niya. Iyon nga lang ay ipinaalaga niya muna si Ace dahil sobrang lakas kumain. Mas mahal pa raw sa bigas niya ang catfood ng pusang iyon. Nakaramdam ako ng antok kaya itinabi ko na muna ang cellphone ko. Pumikit na ako at sinubukang matulog. Papasok na ulit ako bukas sa school. – Nagising ako dahil sa malalakas na katok mula sa aking pinto. Napamulat naman ako at bumangon. Nagkusot pa ako ng mata at napahikab. "Sino iyan?" tanong ko. "It is Mission, Levi. Galit na galit si dad, bumaba ka na raw. Umiiyak na rin nang umiiyak si mom," kalmadong sabi ni Kuya Mission sa labas. Nanlaki ang mata ko dahil ngayon ko lang ulit naalalang sobrang magagalit si dad sa akin. Hindi ko naman inaasahang iiyak si mom. Madalas na silang nag-aaway dahil sa akin, sa pagiging pasaway at rebelde ko. Ayaw ko lang talagang magstay sa bahay, lagi na lang akong sinisermunan at pinapagalitan. Agad akong tumayo at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin si Kuya Mission na nakapameywang. Nakatitig lamang siya sa akin. "Keep this money, Levi. Expect what you don't expect pagkatapos ng ginawa mong paglayas. Wala na akong magagawa sa gusto ni dad, maging si mom. Kasalanan mo rin naman ang lahat. One day, you will learn your lesson. If you need anything you can call me. I am still disappointed on you, Levi. Hindi ko inaasahang aabot ka na sa ganito. Wish you luck," sabi ni Kuya Mission at tinalikuran ako. Nauna na siyang bumaba. Tiningnan ko naman ang inabot niya sa aking sobre. Napakaraming pera nito. Sa tingin ko ay nasa halagang 200,000 pesos. Bakit naman niya ako bibigyan ng ganitong halaga? Sobrang bilis na ng t***k ng puso ko. Bumalik ako sa kwarto at inilagay iyon sa bag kong may damit na dala ko kanina. Agad din akong lumabas ng kwarto dahil sumisigaw na si dad. Umiiyak na rin ako sa takot kaya pinunasan ko ang tumulong luha mula sa aking pisngi. Sa lahat ay ang pinaka kinakatakutan ko ay si dad. Nang makababa ako ay nasa living room si dad. Nasa tabi ni mom si dad. Inaalo ni dad si mom at kinakausap. Tumatango na lamang si mom. Si Kuya Mission naman ay nakatingin sa akin. "Nandito na po si Levi," sabi ni Kuya Mission kaya tumingin sila sa may hagdan kung nasaan ako. "You brat! Hindi ka na nagtanda! Ang lakas ng loob mong umuwi pa! Hindi mo man lang iniisip ang mararamdaman ng mga magulang mo maging ng buong pamilya! Puro ka pasarap sa buhay at pakasaya! Hindi ka na natuto, Leviole! Ni minsan ay hindi mo inisip ang pamilya mo! You are such a disappointment!" sigaw ni dad at lumapit sa akin. Malakas niya akong hinatak sa braso paakyat kaya halos masubsob na ako sa hagdan. Isinisigaw ko naman ang pangalan ni Kuya Mission at tinatawag si mom. Tumakbo naman si mom at hinabol kami ni dad. "Zodiac, kumalma ka! Huwag mong saktan si Levi!" sigaw ni mom. Nakarating kami sa kwarto ko at doon ako binalibag ni dad. Napaupo ako sa sahig na umiiyak. Binato sa akin ni dad ang bag ko na nasa kama. Pumasok siya sa walk-in closet ko at kinuha ang luggage ko. Naglagay siya roon ng mga damit at nang mapuno ay bigla niyang isinara. Hinila niya naman ang maleta papalapit sa akin at itinigil sa gilid ko. Halatang timping-timpi si dad sa akin. Ayaw niya akong saktan kahit alam kong gusto niya na akong sampigahin. Nakita ko naman sa labas si mom na nanonood at inaalo ni Kuya Mission. Mukhang alam ko na kung bakit ako binigyan ng pera ni Kuya Mission kanina. Palalayasin na ako ni dad. "Dad, please po 'wag! Dad naman 'wag niyo po akong paalisin!" umiiyak kong sabi at niyakap si dad. "Wala na akong magagawa sa katigasan ng ulo mo, Levi. Go with your friends. Napatunayan mo naman nang kaya mo ang sarili mo kaya lumakad ka na at sumama sa mga kaibigan mo. Someday, you will learn from your mistakes. Bukas ng umaga ay dapat na wala ka na rito kung ayaw mong kaladkarin kita. Don't worry, bayad pa rin namin ang tuition mo. Bahala ka na kung magpapatuloy ka na sa pagpapariwara mo o mag-aaral ka," sabi ni dad at lumabas ng kwarto ko. Nagkatitigan kami ni mom pero umiling lamang siya. Inaalo naman ni Kuya Mission si mom. Umalis na sila sa tapat ng kwarto ko. Doon na ako napahagulgol. Hindi ko inisip na dadating ako sa puntong ito. Ano ang gagawin ko? Paano ako tatanggapin ni dad sa susunod? Hindi ako pwedeng makitulog kila Misty at Friday dahil kasama nila ang kanilang pamilya, maiissue rin agad ako sa eskwelahan. Kay Cloud naman ay baka pag-initan pa ako ni Misty. Si Rewerd din ay kasama ang mga magulang niya at mga lolo at lola kaya sobrang nakakahiya. Mukhang si Milan lang ang pwede kong lapitan dahil mag-isa lamang siya. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Milan. Agad naman itong sumagot. "M-Milan, pwede b-bang humingi ako n-ng tulong sa 'yo? Pwede b-bang makitira muna a-ako sa 'yo?" humihikbi kong tanong. "Why? Anong nangyari? Ayos ka lang ba? Nasaan ka Levi?" sunod-sunod niyang tanong. "Pinalayas a-ako ni dad at h-hindi na dapat ako a-abutan pa ng u-umaga rito. P-Please, ikaw l-lang ang malalapitan ko," pakiusap ko kay Milan. "Sige, magkita tayo sa labas ng subdivision niyo, susunduin kita. Magdala ka ng jacket dahil malamig. Mag-iingat ka palabas Levi," bilin ni Milan. Nagpasalamat naman ako bago ibinaba ang tawag. Mabuti na lamang at pumayag si Milan. Agad naman akong tumayo at pumunta sa walk-in closet ko para magpalit ng damit. Jogger sweatpants and kinuha ko at hoodie. Pareho itong kulay gray. Sapatos naman ang isinuot ko at ibinalot ang aking tsinelas. Kinuha ko rin sa volt ko ang tago kong natitirang pera na 50,000 pesos. Sana ay maging sapat na ito. Kakailanganin kong magtipid. Inayos ko na ang aking maleta at bag. Bumaba na ako ng hagdan ng tahimik. Wala ng tao dahil hating gabi na pala. May pumatak na namang luha mula sa aking pisngi kaya lalo akong nalungkot. Wala man lang pipigil sa akin. Nakalabas ako ng bahay namin dahil tulog na ang guard. Naglakad ako papunta sa labas ng aming subdivision. Nakita ko naman sa unahan si Milan na naghihintay. Lalo akong napaiyak nang magtama ang tingin naming dalawa. "Shh, huwag ka nang umiyak. Nandito na ako, ako muna ang bahala sa 'yo. Tara na dahil gabi na. Baka mapagtripan pa tayo sa daan," sabi ni Milan at pinunasan ang luha ko. Mahina naman akong tumango at naglakad na kami. Siya ang naghila ng dala kong maleta. Naglakad pa kami papunta sa highway para sumakay ng tricycle. Agad kaming nakapara ng tricycle at nagpahatid na si Milan sa mismong bahay nila. Nag-abot ako sa kaniya ng isang libo pero tinawanan niya lamang ako. Hindi raw tumatanggap ng isang libo ang driver kung ganito ang ibabayad ko. 20 pesos lang daw ang pamasahe. Nahiya naman ako dahil unang beses ko pa lamang sasakay ng tricycle. Nasa limang minuto lang ay nakarating na rin kami sa kanto papunta sa bahay ni Milan. Eskinita ang papasukan naming dalawa. "Tara na, pasensya ka na at medyo masikip papunta sa tinutuluyan ko. Medyo maliit din ang tinitirahan ko," sabi ni Milan at naunang maglakad matapos magbayad sa driver. "Ayos lang, ano ka ba. Maraming salamat nga at pinatuloy mo pa rin ako," nakangiti kong sabi. Pagdating namin sa dulo ay lumiko kami. Marami palang mga bahay rito. Tumigil kami sa isang bahay na may taas at baba, isa itong apartment. Sa baba naman kami ni Milan pumasok. Mukhang ito na ang bahay niya. Maliit lang ang tinitirahan ni Milan. May sala, isang kwarto, banyo sa dulo, at kusina. Kahalati ito ng kwarto ko ngunit maganda at malinis. Masaya pa rin ako dahil pinatuloy niya ako. Isa pa ay wala akong karapatang magreklamo. Ngayon ko mararanasan ang simpleng pamumuhay. Umupo ako sa sala habang si Milan ay nakatayo sa harap ko. Wala siyang TV pero ayos lang iyon. Maarte pa ba ako? Isa pa kailangan ko nang mag-adjust. "Welcome home," nakangiting sabi ni Milan. "Maraming salamat, Milan. Salamat talaga," nakangiti ko ring tugon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD