Tuwang-tuwa si Quatro dahil siya ang nanalo sa pustahan nila at tiyak na maitim na naman ang balak nito sa kaniya. Abot hanggang tenga pa ang ngiti nito habang ang ilan naman sa kanila ay dismayado dahil tinalo nito. At this moment, lihim na lang siyang napalunok. Hindi siya makakapayag na ang isang katulad lang nito ang makakauna sa kaniya na halang pa ang kaluluwa.
“Come here!” Bigla siyang hinatak ni Quatro habang hawak nito ang kaniyang braso.
“What the⸺” Pilit niyang binabawi ang braso niya mula rito habang mahigpit ang pagkakahawak nito. “Let me go!!” Pagpupumiglas niya.
“Ako ang nanalo!” singhal nito sa kaniya. “Bago ka pa man matikman ng iba, sa akin ka muna. At this is the kind of life you have right now, Miss Escort. Huwag mo ng pag-initin ang ulo ko at iba ako magalit!”
“Teka⸺”
“Sumama ka sa akin!”
Pilit nitong pinaglalakad siya ngunit bago pa man sila makalabas ng kwartong iyon ay mabilis ang isang kamay na bawiin siya mula rito. Nagulat ang lahat nang si Markus pala ang gumawa niyon sa kaniya at hindi lang iyon, madilim ang mukha nitong tila papatay ng isang nilalang. Nakipagtagisan pa ito ng tingin kay Quatro at nang hindi makatiis si Quatro ay bahagya itong napaatras.
Kinabahan siya.
Ang mga katulad nila ay walang awa at kung sakaling magkaroon ng iringan ay walang pasubaling magpapaulan ng bala at dadanak ang dugo.
“This game is over,” ma-autoridad na wika ni Markus kay Quatro.
“Fine.” Nagtaas ng kamay si Quatro tanda na sumusuko na siya kay Markus. Naglakad ito palapit pa sa ibang grupo at tumahimik na.
“Listen everyone! From now on, she’s mine! Walang sinuman ang makakagalaw sa kaniya sa grupong ito at oras na may gagawin kayong masama sa kaniya ay isa sa inyo ang malalagot sa akin. Now, go back to your place and we will meet again. Let’s go!”
Tumahimik ang lahat na tila ba nagkaroon ng ultimatum na desisyon mula sa kanilang lider. Habang naglalakad sila ni Markus ay hindi niya maiwasang tingnan ang pagkakahawak-kamay nilang dalawa palabas ng naturang building. Tila ba may kuryenteng dumadaloy sa mga palad nilang hindi na niya kayang tikisin pa. Kakaiba iyon sa nararamdaman niya at alam niyang hindi ito kabastusan.
“Hop in!” utos nito nang makarating sila ng basement. Lumihis ito ng dinaanan patungong driver’s seat.
Siya naman na binuksan ang pinto ng kotse at sumampa. Hindi niya maintindihan ang tensiyon na nararamdaman ni Markus at gusto niyang kausapin ito subalit iba ang aura nito. He drove the car away from the building. Nanatili lang din itong tahimik at umayon lamang siya sa daloy ng panahon kung saan siya nito dadalhin.
“Markus, saan mo ako dadalhin?” Binasag na niya ang katahimikan nilang dalawa at nabibingi na siya.
“In a place that no one would know but only me,” he said.
Hindi na siya nagtanong pa rito at hinayaan na lang niya itong magdesisyon. Sa tingin din naman niya ay wala itong masamang gagawin sa kaniya pero sumagi sa isipan niya ang sinabi nito kanina. She’s mine! Iyon ang eksaktong sinabi nito. Hindi niya inaasahan na aabot siya sa ganitong punto ng misyon niya.
Dumating sila sa isang condo unit sa Makati. Wala pa rin itong imik hanggang sa elevator ngunit bago pa man umakyat ito ay may mga pumasok na kalalakihan na halos punuin na ang elevator. Sa tantiya niya ay mga nasa edad bente pataas ang mga ito at residente sa lugar.
Umatras siya at ganoon din si Markus ngunit nang iipitin siya ng isa ay hinarangan ito ni Markus. Ngayon, kaharap na niya ang binata na malalim na naman ang tingin sa kaniya. Awkward pero tiniis niya. No choice naman siya dahil nga sa masikip na.
Nagdadasal na lang siya na sana ay bumilis ang pag-akyat ng elevator dahil habang naroon sila sa ganoong posisyon ay naliligalig na siya. She could smell his masculine scent and his breathing. Naroon pa ang mga tingin nitong alam niyang nakatitig sa kaniya. Easy ka lang, MJ. Malalagpasan mo rin ang sandaling ito.
Ilang sandali pa ay naramdaman niyang ini-angat nito nang paunt-unti ang laylayan ng suot niyang cocktail dress. She swallowed. Dama niya ang init ng palad nito at ang isang kamay nito na hinawakan ang baywang niya. Hindi siya nakatiis kaya nag-angat siya ng tingin dito.
Hindi naman siya makapalag sa ginagawa nito dahil ayaw niyang mag-eskandalo sa mga naroon. Nakaiwas nga siya kay Quatro na binalutan ng kamanyakan sa katawan pero ang isang ito ang tila...hindi niya maiwasan.
Sakto namang tumunog ang bell hudyat na may lalabas na. Ang mga kalalakihan na ito ang lalabas at unti-unting lumuluwag ang paligid nila. Subalit si Markus ay nanatili pa rin sa posisyon na iyon hanggang sa muling nagsara ang elevator. Doon na siya hindi mapalagay.
“Markus…” Binawi niya ang laylayan ng damit niya mula rito. “May CCTV ang elevator na ito.”
“So? Hindi ba ito ang ginagawa ng mga kliyente mo? Don’t tell me, bago sa iyo ito?” He scoffs. “I got it. Fine.” Bahagya itong lumayo sa kaniya at sumandal. “You’re beautiful, Mary. Kailangan kitang ilayo sa kanila…sa mga tauhan ko. I guess, I need to protect you also from them.”
“Thank you, Markus.”
“For what?”
“For saving me from them. S-Sa totoo lang ay h-hindi naman ako sanay talaga sa ganoong set-up…sa makamundong gawain. I mean…escort lang ako pero hindi ako lumalabas sa mga kliyente.” Damn it! Bakit ko sinabi sa lalaking ito?
“You mean…” Sumulyap ito sa kaniya at saktong nagtama ang kanilang paningin. “Wala kang karanasan?”
Bago pa man niya sagutin ang binata ay huminto na ang elevator kasabay ng pagtunog ng bell. “B-Bukas na.” Iniba niya ang sagot. Sumulyap siya sa numero kung saan silang floor. “Penthouse?”
“Yeah. Come with me.”
Sumunod siya rito hanggang sa malawak nitong penthouse. Dito niya masasabing ang yaman ng lalaking ito mula sa interior design hanggang sa mga mamahaling kagamitan nito sa loob ng penthouse. It’s a modern penthouse that’s worth millions. Humahanga siya rito ngunit sa kabila niyon ay masama pa rin itong nilalang. Lahat ng mga pinaghirapan nito ay alam niyang galing sa mga kawalang-hiyaan nito.
“Make yourself at home,” he said. Saka ito naghubad ng suot nitong long sleeve polo saka necktie.
Umiwas siya ng tingin dito. Sanay naman siyang makakita ng lalaking naghuhubad o hubad ang katawan pero iba si Markus sa kaniya. Inikot na lamang niya ang tingin sa buong paligid na kunwari ay na-amaze na naman. Dumako rin siya sa paglalakad niya sa malaking bintanang salamin at hinawi ang malaking kurtina.
“Wow,” usal niya. “Nasa mataas na pala tayo at kitang-kita ko na ang buong siyudad. Matagal ka na ba rito?” tanong niya. Sinulyapan niya si Markus na noon ay naghuhubad na rin ng suot nitong trouser. s**t! Hindi ba siya marunong rumespeto namay babae siyang kasama?
Imbes na umiwas pa siya ay pinapanood lang niya ito. Napako na rin ang tingin niya sa lalaking ito na sanay maghubad sa harapan ng isang babae. Why not? He’s seductive and hot. Maraming nagkakandarapang babae rito lalo pa at may kaya ito sa buhay.
“Maganda ba ang view?”
“Huh?” Nagulat na lamang siya dahil nakalapit na ito sa kaniya bitbit ang mga hinubad nitong damit. Tanging boxer short na lang natira dito. “O-Oo. M-Maganda!” Nagbawi siya ng tingin dito at muling itinuon sa labas ngunit ang utak niya ay na kay Markus pa rin.
“You can change your clothes too. May mga gagamitin ka na rito dahil ipinaayos ko na iyon kay Franco.”
“Kay Franco?” Sabay lumingon siya rito ngunit nakita na lang niya itong naglakad papasok pa sa isang kwarto. Na-curios naman siya kung saan ito pupunta kaya sinundan niya. “Markus, dito na ba ako titira?” Natagpuan niya ito sa malawak nitong kwarto ngunit naroon ito sa dressing room.
“We already talked about it, Mary,” sagot nito. Nagpalit lang pala ito ng cotton shirt saka ito muling lumabas.
“Hindi lang kasi malinaw sa akin ang gusto mong gawin sa akin, Markus. Gusto mong palitan ko ang kasama mong si Tres at pumayag naman ako dahil kailangan ko ng trabaho. But I don’t understand you said earlier. At the same time ay naguguluhan din ako.”
He looked at me. “Magpalit ka muna ng damit at may pag-uusapan tayo.”
Bahagya lang siyang tumango rito saka ito naglakad at nilagpasan siya. Napapakamot siya sa ulo saka sinunod na lang ang utos nitong magpalit siya ng damit. Ilang minuto ang lumipas ay lumabas siyang suot ang silk dress na kulay beige na lagpas tuhod. No choice siya dahil ang binili pala ni Franco na mga damit ay halos luluwa na ang kaluluwa niya. Masyadong daring ang mga ito kaya sinuot na lang niya kaysa naman sa maluluwang na t-shirt ni Markus ang bagsak niya.
Habang papalapit siya kay Markus na noon ay nakaupo sa malawak nitong sofa, bigla itong nag-angat ng tingin. Tila ba nakakita ito ng kung sino at na-mesmerized sa gandang taglay niya. Naiilang tuloy siya dahil sa mga tingin nitong lagpas-lagpasan na.
Tumikhim si Markus. “Maupo ka.”
“T-Thanks.” Halatang tensiyonado siya dahil pinipisil na niya ang kaniyang hinlalaki sa daliri ng kaniyang kamay. Umupo rin siya sa tapat nito at inayos ang kaniyang sarili. “So, ano itong pag-uusapan natin?”
“I want to clarify our agreement. Here.” Ini-usod nito sa kaniya ang isang papel na may nakasulat.
Marahan naman niyang kinuha ito upang basahin subalit laking gulat niya nang malaman ang mga kondisyon nito kapalit ng malaking salapi. “Markus, g-gagawin ko ito habang nasa premises mo ako?” Bahagya pang tumaas ang kilay niya dahil hindi basta-basta ang nakasulat sa kontrata na iyon.
“Don’t look at me like that, Mary. Nangako kang gagawin mo ang lahat ng gusto ko kapalit ng lahat ng gusto mo. Take or leave it. Mas mabuti na iyong nagkakaintindihan tayo at may kontrata tayong dalawa,” seryoso nitong sabi sa kaniya.
“I am going to be your⸺”
“Bedmate? Sexmate? Why not?” Ngumisi ito. “You’re an escort and what would be your recent job, do it with me.”
“So, we will make love everytime you need me?”
Naningkit ang mata nito. “Correction. I don’t make love with women. I f****d!”
Nanginig ang kamay niyang may hawak na kontrata nila ni Markus ngunit hindi niya ito pinahalata sa binata. Sumuong na siya sa ganitong sitwasyon kaya paninindigan niya ito. Kinuha niya ang ballpen na nakapatong sa center table at walang pagdadalawang-isip na pinirmahan ang kontrata nila. MJ, sa lalaking ito lang pala ang bagsak mo. Sa lalaking ito rin matitikman mo ang langit. Asar na lang niya sa sarili niya.
“Here.” Ini-abot niya ang papel dito at kinuha naman ito ng binata. “May request sana ako.”
“And what is it?”
“Gusto ko sanang umuwi muna sa amin para naman makapagpaalam ako sa landlady ng tinitirhan kong apartment. Baka kasi magtaka sila na hindi na ako roon titira. Isa pa, may mga sentimental value ang mga gamit na naiwan ko roon.”
“Ayoko ng mga kalat dito sa penthouse ko,” bahagyang nagsusungit na naman ito.
“Hindi ko naman sila dadalhin dito. Ipapatago ko lang sa kaibigan ko.”
“All right. Ipapasama ko sa iyo si Franco.”
“Huwag na!” tanggi niya. Mas lalong tiningnan na naman siya nito ng malalim. “Kapag nakita kasi si Franco sa inuupahan ko ay baka kung ano ang isipin. At saka masungit ang isang iyon. Hindi yata ako type sa grupo kaya huwag na lang siya.”
“I want to make sure you’ll be back, Mary. Pumili ka ng isa sa mga tauhan ko na sasasama sa iyo or else, I won’t allow you to go there.”
“Markus, please. Just this time. May kontrata naman tayo at nangangako naman akong babalik ako. Promise!” Itinaas niya ang kaniyang kamay na tila nanunumpa para lang payagan siya nito.
Sumandal si Markus saka mahinang bumuga ng hininga. “Makulit ka. All right. Kailan mo gustong pumunta sa tinitirhan mo?”
“Mamaya.”
Tanging pagtango lang ang ginawa nito ngunit dama niyang papasundan siya nito. Gayunpaman, kailangan niyang ihanda ang kaniyang sarili sa darating na mga araw.