“Turuan mo naman ako kung papaano mo ito nagawa Mor.” Wika ko habang nginunguya ang chocolate mousse na ginawa niya para sa akin. Ngayon lamang ako nakatikim nang ganito dahil hindi naman ito kasama sa mga ibinebenta namin sa Lasette Bakeshop noon na pagmamayari ni Madam Si. Nakita ko ito sa isang libro noong magbasa ako sa silid-aklatan ngunit hindi ko naisip na gawin ito.
“Syempre naman, kapag may bakanteng oras ka ay tuturuan kita.” Napangiti ako sa kaniya at inubos na ang aking kinakain. Nais ko mang patagalin ay hindi maaari dahil kailangan ko pang magensayo kasama ni Zeref at Neon. Pagkatapos kumain ay dumiretso na ako sa aking bathing chamber at tinulungan naman ako nang aking mga ladies of the bedchamber na maligo at magbihis.
Dumiretso na ako sa kaing private suite nang matapos akong makapagayos at hindi naman nagtaka si Morn ang makitang sabay pa kaming pumasok ni Zeref sa loob. Mukhang alam niya namang magaaral ako at babantayan naman ako ni Zeref. Pagkasara pa lamang nang pintuan ay dali dali ko nang hinawakan ang aking kwintas na kahit kailan ay hindi ko inalis kahit pa maglagay nang bagong alahas sa leeg ko si Mor.
Nagkaroon muli nang liwanag na puti sa gitnang bahagi nang silid at mula roon ay lumabas si Neon. Napangiti ako nang makitang pupungay pungay ang kaniyang mata at para bang natutulog siya noong bigla ko siyang tawagin. Napatawa ako at dali daling lumapit sa kaniya at yinakap sa kaniyang leeg. “Kamusta ka, Neon?”
“Maayos naman ako, mageensayo ba tayo ngayon?”
“Oo, kasama si Zeref. Ngunit may isang problema.” Napabitaw ako sa alaga ko at tumingin kay Zeref. Nakatayo siya ilang metro mula sa amin ngunit hindi katulad nang dati kung saan hawak niya ang kaniyang armas, ngayon ay mas panatag na ang kaniyang itsura. Naglakad ako palapit sa kaniya nang ilang hakbang at tumingin sa kaniyang mukha. “May alam ka bang lugar kung saan tayo pwedeng magensayonang walang nakakakita sa atin?”
Tumango siya at halos lumiwanag ang aking mukha dahil sa kaniyang sinabi. Dalid ali akong humakbang at tinawid ang distansiya papunta sa kaniya. Naramdaman ko namang lumapit din si Neon sa akin at inaabangan ang susunod na mangyayari. “Talaga? Saan banda?”
Napabuntong hininga si Zeref at hindi ko alam kung napipilitan lang ba siya o talagang ayaw niya lamang na pumunta kami sa lugar na iyon. Wala kaming ibang pagpipilian kaya naman mas mabuti na lamang na pumunta sa lugar na kaniyang sinasabi at sana lamang ay sapat na iyon. “Follow me”
“Pwede tayo magteleport gamit ang kapangyarihan ni Neon.” Napatigil siya sa pagbukas nang pinto nang banggitin ko ito at napaharap m ul isa amin. Lumapit siya kay Neon at mukhang sila naman ngayon ang naguusap gamit ang link sa kanilang utak. Hindi kasi maiitndihan ang sasabihin nang isang alaga sa pamamagitan nang kaniyang bunganga kaya naman sa utak siya nakikipagusap sa amin.
Nakita kong tumango si Zeref at tumalikod naman si Neon tsaka naglakad pabalik sa gitnang bahagi nang silid. Mula roon ay hinintay ko ang kanilang gagawin at nagulat na lamang ako nang muling lumabas ang liwanag sa mga mata ni Neon. Lumapit ako sa kanila dahil alam kong ito na ang daan para marating naming ang lugar na sinsabi ni Zeref. Mukhang nagusap sila patungkol dito.
Naunang pumasok si Zeref sa portal at sumunod naman ako. Naramdaman ko namang sumunod sa likuran ko si Neon at paglabas naming ay wala akong makitang kahit ano kaya naman napahawak ako kay Zeref na nasa aking harapan. Nagsimula na kaming maglakad at pagkatapos nang ilang sandal ay tumigil kami. Hindi ko alam kung anong nangyayari ngunit pagkatapos nang ilang saglit ay may ilaw na bumukas at halos masilaw pa ako sa liwanag na nagmumula doon.
Ipinikit ko ang aking mga mata at pagbukask o ay dahan dahan ko nang naanig ang kabuohan nang silid. Napakalawak nito at gawa sa purong bato ang buong silid. Sa tingin ko ay nasa ilalim kami nang lupa katulad na lamang nang lugar na nahanap ko sa aking kwarto noong kailan. Bato ang pader at ganoon din ang kisame na sobrang taas sa tingin ko ay kasya ang tatlong taong pinagpatong patong mula rito. Mayroon mga upuan sa isang gilid na gawa rin sa bato.
Sa gitnang bahagi ay may nakita akong bilog na nakaukit mismo sa batong sahig. May ilang pintuan rin at daan ngunit hindi ko makita ang laman nito dahil sa dilim. “Nasaan tayo?” Hindi ko mapigilang magtanong dahil ngayon lamang ako nakakita nang ganitong lugar at mask isa mga libro ay hindi nila nababanggit ang mga ganito.
“Nasa kaliwang parte tayo nang palasyo. Isa ito sa mga training grounds dati nang mga military noong nakaraang isang daang taon. Ipinasara ito nang isang reyna dahil mas rumarami na ang mga military kaya naman hindi na sila na nagkakasya dito.”
“Papaano mo nalaman ang lugar na ito ngayong ipinasara na pala ito nang dating Reyna?” Wika ko habang inililbot pa rin ang aking paningin sa paligid. May mga nakita akong mga armas nag awa sa kahoy at lumang bakal kaya naman nasisiguro kong isa nga itong training grounds. Naglibot libot din si Neon sa buong silid at pakiramdan ko ay tinitignanniya kung anong mga elemto ang pwede naming gamitin sa pagsasanay ngayon.
“Nakiusap ako kay Reyna Sabrina na bigyan ako nang pansarili kong training grounds nang sa gayon ay mas mahasa ko ang aking talent.” Napatango tango naman ako sa kaniyang sinabi. Malamang ay pinagbigyan siya nang reyna dahil kadugo niya naman ito kahit na sabihin nating malayo ang kaniyang relasyon sa reyna.
“I think this would suffice. There are other elements readily available here that would help you in your training.” Rinig kong sabi ni Neon sa aking utak at mukhang ganoon din ang narinig ni Zeref sa kaniyang link. Mukhang kayang pagsabayin ni Neon ang aming koneksyon sa isa’t isa.
“Simulan na natin.” Malakas na sabi ni Zeref at nagulat naman ako dahil doon. “Agad agad? Hindi ba pwedeng ituro mo muna kung ano ang mga kwartong iyan?”
Hindi siya sumagot kaya naman napatingin ako kay Neon upang humingi nang tulong. Gusto ko lamang malaman at makita ang mga kwartong nandito. Napabuntong hininga na lamang ako nang wala akong nakuhang reaksyon pati kay Neon at naglakad na patungo sa gitnang bahagi nang training grounds. Naramdaman kong may lumilipad na bagay papunta sa akin at nang tumalikod ako ay napansin ko ang isang bolang gawa sa tubig at dali daliko itong iniwasan.
Napatingin naman ako kay Zereef dahil alam kong siya lamang ang makakagawa noon dahil hangin ang elementong hawak ni Neon. Kumunod ang aking noo nang wala siyang reaksyon man lang at may naramdaman akong muli sa aking kanan at mas mabilis ito sa una. Tumalon ako at umikot sa ere upang iwasan ito. “magaling, mabilis ang iyong reflex mukhang nasasanay na ka na.”
“Papaano mo nagagawa iyon?” Tanong ko kay Zeref dahil hindi ko man lamang siyang nakitang igalaw ang kaniyang mga kamay. Kadalasan ay ang aming mga kamay ang kumokontrol at naglalabas nang kapangyarihan kaya nagtataka ako sa kaniyang ginawa. “Focus, Khione. Kailangan mo lamang nang pokus upang magawa mo ito.”
Nagulat naman ako nang bigla bigla na lamang akong lumutang sa ere kaya naman napasigaw ako. Pagtingin ko ay naging kulay abo na ang kaninang kulay puti at kremang balahibo ni Neon patunay na siya ang may kagagawan nito. Dali dali kong binuksan ang aking kapangyarihan at kumunekta sa lupa dahil ito ang pinakasagana na element dito sa silid. Naramdaman kong nagliwanag ang aking mga mata at lumamig ang aking pakiramdaman dahil sa kapangyarihang dumadaloy sa akin at sa mga bato sa silid.
Dali dali akong nagbato nang mga bitak na lupa sa pwesto nina ni Zeref at Neon. Alam kong maiiwasan nila ito kaya naman inangat ko ang batong nasa may paanan nila bilang kasunod na atake. Sa puntong ito ay binitawan na ako ni Neon at dali dali ko namang ginamit ang aking kapangyarihan upang bumuo nang lupa sa aking paa nang hindi ako tuluyang mahulog.
Ngayon ay nakalutang na ako sa ibabaw nilang dalawa at mas nakikita ko sila sa pwestong ito kaya naman dali dali akong gumawa nang bola na gawa sa lupa at pinagbabata silang dalawa upang mapalapit sila sa isa’t isa at mas mapapadali ang pagmasid ko sa kanila.
Naging epektibo naman ang ginawa ko dahil ilang metro na lamang ang distansya sa pagitan nilang dalawa at mukhang hindi nila napansin iyon. Napangiti ako at gumawa nang malaking bilog upang ikulong silang dalawa sa loob noon. Unti unti kong inangat ang aking kanang kamay habang ang kaliwa naman pinaikot ko pang maubo ang hugis na gusto ko.
Mas mahirap kontrolin ang elementong ito dahil masyadong mabigat at solido ang lupa. Nahihirapan ako sa pagkontrol ngunit sa tingin ko naman ay kaya ko ito. Nang mabuo ko na ang nilog at maikulong sila sa loob nito ay ibinaba ko na ang dalawang kamay ko at ngumiti. Madali lang pala silang talunin e.
Sinimulan ko nang palutangin pababa ang tinatayuan ko nang bigla bigla na lamang sumabog ang ginawa kong kulungan na gawa sa lupa kaya tumilapon ang mga bitak bitak na lupa sa ere. Tumalon naman ako pababa at gumawa nang panangga katulad nang ginawa namin noon ni Neon sa White Forest. Mas matagal ko nga lang itong nagawa kaya hindi ko nailagan ang ibang mga batong lumilipad kaya nagkasugat sugat ako.
Nang wala na akong marinig na mga nagliiparang bitak nang bato ay dahan dahan ko nang inalis ang panangga at napansin kong nababalutan na nang usok ang kaninang maaliwalas na training grounds. Nakarinig ako nang yapak at maya-maya pa ay dahan dahang nahigop sa isang lugar ang usok na ginawa nang paglipad namang mga lupa at nakita ko nang muli sina Zeref at Neon na parehong naglalakad papalapit sa akin.
Tinignan ko sila at wala man lang silang kahit anog sugat mula sa nangyari. Hindi rin silang mukhang nahirapan sa aking ginawa kaya naman hindi ko maiwasang mainis dahil pakiramdam ko ay hindi naging sapat lahat nang pageensayo ko sa tuktok nang bundok nang ilang taon. Tumigil sila dalawampong metro ang layo mula sa kinatatayuan.
“That was great, Your Highness. Now are you ready?”