THE PRIVATE jet where she was in was provided by the FBI, makarating lamang siyang agad sa Los Angeles. At walang ideya si Natalie kung ilang oras na siyang nakadungaw sa bintana. Hindi na rin niya mabilang kung ilang beses tumama ang natatanaw niyang pakpak ng eroplano sa mga ulap. Parang hindi nasama sa paglipad nila ang utak niya at naiwan sa Pilipinas. Saglit siyang pumikit, mariin. Isang araw pa lamang ang nakararaan nang malaman niya ang nangyari kay Bradley. Tulad ng sunod-sunod na naganap, parang hindi na natigil iyong isip niya. Doon ay palaging ang lalaki ang nakikita niya. Caleb had been reminding her she didn't have to blame herself for what happened to Bradley. Si Elise ang may gawa niyon at hindi siya. Bagaman, pagbalik-baliktarin man ang mundo, si Natalie pa rin ang pu

