Chapter 5

2091 Words
Pasado alas-siyete ng gabi ngunit wala pa rin nakikita si Markus na anino ni Mary sa loob ng kaniyang penthouse. Nasagutan na niya ang mga pending emails niya, nangalahati na rin ang whisky na iniinom niya para lang antukin siya at naayos na rin niya ang panibagong deal niya sa isang Russian national sa susunod na linggo pero walang Mary na dumating. Kuyom ang kamao niya habang hawak ang rock glass niyang may lamang alak. Hindi siya sanay na naghihintay siya ng ganito at lahat ng gusto niya ay nasusunod. Umigting na ang panga niya sa kakahintay sa tawag ng dalaga kung magpapasundo ba ito o uuwing mag-isa. For the second time in his life, he’s waiting for someone else. Isang taong hindi man niya kilala ng lubusan pero alam niyang pagkakatiwalaan niya. Sa lahat din ng babaeng nakilala niya, pangalawa lang si Mary na binabagabag ang kalooban niya at hindi siya mapakaling hindi agad ito makita. Dinampot niya ang cell phone saka nag-dial. Inilagay niya ito sa tenga at hinintay ang taong tinawatagan niya. “Good evening, boss. Anong i-uutos niyo?” wika agad ni Franco sa kabilang linya na alam na agad ang pakay niya. “Tingnan mo sa tracker kung nasaan na si Mary. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik. I want her here before eight sharp,” utos niya. “Areglado, boss.” Agad din niyang ibinaba ang tawag niya rito. Where are you, Mary? Hindi ka tumupad sa usapan natin. Kuyom na naman ang kamao niya habang hawak ang kaniyang cell phone. Maya-maya lang ay muling tumawag si Franco at sinagot niya ito. “Yes, Franco?” wika niya. “Boss, huwag kang mabibigla. Si Mary ay nasa Batangas,” wika nito. “What?!” bulalas niya. Umakyat na naman ang dugo niya sa nalamang nasa Batangas si Mary. “Prepare the chopper!” “Yes, boss!” Muli niyang pinatay ang tawag saka siya nagmamadaling tumungo sa kaniyang kwarto. Mary, what are you doing there? Aligaga siyang kinuha ang kaniyang leather jacket na kulay itim, nagpalit siya ng kaniyang suot na jogger ng denim at kumuha ng sneakers. Wala siyang ideya kung bakit nasa Batangas si Mary gayong ang paalam nito ay uuwi lang sa Caloocan para kumuha ng gamit. Nagmamadali siyang pumasok sa elevator patungong helipad. He owns the building and anytime he could use his chopper for urgent matters. Mas lalo lang uminit ang ulo niya sa nalaman niyang nagsisinungaling ang dalaga. Binuksan niya ang pinto patungong helipad at saktong naroon na si Franco at ilang tauhan niya. Ready na rin ang chopper na magdadala sa kaniya sa Batangas. “Where exactly in Batangas?” he asked. Mabilis din siyang sumampa sa chopper. “Boss, nasa Calatagan siya. Kumuntak na rin ako sa mga tauhan natin sa Batangas na subaybayan si Mary at kumpirmadong naroon ito sa isang resort.” “What? She’s been there all this time?” Tumaas na ang boses niya kay Franco. “Yes, boss. May mga kasama siyang…” “Sino ang mga kasama niya?” Nanlilisik na ang tingin niya kay Franco. “Karamihan daw ay mga lalaki,” pag-amin nito na ayaw pa sanang ituloy ang sasabihin. “Fvck!” mura niya. “Julio, let’s go to Batangas!” utos niya sa piloto ng chopper. Kasabay niya si Franco na tutungo sa Batangas upang puntahan si Mary. Halo-halo na ang mga nasa isip niya at baka may kalokohan na itong ginagawa kasama ng mga lalaking tinutukoy ni Franco. Gusto na nga niyang makarating ng Batangas at kating-kati na siyang makita ang dalaga. Sa pangalawang pagkakataon ay ganito rin siya noon sa dati niyang nobya. Ayaw man niyang alalahanin ang nakaraan niya kay Mary Isabel ay nanumbalik na naman ito nang dahil na naman sa pangalawang Mary na dumating sa buhay niya. Dumating sila ng naturang resort at nakapalibot kaagad sa kaniya ang mga tauhan niya. Ang ilan sa mga ito ay armado pa kaya naroon agad ang tensiyon sa mga nakakita sa kanila. “Magandang gabi, Boss Uno,” bati ng lalaking si Joel. Isa sa mga tauhan niyang nakabase sa Batangas Port kung saan pagmamay-ari niya ang ilang shipping lines doon. “Nasa loob po ang hinahanap niyo. Exclusive ang lugar para kay Governor Peralta ng Batangas. Ayon sa mga nakausap ko ay imbitado ang marami sa escort ng Casino sa Pasay kabilang na si Mary.” “Alerto kayo at sigurado akong maraming tauhan ang gobernador na iyan,” tugon niya. “Yes, boss.” Muli silang naglakad patungong resort. Sa labas pa lang ay marami na ang mga tauhan ng gobernador ngunit nang akma na siyang papasok ay hinarangan na siya ng mga ito kasama ang mga tauhan niya. “Boss, saan kayo pupunta?” sita ng isa. “Bawal ho kayo rito at exclusive itong resort para kay Gobernador Jeremy Peralta.” “And who cares?” pilosopo niyang sagot. Akma na naman siyang papasok ngunit iniharang naman ng lalaki ang mahabang armas nito. “Boss, umiwas na lang kayo sa gulo kong ayaw niyong⸺” “Papasukin niyo ang boss ko,” singit ni Franco. “Pakisabi sa gobernador niyo na nandito si Boss Uno.” “Boss Uno?” Tila namutla ang lalaki saka ito dali-daling kumilos. “Ah, s-sandali lang. S-Sabihin ko kay Gob!” Agad itong umalis sa harapan niya at naghintay sila ng ilang minuto sa labas. Maya-maya lang ay bumalik ang lalaki kasama si Gobernador Jeremy Peralta. Nagulat pa nga ito nang makita siya ngunit lumawak din ang pagkakangiti ng may edad na gobernador. “Uno!” sambit nito. “What’s brought you here? Naligaw ka yata!” “Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, Gob. There’s someone inside that I own. I want her back to my place right now,” ma-autoridad niyang sabi rito. “Is this a woman?” paninigurado ng gobernador. “Yeah.” “Pambihira ka talaga, Uno. Pupunta ka lang dito sa birthday party ko tapos magdadala ka ng sandamakmak mong mga tauhan. Binigyan naman kita ng imbestasyon na ikaw lang at itong si Franco pero isang batalyon naman ang dinala mo.” “Wala ka na roon.” “Oh, I know you when it comes to women. Mukhang may kapalit na si Mary Isabel at parang pupunta ka ng gyera para makita mo lang.” “Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo, Jeremy. Kung ayaw mong maging madugo itong birthday party mo ay ibigay mo sa akin si Mary.” “Mary?” Tumawa ito. “Mary pa rin ang nahanap mong kapalit ng namayapa mong nobya?” asar nito. “Sorry. Biro ko lang naman iyon. Oh, siya. Pumasok ka na sa loob at huwag kang manggugulo roon. Marami akong mga bisita at wala silang alam na may ugnayan tayo. Sige na, pasok na!” Masama pa rin ang tingin niya sa gobernador lalo nang ipinaalala pa nito ang dating nobya. Wala na rn siyang sinayang na oras at agad na pumasok na siya sa loob. Bumungad agad sa kaniya ang ingay na nagmumula sa bulwagan kung saan may nagaganap na beach party. Kaliwa’t kanan rin ang mga kalalakihan na may mga kasamang bayaran na mga babae. He rolled his eyes and looked for Mary. Ni anino ng dalaga ay hindi pa niya nakikita. Hindi siya nawalan ng pag-asang hanapin ito at pasimple lang niya itong ginawa. Kahit papaano ay may respeto pa rin siya kay Gob. Jeremy. Ang isa sa mga parokyano niyang nagbebenta rin ng ilegal. He finally saw Mary at the beach side with someone else. Nakikipagngitian pa ito sa lalaking ito habang may hawak na baso ng alak. Nagpanting ang tenga niya nang makitang may kasama itong iba. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa mga ito at inihanda na ang forty-five caliber na nakasuksok sa likuran niya. “Mary…” sambit niya. “Huh?! M-Markus?!” Nagitla ito nang makita siya saka nabitawan nito ang hawak nitong baso. “W-What are you doing here?” “I should be the one to ask you. Who is he?” he asked. “Uhm, associates ni Gobernador Jeremy Peralta na si Ronnie. Bakit hindi ka man lang nagpasabi na pupunta ka rito?” Nilapitan niya si Mary at binulungan. “Let’s go home, Mary. Or I will kill someone tonight because of you,” wika niya. Hindi niya sinagot ang tanong nito. “Markus…” Nakipagtitigan pa ito sa kaniya. “Fine. I’ll go with you. Don’t hurt him. He’s innocent.” Bahagya lang itong ngumiti sa lalaki saka ito sumama sa kaniya. Hindi naman pumalag pa ang sinasabi nitong Ronnie na tila alam ang sitwasyon. Noong unang paglalakad pa nila ay wala siyang imik pero nang huminto sila ni Mary ay nagpintig na naman ang ugat niya sa utak dahil huli na niya na-realize na naka-two piece lang pala ito. Mas lalo tuloy siyang nainis dahil kung ano ang sa kaniya, dapat siya lang ang makakita. “Markus, kukunin ko lang ang damit ko.” “You will never go back there,” mariin niyang sabi rito. “But⸺” “You heard me, Mary!” sigaw na niya. Hinawakan niya ito sa braso. “You promised me that you’ll be back at my penthouse but you’re here with that damn man?! Pumunta ka rito para lang uma-ttend sa birthday party ng isang politiko, and you’re chatting with someone else?!” Gigil na siyang magalit sa dalaga. “And you never call me to fetch you or where you are?! Baka nakakalimutan mong nakatali ka na sa grupo. Nakatali ka na sa akin, Mary!” “Teka nga!” Binawi nito ang braso nito mula sa kaniya. “Ano ba ang problema mo?!” sigaw nito. “Yes! I know may usapan tayo na babalik ako pero wala akong sinabing agad-agad. To tell you honestly, isinama lang ako rito ng kaibigan ko sa Casino dahil kulang sila ng tao. Hindi naman ako nakatanggi dahil malaki rin ang pagkakautang ko doon sa tao. We have already our agreement, Markus! Alam ko naman ang responsibilidad ko sa grupo mo!” “And that’s it?! Mary, I want you to know that I am possessive. Lahat ng akin, akin lang! I want to see it by myself!” Tiim-bagang siya saka niya tinanggal ang suot niyang leather jacket upang ipasuot sa dalaga. “Let’s go!” Muli niyang hinawakan ang braso nito saka sila sabay na naglakad patungong chopper. Hanggang sa malawak na parang kung saan naroon ang chopper niya at mga tauhan ay sila lang ang tinitingnan. Partikular na kay Mary na ang tanging suot lang ay two piece swim wear. Sumenyas siya kay Franco na kumuha ng pantakip sa katawan nito. “Stay here,” utos niya rito. “Markus, bakit ka ba kasi nagagalit? Uuwi naman ako,” malumanay na nitong wika sa kaniya. Tiningnan na naman niya ito. “And that’s the words you want to tell me?” pagmamatigas pa rin niya rito. “What do you want me to do?” Hindi siya sumagot. Malalim lang ang tingin niya sa dalaga na tila hindi man lang ito nasindak sa kaniya. Bagkus ay kaya pa nitong salubungin ang galit niya at pakalmahin siya sa kabilang banda. “Boss, nandito na iyong⸺” Hindi man lang natapos na magsalita si Franco nang bigla na lang tumingkayad si Mary upang halikan siya. Bahagya pa siyang nagulat sa ginawa nito ngunit huli na. Lumapat na ang mga labi ng dalaga sa mga labi niya. And that was a simple kissed that made him at ease to her. He doesn’t want to say it but when Mary did it to him, his world stops. Ang galit na namuo mula pa kanina ay napalitan ng isang kaaya-ayang emosyon na tanging ang dalaga lang ang may kakayanan makakagawa niyon sa kaniya. Sandali lamang ang halik na iyon pero parang ayaw niyang matapos ang sandaling ito. “Ayan. Hindi ka na galit niyan? Ngumiti ka na kasi…” Ngumiti ito saka nito tinanggal ang jacket na inilagay niya. Kinuha rin nito ang dalang robe ni Franco. “Thanks, Franco.” Matapos nitong isuot ang robe ay naka-angkla na ito sa braso niya na parang walang nangyari. Hindi na rin siya umimik hanggang sa chopper para hindi na rin sila magkaroon pa ng komusyon ng dalaga. Sapat na sa kaniyang napawi na ang kaniyang galit dito at magkasama na silang uuwi ni Mary. Mary, what did you do to me? I am not supposed to be like this. Damn it!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD