Chapter 6

2110 Words
T ulala pa si Mary habang nakakatitig sa kisame ng kwartong tinutuluyan niya sa penthouse ni Markus. Mag-a-alas singko na rin ng umaga ngunit dilat pa rin ang mga mata niya sa kakaisip kung paano niya nagawang halikan ang binata kagabi. Napahimas siya sa kaniyang labi habang inaalala ang tagpong iyon na nagpagimbal din ng pagkatao niya. She needs to do that or else, she might be in danger. Kung sasalubungin niya ang galit ng binata ay baka magkagulo pa. “God, bakit ko nagawa iyon?” tanong niya sa kaniyang sarili. “Sa unang pagkakataon ay isang kriminal na katulad pa niya ang mahahalikan ko,” paninisi niya sa sarili. Kaya lang ay may bumabagabag sa kaniyang kalooban sa kabila ng pangit na imahe ng binata sa kaniya. Naisip niya ang malambot na labi nito at ang naging reaksiyon nitong tila ba nagulat sa ginawa niya. Tama na, MJ. Isipin mo na lang na isang misyon ang nangyari kaya mo iyon ginawa. Pilit niyang pinaunawa sa kaniyang sarili na ang lahat ng ito ay parte na lamang ng kaniyang paghihiganti. Muli na lang niyang ipinikit ang kaniyang mga mata para matulog. Alam niyang magiging maayos din ang lahat at tanging iniisip na lamang niyang maging matagumpay ang kaniyang misyon. Alas-diyes ng umaga na siya nagising. Ayaw pa sana niyang bumangon dahil masakit pa ang ulo niya ngunit kailangan. Kakausapin pa niya si Walter para sa kaniyang misyon dahil may nakuha siyang impormasyon tungkol kay Gobernador Peralta mula sa associate nito. Parokyano ni Markus ang naturang gobernador na isa rin pa lang smuggler ng mga armas at nagbebenta ng droga. Mas nanaig na naman ngayon ang galit niya sa binata sa mga katiwalian nito na pati ang mga opisyal ng gobyerno ay kaniyang mga ulopong. Nagtungo siya sa banyo upang ayusin ang kaniyang sarili. Naligo muna siya bago niya harapin ang mala-dragon niyang boss na kulang na lang ay magsu-super saiyan sa sobrang galit nito. Subalit hindi naman siya natitinag dahil alam niyang kaunti na lang ay makukuha na niya ang loob ng binata. Isang oras ang lumipas ay lumabas na siya ng kaniyang kwarto. Isang manipis na kulay pink na cotton dress ang sinuot niya na tamang-tama lang sa magandang hubog ng kaniyang katawan. Naglagay pa siya ng ipit sa buhok niyang nakalugay at tamang light make up lang. Tahimik sa pasilyo ng penthouse hanggang sa living room. Walang anino ni Markus ang naroon kahit hanggang sa kasulok-sulukan. Masaya na sana siya dahil masosolo na niya ang buong penthouse at malaya na niyang magagawa ang gusto niya. Pumasok na siguro ang isang iyon. Mabuti nga at hindi kami magkikita. Maglalakad na sana siya patungong kitchen nang biglang bumukas ang pinto sa living room at iniluwa noon si Franco, ang katiwala ng binata. Nakatingin agad ito sa kaniya habang may bitbit itong paper bag na hindi niya alam kung ano ang laman. Isa rin ito sa mga taong hindi siya gusto at pinagsusungitan din siya pero habang malapit siya kay Markus ay hindi naman siya nito magagalaw. “Gising ka na pala,” wika nito sa kaniya. “Nakapagluto na ako ng almusal kung gusto mong kumain ay initin mo na lang,” seryoso nitong wika rin. “Thank you. Si Markus?” tanong niya. Mariin muna itong tumitig sa kaniya bago ito nagsalita. “May sakit siya.” “Ha?” Napamaang siya. “N-Nasaan siya?” Hindi niya alam pero nataranta siya nang malaman niyang may sakit ito. “Nasa kwarto niya at nagpapahinga kaya huwag mo siyang⸺” Hindi niya pinatapos ang sasabihin nito nang bigla siyang tumakbo paakyat sa second floor. “Hoy! Sinabi ng hindi⸺shit!” Narinig na lang niya ang inis ni Franco pero wala siyang pakialam. Hindi niya hahayaang mamatay na lang basta-basta ang binata na hindi man lang nabibigyan ng hustisya ang tatay niya. Agad na binuksan niya ang kwarto ng binata at kita niya agad ang sitwasyon nito habang nakahiga sa kwarto. Naririnig niyang inuubo ito. “F-Franco, s-sinabi k-ko n-ng a-ayokong may pumasok dito…” Muli itong umubo habang nakatalukbong ng kumot.” Nilapitan niya ito. “Markus!” Bigla itong bumaling sa kaniya at nang makita siya ay iba na ang timpla ng mukha nito. “W-What a-are y-you doing here?!” Hindi niya ito sinagot bagkus ay dinama niya ang leeg nito. “Mainit ka. God! Kailangan mong madala sa ospital!” suhestiyon niya. Hindi niya pwedeng gamutin na lang ito at baka makahalata itong kaya niya. “N-No!” tanggi nito. “Anong hindi?!” pagpupumilit niya. “Inaapoy ka na nga ng lagnat tapos ayaw mo pang magpa-ospital! Magpapakamatay ka ba?!” “Mary, sinabi ng ayaw niyang magpa-ospital!” wika sa kaniya ni Franco na naroon na. Bumaling siya rito. “At pumayag ka naman? Papatayin mo ba ang boss mo?!” singhal niya pa rito. “Kumuha ka ng papel!” utos niya rito ngunit nanatili lang itong nakatayo. “Franco, kumuha ka ng papel at ililista ko ang bibilhin mo!” “S-Sige!” tugon nitong nataranta rin sa kaniya saka ito kumuha ng papel. Pagkabalik nito ay may dala na itong ballpen at papel. “H-Heto!” Kinuha niya agad ito. “Bumili ka ng mga ililista ko rito! Kailangan ko ng acetaminophen, motrin, fever temperature, syringe at dextrose.” Naglista pa siya sa papel na idinagdag na niya. “Heto! Bilhin mo ang lahat ng iyan kung ayaw niyang magpadala sa ospital!” “S-Sige!” Dali-dali naman nitong kinuha ang papel na inaabot niya at umalis. Bumaling siya kay Markus. “Markus, pawisan ka na. Kailangan nating palitan ang damit mo!” Muli siyang tumayo at nagtungo sa closet ng binata. Muli siyang bumalik dala ang manipis nitong cotton shirt saka manipis na blanket. Ayaw pa nga nitong alagaan niya ngunit pinilit niya ito. Binihisan niya ito at kinumutan. Kumuha rin siya ng maligamgam na tubig at malinis na bimpo saka ito pinunasan. Inalagaan niya ito hanggang sa dumating si Franco dala ang mga kailangan niya. “Franco, dalhin mo ito para sa laboratory test niya. May kilala akong doktor na makakatulong sa iyo sa naturang ospital na nakalista diyan para malaman natin kung may infection ang dugo niya,” malumanay niyang utos dito. Kumunot ang noo nito. “Paano mo nagawang gamutin siya na para bang isa kang expert doctor?” “Ha?” Palatanong din ang isang ito. “N-Nursing ang course ko pero hindi ko tinapos. Alam mo na at may kaunting kaalaman ako sa panggagamot kaya ginawa ko ang nararapat,” pagsisinungaling niya. “Okay. Babalik agad ako.” “Salamat, Franco.” Mukhang naniwala naman ang gunggong na ito. “Ako ang dapat magpasalamat dahil sa ginawa mo. Ang totoo niyan ay kanina ko pa siya kinukumbinsing magpa-ospital pero siya itong ayaw. Kilala mo naman ang boss ko na laging siya ang nasusunod. Mabuti na lang at nandiyan ka.” “So, ilibs ka na sa akin?” Nakangiti siya rito. “Kunti. Hindi ko naisip kanina na gisingin ka kahit alam kong sa iyo nakikinig si Boss Uno.” “Hayaan mo na. Sige na at lumakad ka na.” “Okay.” Tumalikod na agad ito para sundin ang inuutos niya. Muli niyang nilapitan ang binata habang mahimbing na ang tulog nito. Binigyan na niya ito ng gamot upang bumaba ang lagnat nito. Nagdidiliryo pa nga ito kanina pero nang makapagpahinga ito ay tuloy-tuloy na ang tulog nito. Kinuhanan din niya ito ng sample ng dugo upang malaman niya ang sanhi ng pagkalagnat nito. May ubo rin ito na kasingtigas ng puso nito ngunit habang pinagmamasdan niya itong matulog ay napakaamo ng mukha nito. May naramdaman siyang pagkahabag dito dahil ni isang kamag-anak nito ay wala man lang dumating. Ayon kay Franco habang kausap niya ito kanina ay wala na raw kamag-anak ang binata. Wala itong kapatid at patay na parehas ang mga magulang nito. Anak lang din sa labas si Markus at sa kaniya ipinamana ang lahat ng ari-arian ng Italian nitong ama. Tanging siya lang ang may karapatan sa naiwan ng ama nito dahil lalaki siya at siya lang ang sumunod sa yapak ng ama nito. Hinayaan lang muna niya itong matulog saka siya bumaba upang magluto ng chicken soup at gulay. Hindi niya ito pinabayaan hanggang sa dumating na si Franco mula sa ospital na pinagbigyan nito ng sample ng dugo ng binata. “Kumusta si Markus?” tanong agad nito. “Bumaba na ang lagnat niya nang silipin ko siya kanina. Ihahanda ko na rin itong pagkain para sa kaniya. Pwede mo ba akong tulungan?” “Sige.” “Salamat.” Ini-akyat nila ang mga pagkain para sa binata at saktong nagising na ito. Si Franco naman ang tumulong para i-ayos ang pagkakasandal nito sa headboard ng kama. “Kumain ka muna bago ka uminom ng gamot. Medyo mataas ang dosage na naibigay ko kanina kaya alam kong gutom ka na,” wika niya rito. Sumulyap muna ito kay Franco at naintindihan agad nito na gusto nitong sila lang dalawa. Nagpaalam si Franco sa kanila na lalabas lang at tanging sila lang dalawa ang naiwan. “Ikaw ang gumamot sa akin?” kunot noong tanong nito. “Oo,” mabilis niyang tugon. “Kaya kumain ka muna bago pa lumamig itong pagkain mo.” “Subuan mo ako.” “Sige.” Hinipan muna niya ang chicken soup sa kutsara bago niya ito inilapit sa bibig ng binata habang ito ay nakatitig lang sa kaniyang gagawin. Naiilang siya sa bawat tingin nito ngunit kailangan niyang tatagan ang kalooban niya upang labanan ito. “Markus, ako ba ang dahilan kung bakit ka nilagnat? Nabanggit kasi ni Franco na after mo akong sunduin kagabi ay masama na raw ang pakiramdam mo. And then, hindi ka raw kumain kahapon at whisky lang ang iniinom mo. Alam mo bang masama iyon sa kalusugan mo at inuuna mo pa ang alak? It’s a bad lifestyle,” paalala niya rito. “And sorry.” “I will punish you when I am fine,” he said. “Ha? Hindi pa ba sapat itong ginagawa ko para mapatawad mo ako?” “Hindi pa. Hindi ka tumupad sa usapan at nagtungo ka pa sa lugar na hindi ko man lang alam. That kissed wasn’t enough for me to accept your apologize.” “So? What do you want me to do? Kailangan ko bang lumuhod sa harapan mo para lang mapatawad mo ako? I told you last night, kailangan ko lang gawin iyon para doon sa kaibigan ko at mabayaran ko rin ang utang ko sa kaniya.” His forehead furrowed. “Do you need money? Kung kailangan mo pala ng pera bakit hindi mo ako tinawagan? I could give you what you want, Mary. Name it.” “I’m sorry. Ayokong isipin ng kaibigan kong iyon na may pera akong pambayad sa kaniya at baka magtaka rin siya kung saan ako kumuha. Ayokong malaman niya itong pinasok ko para wala na rin siyang itatanong pa,” pagdadahilan niya. “Anong parusa pala ang ibibigay mo sa akin?” Mariin na naman itong nakatitig sa kaniya. “Entertain me.” “Ha?” Naguluhan siya sa sinabi nito ngunit alam niya ang ibig sabihin. “Pero may sakit ka pa. Baka mabinat ka.” s**t! Anong gagawin ko sa lalaking ito? “I said when I am fine. If you do trust me, you will surrender yourself to me, Mary. Nasa pinirmahan mong kontrata iyon kaya hindi ka makakatanggi. Isa rin iyan sa mga rules ko bilang head mo. You’re mine. I guess you understand that.” Napabuntong-hininga siya. “Okay. I’ll do it. As you wish.” Kahit labag sa kalooban ko ang gagawin kong ito, Markus. Para sa hustisya na hinahanap ko. “Thank you for taking care of me.” Napangiti ako. “Marunong ka palang magpasalamat, Boss Uno.” “Markus,” pagtatama nito. “Kung ayaw mong tanggalan kita ng posisyon sa grupo,” banta nito na alam niyang biro lang. “Alam kong hindi mo iyon magagawa. Wait. Magbabalalat lang ako ng ponkan. Maganda ito para bumalik ang panlasa mo at pati na rin itong la tundan. Mabuti na lang at nariyan si Franco⸺” Natigilan siya nang ginagap ni Markus ang palad niya. Muli siyang sumulyap dito kasabay ng katanungan niya sa kaniyang sarili. “Mary… I want to do it now.” Huli na bago pa siya nakapalag. Hinila siya nito palapit dito saka siya nito siniil ng halik. Isang halik na alam niyang hindi niya matatakasan habang mahigpit siya nitong niyakap sa mga matitipuno nitong bisig
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD