"PROBABLY, iyon ang therapy na ginawa sa 'yo ni Elise --- 'yong pinapaupo ka niya sa upuan 'tapos magpapatunog ng metronome." "Paano ka nagkaroon ng gano'ng gamot?" palatak ni Lira "Bakit hindi ko alam na may pinagdadaanan ka pala? Na ginagan'yan ka pala ni Elise? Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?" Walang nakuhang sagot mula sa kanya si Lira. Napadaing lang ang kaibigan niya. Kapakuwan ay ang psychiatrist ang kinulit nito. "What is Hypnodelic Therapy, by the way?" "It's a kind of psychedelic therapy. May ituturok sa 'yong psychedelic drugs, then ia-undergo ka sa hypnosis. With the help of that drug, your mind will be open to whatever the hypnotist would suggest. One of those suggestions was altering or changing your feeling towards a certain memory." Tumayo itong kinuha ang tasa saka mul

