Hindi ko maiwasan ang mapanganga habang inililibot ang aking paningin sa kabuohan ng silid. Napakadaming ginto magmula sa pera hanggang sa alahas, pari na rin sa mga armas na siyang nakakalat lamang sa paligid at para bang itinapon lamang ang mga ito dito. Mayroon ding ibat ibang dyamante na gawa sa ibat ibang kulay at ibat ibang laki. Halos lumuwa, hindi lumuwa talaga ang aking mga mata dahil ngayon lamang ako nakakita ng ganito kalaking halaga ng pera. Sobrang lawak ng silid at bawat sulok ay mayrong mga gintong nakakalat sa sahig. Nakakapagtaka lamang na sobrang linis ng silid na naimoy may naglilinis dito araw araw. Napatingin ako sa isang banda at nilapitan ito. May mga singsing na mayroong malalaking bato na gawa sa kulay pula at berdeng dyamante. Mayroon ding mga paso at mga inum

