"OKAY," anang lalaki, umupo sa pang-isahang sofa, bitbit ang tasang naglalaman ng tsaa. Nagdekuwatro ito. "I think we can start now. So, tell me Natalie, have you remembered? Have you comprehended? Tell me what those things are." Natalie tried to open her mouth. Pero urong ang dila niya magmula pa kanina. Natanggal na't lahat-lahat ang mga karayom mula sa katawan niya, naitimpla na rin siya ng tsaa ng lalaking kaharap ay hayun pa rin siya: minamasdan ito at paminsan-minsang lumilinga sa paligid. Bukod kasi sa noon lang niya na-appreciate ang lugar, noon lang din niya natitigang maigi ang lalaki. He looked like Jesus Christ: buhok na ang haba ay hanggang balikat. Natatabunan ng makapal na balbas ang bibig. His eyes were light brown, kakulay ng buhok nito at ng kilay at ng balbas. His v

