Levi's POV: Pagdating ko ng fourth year ay sumobra na ang hirap ng exam namin. Lalo na ngayong practical! Nakakamatay ang training, parang sa seaman na rin! Kailangan talaga ay friends kayo ng tubig kung hindi ay talagang mamamatay ka. Kulang na nga lang ay higitin kami sa paa at lunurin na. Marami na nga rin ang nagdrop na mga kaklase ko noong first year college dahil natakot sa dagat. Sayang ang isang taon nila. "Pst, may goggles ka? Nakalimutan ko 'yong sa akin eh. Masakit kasi sa mata dahil sa beach tayo mamaya, kastress naman. Ayaw kong mangitim eh," inis na sabi ni Dora. "Dora naman, hindi pwede ang googles ah. Bawal nga rin magtali ng buhok! Nakasuot nga tayo ng uniporme mamaya eh. Pinagbihis lang ng swimsuit incase magbago ang protocols ng practical. Galingan natin para makapasa

