NAKALIKO NA SILA sa huling kanto papuntang hacienda. Nakasunod sa kanila ang sasakyan ni Lira kung saan kasama nito roon sina Aling Lydia at Caleb. Si Natalie ay kasama ang mga kapatid sa sasakyang nirentahan ng mga ito. Nadine was in the passenger's seat. Sa backside ay katabi ni Natalie si Narea. Sa puntong iyon ay halos paharurutin ng driver ang sasakyan. "Natalie, relax, okay?" Mahigpit na hinawakan ni Narea ang isang kamay niyang naglililikot sa kanyang kandungan. Bagaman si Natalie, magbuhat nang makaliko ang sinsakyan, hindi pa rin siya mapakali; naghuhumaba pa rin ang leeg niya. Tuluyan nang nagdilim ang paligid. Nakadadagdag pa ang kadilimang iyon sa frustration niya. Sa parte ng daang iyon kasi ay ang lalayo ng agwat ng mga poste ng ilaw, bagay kung bakit hindi siya sigurado ku

