Khione’s POV Mabilis akong naglakad patungo sa silid ni Reyna Sabrina na halos katapat lamang ng aking silid. Kasama ko si Haring Anelius ngunit sinabi niyang ako lamang ang makakakita sa kaniya dahil kaya niyang kontrolin kung sino lamang ang pupwedeng makakita sa kanya. Nang makarating kami sa harapan ng silid ay halos bantay sarado ito ng halos labin-dalawang guwardiya sa magkabilang gilid ng daan. Napakunot ang aking noo at mabilis naman nila akong napansin kaya sabay sabay yumuko sa akin upang magbigay galang. Hinayaan ko na lamang sila at nagaalangan na pumasok sa loob. Kumatok muna ako bago pagbuksan ng Head of the Bedchamber ni Reyna Sabrina at iginiya ako patungo sa isang pinto. Nagulat pa akong makita si Lady Denara sa loob kaya ng magtama ang aming paningin ay tinanguan ko la

