Tumaas ang mga kilay, umawang rin ang bibig ni Natalie sa pagkagulat. "Wait, what?" "You weren't there, Nat." Si Nadine. "Elise told us you didn't want to see nor to talk with us. Ask Aling Lydia, she was there. Naghatid pa siya ng pagkain sa amin sa opisina ni Elise." Napapikit si Natalie, naipatong sa mesa ang mga siko, sinapo ang noo. Doon pa lang naunawaan na niyang puro false memories ang alaala niya ukol sa mga sandaling iyon. "Tell me what exactly happened." "Wala rin si Elise sa libing ni Mamá," umpisa ni Narea. "Pero pagkatapos no'ng libing, tumawag si Elise, pinapapunta niya kami sa hacienda; sasabihin daw niya 'yong Will. Pagkadating namin, wala ka; lumalala 'yong masamang kutob namin. Hinanap ka namin sa kanya. Sabi niya, ayaw mo raw kaming kausapin. Sinabi pa niya na kung g

