Levi's POV: "Ito na nga ba ang sinasabi ko kay Zodiac! Naku, kung hindi ko siya crush baka barilin ko na iyon ng pampatulog! Talaga ngang hindi ako nagkakamali ng hula," stress na sigaw ni Tito Lacoste. "Crush niyo po si dad?" curious ko namang tanong. "Uhm..." hindi makasagot na sabi ni Tito Lacoste. Napatawa naman ako dahil crush niya pala si dad. Hindi iyon nabanggit ni mom dati. Alam ko rin ay love triangle sila dati dahil nagpanggap na asawa ni mom si Tito Lacoste simula noong akala niyang nagloko si dad. Medyo sikat din kasi ang chismis na iyon kaya kahit hindi ikwento sa akin nila mom eh malalaman ko. Pati nga ang love story ni Tita Stella at Tito Johnson alam ko. Dati silang mga assassins at doon nagkahulugan ng loob at nagkakilala. Sana all, ang astig nilang dalawa. Nakakatuw

