Khione’s POV “Khione, gusto kita.” Napako ako sa aking kinatatayuan dahil sa aking narinig. Ano daw? Tama ba ang aking narinig? O mukhang malabo pa rin ang mga naririnig ko? Hindi ko ito pinansin at muling tumakbo palapit sa boses hanggang sa nasilaw na lamang ako sa sobang liwanag kaya wala akong nagawa kung hindi ang takpan ang aking mga mata. Pagbukas ay una kong nakita si Zeref na bakas ang pagaalala sa kaniyang mukha. Dahan dahan akong bumangon at inilibot ang aking paningin. Mukhang nasa gubat pa rin kami ngayon at hindi ko alam kung nananaginip lamang ba ako kanina habang kalaban ang babaeng hamog o talagang nangyari iyon. Napatingin ako sa aking sarili at napakunot na lamang ng makita ang sugat sa aking balikat at hita. Mayroon naman akong mga gasgas sa iba’t ibang bahagi ng ak

