CHAPTER 25

2186 Words
“Ate balak kong gawan ito nang isang mahabang damit, pakiramdam ko ay maibebenta ko ito sa mga middleclass.” Wika ni Kiana sa akin habang tinitignan niya ang mga tela na pinili namin ni Mor para sa kaniya. Napangiti naman ako dahil ngayon ko lamang muli nakita ang kinang sa mga mata nang aking kapatid.   Kasama naman ni ina si Mor ngayon na naghahanda nan gaming makakain. Sinabihan siya ni in ana huwag na at maupo na lamang ngunit hindi raw papayag si Mor dahil siya ay ina nang susunod na reyna kaya’t wala naming nagawa ang aking ina kung hindi ang payagan ito. Si Zeref naman ay nakatayo sa may pintuan at mukhang binabantayan ito. Hindi ko na lamang siya pinilit maupo dahil alam kong pareho lamang sila ni Mor nang sasabihin.   “Alam mo Kiana, may nakita akong  tela doon sa Pedrimont na napakaganda, kaso mukhang konti lamang ang ganoong tela kung kaya’t hindi ako nakabili.” Kwinento ko sa kanya ang itsura at kwalidad nang telang napusuan ko sa Pedrimont at tuwang tuwa naman siya habang nakikinig. Nais niya raw itong makita kung kaya’t nangako naman akong dadalhin ko siya roon sa susunod na balik ko rito sa Cyore. Sana lamang ay makabalik akong muli.   “Halina kayo, Khione, kumain na tayo at masamang pinaghihintay ang pagkain.”naudlot ang kwentuhan naming ni Kiana nang tawagin kami ni ina upang kumain. Tinawag ko na rin si Zeref at inabot pa nang mahaba-habang pilitan bago siya pumayag na sumabay sa amin. Napangiti ako nang mapansin kong mukhang nagkakasundo naman si ina at si Mor.   “ililibot ko ho kayo sa palasyo kapag reyna na si Khione. Sigurado po akong magugustuhan niyo roon dahil marami at malalaki ang mga kwarto. Syempre pwede kang manahi doon Kiana.” Pagpuputol ni  Mor sa sasabihin sana ni Kiana na siyang ikinasimangot niya. Nagtawanan naman kami dahil doon.   “O kamusta naman ang pagiging reyna anak?”   “Hindi pa ho ako reyna, ina. Nais akong tulungan ni Reyna Sabrina at Deity Naruu na matutunan ang lahat nang nararapat kong malaman bago ako makoronahan. Sa ngayon po ay nagaaral pa po ako.” Napasinghap naman si Kiana dahil sa aking sinabi. “Talaga ate, nagaaral ka?” tumango ako at kuminang naman ang kanyang mga mata kaya’t napatawa ako.   “Kung nais mo ring magaral, hayaan mo at pagbibigyan kita kapag nakoronahan na ako. Ayos bai yon?” dali dali naman siyang tumango at mukhang ginanahan pang kumain dahil sa aking sinabi. Halos magkapareho talaga kami nang interes ni Kiana kung kaya’t kahit papaano ay naiintidihan ko siya.   “Anong mga bagay naman ang pinagaaralan mo, Ki?”   “Mga makakatulong po sa akin bilang bagong reyna, katulad na lamang po nang etiquette kay Madam Selvia, kasaysayan at politika naman po kay Sir Clifford, at nagsasanay rin ho ako kay Sir Prithious.” Napanganga si ina nang mabanggit ko ang mga pangalan nang mga nagtuturo sa akin. Mukhang matunog nga ang mga pangalang ito sa aming kaharian. Maya maya ay napatango tango naman siya.   “mayroon rin po siyang afternoon tea, at si Reyna Sabrina naman po ang nagtuturo sa kanya dito. Nais po kasi nilang matutunan ni Khione ang pakikisalamuha.” Segunda ni Morn a siyang tinanguan ko naman.   Nasa ganoon kaming lagay nang biglang bumukas ang aming pintuan na siyang ikinagulat naming lahat. Napatili si Kiana at ina habang dali dali naming tumayo si Zeref at inilabas ang kanyang espada. Tahimik lamang kaming naghihintay at nang pumasok si Hiro ay napahinga kami nang maluwag.   Mukhang galling ito sa pagtakbo dahil gulo gulo ang kanyang buhok at marami ring gasa sa kanyang damit, hula ko ay galling pa ito sa kanyang trabaho na pagmamay-ari nang kanilang pamilya. Inilibot niya ang kaniyang paningin at nang makita ako ay dali dali itong tumakbo palait sa akin ngunit hinarang siya ni Zeref.   Nagkatinginan sila at hand ana sanang itulak ni Zeref si Hiro nang pinigilan ko ito. “Kaibigan ko siya, Zeref. Ayos lamang ako, pwede mo nang ibaba ang iyong armas.” Wika ko. Nagtinginann muna sila nang ilang saglit bago ibinaba ni Zeref ang kanyang espada at gumilid.  Dali dali naman akong yinakap ni Hiro pagkalapit niya sa akin.   “Ano ka ba Hiro, bakit hindi ka man lamang nagpalit nang damit mo, tumakbo ka pa mula roon hanggang dito.”   “Halos isang buwan na kitang hindi na kita, sa tingin mo iisipin ko pa ang damit ko?” napailing na lamang ako at napangiti. Kahit kalian talaga napakamaalaga ni Hiro sa mga mahal niya sa buhay. Binigyan ko siya nang isang bason ang tubig dahil mukhang kailangan niya ito, at pagkakuha ay inubos niya ito kaagad.   “Haynako kuya Hiro, hindi mo naman kasi kailangang tumakbo hanggang bukas pa rito si ate Khione.” Halos maibuhos niya naman ang kaniyang iniinom dahil sa sinabi ni Kiana at dali dali akong hinawakn sa magkabilang balikat ko.   “Talaga? Totoo ba iyon?” Napatawa akong muli tsaka umirap dahil sa kanyang ginawa. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa aking balikat at tumango. Matutulog kami nang isang gabi rito at bukas nang hapon kami babalik sa palasyo upang ipagpatuloy ang aking pagaaral kinabukasan.   Napangiti naman si Hiro dahil doon at dali daling umupo sa upuan na siyang katabi noong akin. Iyon na lamang din kasi ang bakante, at kumuha siya nang pagkain. “Ang sarap niyo talagang magluto Tita Karen.” Wika niya habang may laman ang kaniyang bunganga kung kaya’t pinalo ko ang kanyang ulo mula sa likuran.   “Una, inistorbo mo kami sa aming pagkain, tapos ngayon makikikain ka na nga, punong puno pa yang bunganga mo habang nagsasalita. Mahiya ka naman may kasama ako galling sa palasyo.” Wika ko sa kanya at mukhang doon lamang siya natauhan at muling tumayo. Napailing na lamang ako sa uri nang pagiisip ni Hiro, kaya hindi siya nakakagawa nang makina nang maayos e.   “Ipakilala mo naman ako Khione, napakasam mo talagang kaibigan.” Umirap ako dahil iyan na naman ang linya niya sa tuwing may nagagawa siyang mali. Napabuntong hininga ako at ipinakilala si Mor at Zeref kay Hiro.   “Siya si Morgarette, ang aking Head of the Bedchamber, siya ang lagi kong kasama kapag naliligo ako at nagbibihis. Siya rin ang tumutulong sa akin sa pagaayos nang aking mga damit. Ito naman ay si Zeref, ang aking Imperial Guard.” Kumaway si Mor habang nakangiti samantalang tinanguhan lamang siya ni Zeref.   “Ako nga pala si Morgarette, pero tawagin mo nalang akong Mor.” Napataas ang aking kilay nang mapansin ko ang matamis na ngiti ni Mor kay Hiro. Iniabot niya ang kanyang kamay sa harapan ng aking kaibigan at kinuha naman nito tsaka hinalikan sa likuran ng palad. Napakunot ang aking noo dahil hindi naman ganito ang dalawang ito sa pagkakakilala ko. Napatingin ako kay zeref dahil sa ginawa ni Mor. Hindi ba at may gusto si Mor kay Zeref? Ngayon kay Hiro naman? At anong nakain nitong si Hiro at nanghahalik nang kamay?   Pakiramdam ko ay hindi ko kilalang lubos ang dalawang kaibagan kong ito. Mukhang nagababago ang ihip nang hangin.   “Tama na iyan at ipagpatuloy na natin ang ating pagkain.” Singit ni ina sa tinginan nang dalawa. Naupo kaming muli at nagpatuloy sa aming pagkain. Nagkwekwentuhan lamang kami at muli kong ikwenento ang mga ginagawa ko sa palasyo dahil nagtanong muli si Hiro.   Ihinain rin ni ina ang mga niluto naming nina Moor at Zeref kagabi at masaya naman akong makitang nagustuhan nila ang mga ito. Hindi ko aakalaing makakasama ko silang muli at nagpapasalamat ako sa mga diyos at kay Reyna Sabrina pati na rin kay Deity Naruu dahil sa kanilang regalo sa akin, ang makasama ang aking pamilya.   “Nga pala Khione, may maganda akong balita.” Muli kong pinalo ang likuran nang kanyang leeg dahil nagsasalita siyang muli na may laman ang kanyang bunganga. Kahit kalian ka talaga Hiro. “Aray ko naman, mapanakit ka talaga.” Hinaplos haplos niya ang kaniyang leeg at napairap na lamang ako nang aking mga mata.   “O, ano naman iyong magandang balita na sinasabi mo?”   “Noong tatlong lingo na ang nakakalipas ay nagbukas muli ang machinery team sa Pedrimont at naghahanap sila nang mga gustong sumali. Syempre, sumali ako.” Mayabang na sabi niya habang pinupunasan ang hindi nakikitang dumi sa kanyang mga balikat.   “Syempre hindi ka nakapasa dahil wala ka pang nagagawang makina na tama.” Pagpapatuloy ko sa kaniyang sinasabi na siyang tinawanan naman nila ina, Kiana at Mor. Wala naman akong narinig mula kay Zeref kung kaya’t hindi koalam kung natawa rin siya sa aking sinabi.   “Wala ka talagang panama kay ate Khione, kuya Hiro. Hanggang ngayon talo ka pa rin.” Tumatawang sabi ni Kiana habang nakahawak pa sa kanyang tiyan. Si Mor naman ay napatakip sa kanyang bunganga upang iwasan ang pagtawa nang malakas. Napangiti naman ako dahil mukhang epektibo nga ang aking sinabi.   “Napakasama mo talaga Khione. Wala ka ba talagang tiwala sa kakayahan ko?” napailing ako sa tanong ni Hiro na siyang ikinatawa muli nang mga tao sa hapagkainan. Narinig ko rin ang pagbungisngis ni Zeref kung kaya’t mas lumawak ang aking ngiti. Napatawa ko ang isang Zeref, mukhang malaking bagay na iyon.   “Ano ba kasi iyon Hiro? Sabihin mo na kasi.”Wika ko nang humupa na ang tawanan nan gaming mga kasama. Napatingin ako sa kanya at napansin kong seryoso ang kanyang mukha, madalang kong makita ang ganitong klase nang ekspresyon mula sa kaniya kung kaya’t napaupo ako nang maayos.   “Nakapasok ako sa kanilang pagsusulit at sa susunod na lingo ay sa kapitolyo na ako titira.”   Nakatingin lamang ako sa kaniya at hinihintay ang susunod nang kaniyang sasabihin ngunit nang wala na ay halos mahulog ang aking bunganga sa kaniyang sinabi. Hindi ko aakalaing makakapasok siya sa Machinery Team nang Pedrimont. Kadalasan ay nobleborns ang mga kabilang sa grupong ito. Tanging mga may kakayahang higit pa sa normal ang nakakapasok dahil ang mga imbensyon nila ay nakakarating sa Mahal na Reyna at minsan pa ay umaabot sa ibang mga kaharian. Hindi ko naisip na makakapasok rito si Hiro.   “Nako edi dobleng selebrasyon pala ang kailangan natin para sa inyong dalawa ni Khione. Binabati kita Hiro, nawa’y gabayan ka ng mga diyos sa iyong tatahaking bagong landas.” Wika ni ina kay Hiro at inabutan ito nang isang piraso nang cookies na ginawa namin ni Mor.   “Nako kuya, mukhang nagbabago ka na ah. Masaya ako para s aiyo kuya, huwag mo kaming kakalimutan ha?” pagbibiro ni Kiana at tumayo sa kanyang upuan upang bigyan nang isang yakap si Hiro. Napangiti ako dahil doon, lumaki si Kiana na si Hiro madalas ang kaniyang kalaro dahil ako ang naglilinis nang bahay at nagluluto noong mga panahong iyon ay si Hiro ang sumasalo sa pagaalaga nang aking kapatid.   “Salamat Kiana, buti ka pa mabait iyong ate mo napakasama.” Pareho silang napatawa at wala naming akong nagawa kung hindi ang umirap. Lagi na lamang akong pinagtutulungan nang dalawang ito. Narinig ko ring binabati ni Mor si Hiro sa kaniyang pagkapasa sa Machinery Team at tuwang tuwa naman itong kaibigan ko.   “Mukhang nakatyamba ka Hiro. Palibhasa isang beses lamang ang pagsusulit doon. Binabati kita sa iyong pagkapasa naway makagawa ka na sana nang maayos na makina” Tinapik ko siya sa kanyang balikat at narinig ko ang tawa ni Kiana dahil sa aking sinabi. Mukhang mabilis na silang matawa sa mga sinasabi ko ngayon.   Pagkatapos kumain ay salo salo kami sa may sala at ibinigay ko naman ang mga pasalubong ko kay Hiro. Tuwang tuwa naman ang aking kaibigan dahil sa mga natanggap niyang mga bagong kagamitan at sinabi niyang makakatulong ito sab ago niyang trabaho kung kaya’t napangiti naman ako. Tamang tama ang pagbibigay ko ng mga regalo at nakakataba nang puso ang makitang masaya sila sa natanggap nila.   Nagkwentuhan lamang kami sa sala at nagulat pa ako noong maupo si Zeref sa aking tabi at sumali sa kwentuhan. Napagalaman kong, mas marami na ang binibigay na sweldo kay ina kumpara dati at nakakakain na rin sila ngayon ni Kiana nang dalawang beses sa isang araw. Napagalaman ko rin mula kay Hiro na may bago nang kasama si Bree sa Lasette Bakeshop kung saan ako nagtratrabaho bago ako mapunta sa palasyo.    Nang matapos naming magkwentuhan ay umuwi na si Hiro dahil may trabaho pa raw ito bukas. Nangako naman siyang sasama siya bukas nang tanghali sa amin. Napagusapan naming maglibot libot sa bayan bukas upang makita rin ito nila Zeref at Mor. Nais ko ring bisitahin ang tuktok nang bundok ngunit hindi ko alam kung papaano.   Napagpasyahan naming matulog na at naglatag na lamang kami nang mahihigaan sa sala upang kasya kami lahat doon at sama sama kaming matulog. Nagpresintang magbantay si Zeref at hindi na naming siya kinulit pang matulog. Katabi ko si Mor at si Kiana sa makabilang gilid ko at napangiti ako habang nakapikit. Sobrang nagpapasalamat ako sa mga diyos dahil sa biyayang ito at nagpalamon na ako sa kadiliman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD