“Only true golden blood could defeat me.” Wika niya sa matinis na boses na siyang nagpatakip ng aking tenga. Nakaramdam ako ng sakit sa katawan habang sinusubukan kong takpan ang aking tenga kasabay ng paghahabol ng aking hininga dahil hanggang ngayon ay parang hinihigop ang hangin sa lugar na ito. Humugot ako ng hangin at mabilis na gumawa ng barrier gawa sa hangin ngunit gamit na ang aking kapangyarihan. Nagulat ako ng sobrang hirap nitong kontrolin na parang hindi ako ang nagmamay-ari ng kapangyarihang ito. “Hahahahahahaha! No power is not mine, unless you are a true golden blood young miss.” “ano ba iyong golden blood?!” Makalas na sigaw ko habang pahirapan sa pagkontrol ng hangin dahil naisasama ito sa kapangyarihang nahihigop ng babaeng gawa sa hamog. Tinignan ko lamang siya ng m

