Mabilis akong gumawa ng air spears na kasing talim ng kuko ng aking kalaban at nagpalutang ng mga bato upang mayroon akong pagtalunan. Ng makitang ilang pulgada na lamang ang pagitan namin at mabilis akong tumalon habang inatake ang aking mga air spears pati na rin ang mga batong ginamit ko. Pagkalapag ay mabilis akong umikot muli habang gumagawa ng ipo-ipo na may halong mga buhangin at bato. Nakita kong hindi siya nasgutana man lang dahil sa armor niyang suot at napailing ako dahil sa bilis niyang kumilos. Halatang dehado ako sa aban ngunit kailangan kong makatakas dito. Sinubukan ko pang magtawag ng isa pang elemento , ang elemento ng halaman. Pinagpapawisan na ako dahil sa tatlo tatlong elemento ang aking nakokontrol at hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang hawakan ang mga ito

