“Anong klaseng trabaho pala ang e-offer mo sa akin, Markus?” tanong ni Mary dito.
Lumipat na sila ng couch na bahagyang malayo sa mga naglalaro upang makausap pa niya ang binata. Yes! Nalaman niya agad ang katayuan nito matapos ang pangungulit niya rito na usisain ang buhay nito. Hindi pa nga ito magsasabi kung hindi lang niya kinulit ang binata.
May kasungitan si Markus at ni isang ngiti sa labi ay hindi man lang niya masilayan. Ibang-iba rin ito sa mga lalaking naroon kaya naman na-hook agad siya at na-challenge na rin na sa ipinakita nito sa kaniya.
Mula ng alukin niyang sindihan ang sigarilyo nito kanina ay alam niyang jackpot na siya sa gabing ito. Siyempre ay idagdag na ang pang-aakit niyang makuha ang atensiyon nito. Kaya lang ay kailangan pa rin niyang mag-ingat dito dahil kanina pa niya napupuna ang mga kalalakihan sa hindi kalayuan at nagmamasid sa kanila. Sa tingin niya ay tauhan ito ng binata.
“Delikado ang gagawin mo,” tugon nito.
“Mas challenging iyon. Bakit? Is it illegal?” Gusto na niyang tumbukin ang nais nitong ipahiwatig.
“Sort of.”
She chortled. “Kung malaki ba naman ang kikitain ko, game ako. Gusto ko na rin makaalis sa lugar na ito at makahanap ng kakaiba. Open naman ako kahit ilegal pa ang gagawin ko.” Bigla akong napaisip sa mga sinabi ko. “Wait. Don’t tell me, illegal nga ang gagawin kong trabaho sa iyo?”
Malalim na naman ang tingin sa kaniya ni Markus habang hawak pa rin nito ang basong may lamang alak. Kasabay niyon ay ang musikang pumainlang sa paligid na lalong nagpapainit sa usapan nilang dalawa.
This is the right time she has been waiting for. Ilang gabi na rin siyang nakatambay sa lugar na ito para lang matiyempuhan ang binata. Alam niyang ma-impluwensiyang tao si Markus dahil sa kaliwa’t kanan nitong negosyo. And she wants to be part of his business…monkey business.
“What if I said yes? Does it mean to you?” he said.
“Yes, of course. I mean, walang problema sa akin iyon. Kung malaki ba naman ang kikitain ko sa negosyo mong iyan, I’ll accept it.”
“Good. Do you want to play?” he asked.
Ibinaba niya ang isang hita niyang nakade-kwatro. “I am always ready to play.” She smirked after.
Sabay nilang tinungo ang playing area ng Casino para samahan itong maglaro. Noon lang niya napagtantong tauhan nga nito ang mga kanina lang nakamasid sa kanila nang ibigay sa binata ang mga chips na gagamitin sa paglalaro nila.
She guided and helped him to play. Hindi niya ito iniwan hanggang sa ilang beses naman itong nanalo sa roulette games. Ipinakita niyang masayang-masaya siya habang nananalo ito sa bawat laro. Kaya naman ay nag-umpukan na ang iba sa kanila lalo na at kakaiba ang vibes niyang hatid sa binata. It was just a game and sometimes they lost or win. But this moment, Markus won it.
“Congratulations!!” sigaw ng mga naroon.
“Thank you! And because of that, let’s drink! Sagot ko na,” saad ng binata sa lahat.
Mas lalong nagsigawan ang mga naroon at bumuhos nga naman ang alak sa bahaging iyon ng Casino. Maya-maya lang ay hinawakan ni Markus ang kamay niya at dinala sa isang kwartong makakapag-solo silang dalawa. Wala sa plano niya ito ngunit hindi na rin siya makawala.
“Markus, what are we doing here?” tanong niya. Iginiya niya ang paningin sa malawak na kwartong may mapusyaw na liwanag.
“I will give you your reward. Kung hindi dahil sa iyo ay hindi ako magiging swerte ngayong gabi.”
“Ang sabi ko naman sa iyo ay ayos lang naman na hindi mo bayaran ang service⸻”
Inilagay nito ang daliri sa labi niya. “Sssshhh! There’s always a reward for a woman like you.”
Lihim siyang napalunok nang haplusin ng binata ang mukha niya. Naghatid ito ng isang mainit na pakiramdam sa buong katawan niya. Bumaba pa ang kamay niyang iyon at muling hinaplos ang likuran niya. She felt nervous and shivering. Sa ganoong paraan pa lang ay matutunaw na nito ang depensa niya.
“You’re trembling, Mary.”
“U-Uhm…” s**t! This is only a game, Mary. Sinaway niya ang sarili para lang maging focus siya sa nangyayari.
“Wait for me here.”
“Huh?!” Nagitla siya sa sinabi nito.
Wala na rin ibang binanggit pa ang binata sa kaniya saka ito lumayo sa kaniya at naglakad. Hindi niya maintindihan ang nais nito ngunit unti-unti na rin nawala ito sa paningin niya. Kinabahan siya at inihanda na rin ang sarili. Ilang sandali lang ay isa-isang lumabas ang mga kalalakihan na may malalaking katawan.
Napaatras siya. Sa tingin pa lang niya ay may hindi magandang gagawin ang mga ito sa kaniya. Agad siyang lumapit sa pinto ngunit naka-locked ito. Muli siyang sumulyap sa mga ito na isa-isa na rin lumalapit sa kaniya.
“Anong gagawin niyo sa akin?” tanong pa niya sa mga ito.
Ngumisi lang ang mga ito sa kaniya ngunit bago pa man makalapit ang mga ito ay inunahan na niya. Hinawakan niya agad ang isang kamay ng lalaki at inipit kaya ito napasigaw.
“Aaahhh!”
“Sino kayong mga hayup kayo?!” Tinakdiyakan niya ito sa bandang ibaba nito kaya mas lalo itong napasigaw.
“Ikaw babae ka! Masasaktan ka talaga sa amin ngayon!” wika pa ng isa.
Naalarma siya. Nakita niya agad ang flower vase at mabilis na pinukpok dito. Wala siyang naiintindihan sa gustong mangyari ng mga ito at iniwan pa siya roon ni Markus. Basta ang alam niya ay nais siyang saktan ng mga ito.
Mabuti na lang at may alam siya sa self-defense na nakipagsabayan ng sipa at suntok ng mga kalaban niya. Ngayon ay mapapaisip na ang mga ito na ang isang hamak na escort ay marunong makipagbuno sa malalaking katawan tulad nila.
Nakahanap siya ng paraan para mabuksan ang pinto at tumakas. Hingal na hingal siyang tumakbo palabas hanggang sa parking area ng Casino. Naiwan pa ang sapatos niya dahil pinampukpok din niya ito sa mga lalaking nanakit sa kaniya. Subalit bago pa man siya tuluyang makatakas ay nasalubong na niya si Markus.
“M-Markus!!” sambit niya. “M-May gustong manakit sa akin!” wika agad niya rito. “Halika ka na at umalis na tayo rito!” Subalit nakita niyang kalmado lang si Markus.
Nakasunod na sa kaniya ang mga kalalakihang ito na puro duguan ang mga nguso sa ginawa niya. Subalit mas lalo siyang namangha ng balewala lang naman kay Markus ang mga ito.
“Boss, tapos na ang pinapagawa mo,” wika ng lalaking lumapit sa kanila na nakita niya kanina sa loob.
“A-Anong ibig sabihin nito?” naguguluhan niyang tanong.
Humarap si Markus sa kaniya. “You’re hired.”
“Ha?” maang niyang tugon. Sumulyap siya sa mga ito na tila mga nautusan lang ni Markus. “Mga tauhan mo sila? Pero⸻”
“Gusto mong maging bahagi ng grupo ko, hindi ba? I am giving you the test and you made it.” Nilapitan siya nito. “I told you, delikado ang papasukin mong trabaho sa akin. Now, are you sure you really want this job? Pwede ka namang tumanggi kung hindi mo kaya.”
Kumalma siya. “Ah. I got it. Of course, I still need the job.”
“But still I didn’t trust you, Mary. Perhaps, sooner.”
“Tama ang boss ko,” sabat ni Franco saka bumaling ito kay Markus. “Boss, baka pakawala ang babaeng iyan ng mga kalaban natin o kaya ng mga autoridad. Tingnan mo at binugbog niya ang mga kasama ko,” angal nito.
“Tama si Franco, Boss Uno. Ang sakit ng panga ko,” reklamo rin ng isa.
Uno? “Hindi ako pakawala ng kung sino at may nalalaman lang ako sa self-defense. Sa klase ba naman ng trabaho ko na ito at kung sino-sino ang nakakasalamuha ko ay kailangan ko rin proteksiyunan ang sarili ko,” mabilis niyang tugon. Mariin siyang napatitig kay Markus. Kung ganoon ay ikaw si Uno. Jackpot!
“Puro kayo reklamo,” tugon naman ni Markus sa mga ito. Sumulyap din ito sa kaniya. “Come with me.”
“S-Saan tayo pupunta?”
Hindi na naman siya sinagot ng binata kaya sumunod na lang din siya rito. Gets na niya kung bakit sinugod siya ng mga kalalakihang ito nang dahil sa isang pagsubok. Paninindigan na rin niyang pumasok siya sa isang grupong masama na ang ginagawa sa lipunan. Gayunpaman ay doble pa rin ang pag-iingat niya sa mga ito.
Nakarating siya sa malaking bahay ni Markus at katulad nga naman sa isang inosenteng nilalang ay nagkunwari siyang na-amaze rito. Kailangan niyang ipakita sa mga ito ang paninibago niyang makapasok sa magagarang bahay.
“Wow! Ang laki pala ng bahay mo, Boss Uno!” biro niya sa pagtawag ng alyas nito. Malalim na naman ang tingin sa kaniya ng binata kaya nagbawi siya ng reaksiyon. “Sorry. Na-amaze lang ako sa bahay mo.”
“Franco, kumuha ka ng sapin niya sa paa,” utos ni Markus kay Franco.
“Ay, huwag na. Sanay naman akong nakayapak,” tanggi niya.
“Huwag mo siyang sundin, Franco. Kung hindi ka kukuha ng sapin niya sa paa ay tsinelas mo ang ipapahiram ko,” banta naman ni Markus sa tauhan.
Nagsusungit na naman siya. Bumaling na si Markus sa mga tauhan niya at may mga hinabilin kaya malaya niya itong napagmasdan. Mukhang perpektong hinubog ng diyos ang isang ito.
Matangkad, may magandang pangangatawan at ubod ng gwapo. Idagdag pa ang matangos nitong ilong, naka-brush up style niyang buhok, magagandang mga mata at mapupulang mga labi. May halong Italian looks na madalas niyang nakikita sa mga movie series. Kaya siguro napagkamalan niya ito kanina na hindi naiintindihan ang lengguahe niya.
She’s attractive to him. Sino ba naman ang hindi? Kahit nga ang mga kasamahan niya sa Casino ay inaabangan ang lalaking ito. Gayunpaman, hindi naman mahalaga sa kaniya ang anyo ng lalaking ito kung hindi ang trabahong inaalok nito sa kaniya. Nasasayangan lang din siya sa isipin na sa kabila ng magandang ayos nito ay may madilim itong mundong ginagalawan.
Lihim siyang napailing.
Bumalik si Franco dala ang sapin niya sa paa at ibinigay sa kaniya. Nakangiti naman siya rito ngunit katulad ng boss nito ay may pagkamasungit din itong si Franco sa kaniya.
“Franco, dalhin mo na siya sa guest room. Let’s talk tomorrow morning, Mary. Have a good night.” Tumalikod na agad ito matapos iyong sabihin sa kaniya.
“M-Markus…” mahina na lamang sambit niya.
“Sumunod ka sa akin,” yaya ni Franco sa kaniya.
Sumulyap pa siya kay Markus na umakyat ng hagdanan at hinintay na tumingin ito sa kaniya ngunit bigo siya. Tuluyan na lang siyang sumunod kay Franco ayon na rin sa utos ng magiging boss nilang dalawa.
“Ito ang guest room mo. Hangga’t wala pang pormal na pinapasabi ang boss ko ay mag-behave ka. Oras na malaman kong isa kang espiya, sinasabi ko sa iyo, bubutasan ko iyang noo mo. Nagkakaintindihan ba tayo?” banta nito sa kaniya.
“Franco, right? Nandito ako para magkapera at hindi ko kasalanan kung bakit gusto akong patayin ng mga tauhan mong mga lampa naman. Anyway, good night.” Isang matamis na ngiti ang pinakawalan niya kay Franco bago niya isinara ang pinto.
Pagkasara niya ng pinto ay agad niyang kinuha ang cell phone mula sa dibdib niya na maigi niyang itinago. Maliit lang at manipis lang ito kaya naman hindi masyadong halata. Nag-dial agad siya habang tinungo niya ang malambot na kama saka umupo.
Isang mahinang buntong hininga ang pinakawalan niya habang nagri-ring ang kabilang linyang tinatawagan niya. Sa pagkakataong iyon ay ibang ekspresyon sa mukha ang ipinakita niya.
“Hello?” wika ng kabilang linya.
“Wally, ako ito. Nandito na ako sa loob ng bahay ni Markus Bradley Mondragon. Ipapasok na niya ako sa organisasyong pinamumunuan niya.”
“Good. Kung may kailangan ka pa ay nandito lang kami. Mag-ingat ka na rin at halang ang mga kaluluwa ng mga iyan.”
“I know. Tatawag na lang ako kapag may update na. Bye.”
“Okay, bye.”
Ibinaba na niya ang tawag matapos makipag-usap sa misteryosong lalaki sa kabilang linya. Muli niyang itinago ang cell phone na hindi makikita ng mga tauhan ni Markus. Magsisimula pa lang ang pakikibaka niya sa grupo ng binata. Markus Bradley Mondragon, sino ka nga ba talaga?