Mabilis na lumipas ang mga araw at bukas ay gaganapin nang muli ang aking monthly assessment. Tiyak kong mas mahirap na ito kumpara sa unang beses dahil isang buwan na lamang ay gaganapin na ang aking koronasyon. Mas naging mahigpit din si Reyna Sabrina kaya naman hindi na ako masyadong nakakalabas sa palasyo.
Maski sa may hardin ay hindi na ako pinapayagan kahit na ang rason ay upang magpahangin. Wika niya ay mas ligtas sa loob nang palasyo dahil takot ang mga shadows sa liwanag. Dahil gawa nga naman sa dyamante ang buong palasyo ay nagrereflect ang ilaw mula dito kaya pati gabi ay maliwanag ito bagay na kinaaayawan nang mga shadows. Kaya’t itunuring na pinakaligtas na lugar ang palasyo ngunit pakiramdam ko ay nakakasakal din paminsan minsan.
Halos araw araw ay bumabalik kami ni Zeref sa lugar kung saan kami naglaban nila Neon. Tinulungan nila akong controlin ang mga elemento at sa ngayon ay mayroon na akong apat na elementong natutunan. Ang halaman na siyang una kong natutunan sa tuktok nang bundok, ang lupa na siyang pinakamayaman na elemto sa lugar na pinageensayuhan namin, at tsaka ang tubig at ang hangin. Madali ko lamang natutunan ang dalawang huli dahil sina Zeref at Neon mismo ang nagturo sa akin kung papaano ito controlin nang maayos.
Pakiramdam ko ay mas lumakas din ako dahil sa tulong nilang dalawa. Hindi lamang ang aking kapangyarihan ang ineensayo namin ni Zeref ngunit pati ang aking pakikipaglaban. Wika niya ay mas magiging epektibo kung pareho kong mamamaster ang kapangyarihan at pakikipaglaban. Mas madali ko nang nacocontrol ang aking kapangyarihan at para bang nasa balat ko nalamang ang enerhiyang ito.
Mas bumilis din ang aking pakikipaglaban dahil sa mga pinagawa ni Sir Prithious sa akin sa aming Weaponry and Magic subject. Magkaiba ang uri nang pagututro ni Zeref at Sir Prithious kaya naman mas lumawak ang aking kaalaman sa pakikipaglaban. Halos araw araw niya akong pinapatakbo habang may kinakalaban na mga shadows na gawa sa isang gamit na galing sa Mirdum Kingdom. Mula dito ay nawala na rin ang takot ko sa aming mga kalaban.
Minsan ay kinalaban ko rin si Zeref sa klase niya dahil nais niya raw makita kung hanggang saan ko kayang labanan ang isang Imperial Guard. Nahirapan ako dahil binigay talaga ni Zeref ang lahat at dahil ayaw ko namang magpatalo ay halos tumagal nang tatlong oras ang dapat ay isang oras lamang na klase namin.
Si Sir Clifford naman ay tinuruan ako ng lahat nang kailangan kong malaman patungkol sa mga shadows. Kasama na rin doon ang mga kahinaan at kung ano ang mga kaya nilang gawin. Pakiramdam ko naman kahit papaano ay kaya ko nang talunin ang mga ito. Kasama ko rin si Mor kaya naman dalawa na kaming estudyante niya sa klaseng ito. Natuwa rin si Sir Clifford dahil mainam na raw na may alam ang Head of the bedchamber sa mga gawain nang reyna nang sa gayon ay maplano niya ang iskedyul nito nang mas maayos.
Hindi na rin masyadong nakakabisita si Hiro dito dahil pusta ko ay madami na siyang ginagawa sa kaniyang bagong trabaho. Noong huling usap namin ay sinabihan niya akong kailangan naming magkita dahil may sasabihin siyang importante sa akin. Hindi ko lamang alam kung pumunta na ba siya roon nitong mga nakaraang araw ngunit dahil nga sa ipinagbawal ako ni Reyna Sabrina at sa dami nang gagawin sa planning para sa aking koronasyon ay hindi ko maharap ang makipagusap sa kaniya.
Hindi ko alam kung ano ba ang nais niyang sabihin ngunit pwede niya naman itong ipasabi kay Mor nang sa gayon ay makarating na ito sa akin. Noong umpisa ay natutuwa pa ako sa mga ginagawa namin ni Eva para sa aking koronasyon, ngunit ngayon ay hindi na. Halos sumakit ang aking ulo at mamuti ang aking buhok sa kakaisip nang mga kulay, bulaklak, pagkain at disenyo sa nalalapit na koronasyon. Natutuwa naman si Reyna Sabrina na nakikita niyang ako ang gumagawa nang lahat dahil isa raw ito sa aking tungkulin bilang isang reyna.
Kadalasan ay nagpapasasama na rin ako kay Mor sa pagpili nang mga dapat ilagay na disenyo sa throne room. Hindi ko rin naman alam ang mga putaheng laging inihahanda sa mga ganoong okasyon kaya naman ibinigay ko nalang din ang trabahong iyon sa kaniya. Naging mas busy rin ang mga tao sa loob nang palasyo dahil sa magaganap na selebrasyon.
Hindi ko man nakikita ang mga Ladies of the Waiting ngunit alam kong naghahanda rin sila sa araw na iyon. Balita ko ay pwede silang mamili nang mapapangasawa sa gabing iyon.
Ngayon ay magkasama na naman kami nina Mor, Zeref at Eva sa isang balkonahe at pinaguusapan ang mga dapat na mangyayari sa coronation night. Hinatiran kami nang isang tagasilbi nang tsaa at ilang mga matatamis na pagkain. Ngayon ay nasasanay na akong kumain nang malumanay, umupo nang tuwid, gumamit nang tamang muwebles sa hapagkainan, at pakiramdam ko ay nagbago na ako.
Pakiramdam ko ay isa na akong ganap na reyna. Ipinilig ko ang aking ulo dahil sa aking iniisip. Kahit ano mang mangyari ay ako pa rin ito, nagbago man ang mga kilos ko at ang aking pananamit, ngunit ako pa rin ang dating Khione na nagmula sa bayan ng Cyore at hindi ko ito ikinakahiya.
“There will be a ball and you will be dancing with noble people during that night Your Highness.” Tumango ako kay Eva habang ngumunguya nang inihain nang mga tagasilbi na cookies. Napatango ako habang nakangiti sa tagasilbi bilang pagacknowledge sa kaniyang binigay.
Gumaan naman ang aking loob nang makita ang kaniyang masaya ang maginhawang mukha. Napatingin ako kay Eva at tumango sa kaniyang sinabi kahit hindi ko naman naintindihan ang mga ito. Isa lang ang sigurado ko, at iyon ay mga gaganapin sa gabi nang aking koronasyon.
Nitong mga nakaraang araw ay mas naging malapit kami ni Eva dahil madalas kaming magkasama tuwing hapon. Napagalaman kong dito siya sa Pedrimont lumaki at nais niya talagang maging isang ganap na planner.
Hindi niya nasasabi kung ano ang kaniyang mahika at kung saang pamilya siya galing ngunit nasisiguro kong malakas ito. Ramdam ko ang kaniyang life force, mukhang mas lumalakas na ako dahil hindi ko na kailangan buksan ang aking koneksyon upang makita o maramdaman ang mga life force sa paligid ko.
“What is a ball?”
“Sayaw sayaw iyon Mahal na Reyna. Kadalasan ay tumatagal ito nang ilang oras at pagkatapos nito ay tsaka pa lamang magsisimula ang kainan.” Pagpapaliwanag ni Mor sa aking likuran. Tumango ako sa kaniya at kinuha ang aking tsaa upang ihipan ito.
Napadako ang aking tingin kay Eva at napansin kong nakatingin lamang siya sa kay Mor habang nagsasalita ito. Makikita ang saya sa kaniyang ga mata at unti unti ring tumataas ang dalawang sulok nang kaniyang labi.
Mukhang naramdaman niya naman ang aking tingin kaya ngumiti siya sa akin bago humigop sa kaniyang tsaa. Ramdam ko ang nabuong pagkakaibigan sa kanilang dalawa, magkaiba man ang kanilang estado sa buhay ay hindi ito naging hadlang upang maging magkasundo sila.
“Kung ganoon ay ito ang unang parte nang selebrasyon?”
“No, Your Grace. It is the second part of the programme. The first part would be an introduction.” Sagot naman ni Evangeline at humigop sa kaniyang tsaa bago ngumiti.
Humigop naman ako sa sarili kong tsaa at muli akong kumuha nang cookies at kumagat dito. Nahagip naman nang mata ko ang magandang ngiti ni Eva kaya naman hindi ko naiwasan ang ngumiti rin at tsaka pinagpatuloy na lamang ang aking pagnguya at pagkain.
Mukhang masaya si Eva ngayong araw. Sa katunayan ay palagi ko siyang nakikitang nakangiti sa gawi ko at hindi ko naman maiwasan ang ngumiti pabalik. Nitong mga nakaraang araw ay napapansin ko ang kaniyang pagiging stress. Mukhang kinakabahan rin siya sa nalalapit na koronasyon kaya naman ganoon na lamang ang kaniyang reaksyon. Hindi ko naman siya masisisi dahil minsan lamang sa dalawampu’t limang taon nangyayari ang koronasyon para sa bagong reyna.
“So, the ball would be an hour-long dance? Who would want to dance for that long?” Hindi makapaniwalang wika ko.
“It is one of the most awaited part of every event Your Grace. People love dancing and sometime an hour-long dance is not just enough.”
“How long really is the coronation night Eva?”
“Around three to four hours, Your Highness.”
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa buong apat na oras na iyon. Napairap na lamang ako nang aking mata at hindi naman mapigilan ni Mor ang mapahagikgik nang mahina mula sa aking likuran. Tinignan siya ko siya at nginitian. Napadako ang aking paningin kay Zeref at nginitian rin siya kahit na hindi ko naman nakikita ang kaniyang reaksyon.
Ibinalik ko ang aking tingin kay Eva ngunit bigla na lamang umikot ang aking paningin. Halos mahulog ako sa aking upuan buti na lamang ay maagap si Zeref at dali dali niya akong nasalo.
Napasigaw naman si Mor at dali dali ako ng kinapa sa aking leeg upang tignan ang aking temperatura. Hindi ko alam kung anong nangyayari ngunit habang tumatagal ay lalong bumibilis ang pagikot nang aking paningin at nawawalan na rin ako nang hininga.
“Reyna Khione, anong nangyayari? Anong nararamdaman mo Reyna Khione?”
“Queen Khione, are you alright? What is happening? Call a naturalist!!”
“Queen Khione, can you hear me? Say something!”
Naghalo halo na ang mga sinasabi nila sa aking pandinig at hindi ko alam kung sino ba ang nagsasalita. Paunti unti ay nawawala na rin ang aking pandinig. Tinatapik tapik ako nang kung sino upang hindi ako makatulog na ngunit hindi ko na kaya. Naramdaman kong bumabaliktad ang aking sikmura at may kung anong malansa ang lumalabas sa aking bibig. Hula ko ay dugo ito ngunit bakit?
Sobrang sakit sa tenga ang ingay na aking naririnig at maya maya lamang ay isang matinis na tunog na lamang ito. Naging itim na rin ang aking paningin kahit pa alam kong nakabukas ang aking mga mata. Pakiramdam ko anomang oras ay mawawalan na ako nang hininga dahil sa kakulangan nang hangin. Hindi ko ito masabi kay Zeref dahil hindi ko na maigalaw ang aking katawan na para bang paralisado na ako.
Nang hindi ko na makayanan ang hapdi at sakit mula sa loob nang aking katawan ay nagpalamon na lamang ako sa kadiliman.