CHAPTER 32

1623 Words
“Papaano ka nakakapagsalita?”Wika ko habang nakatitig sa pintuan kung saan mayroong dragon na gumagalaw mula rito. Nasisigurado kong isa lamang itong simbolo kanina katulad na lamang nang nasa simbolo nang aming kaharian ngunit ngayon ay parang totoong dragon na ang nakikita ko.    Natatakot akong hawakan ito dahil baka may kung anong mahika siya at baka kung ano pa ang mangyari sa akin ngayong magisa lamang ako dito. Dapat tinawag ko na lamang si Zeref nang sa gayon ay may matutunan ako sakaniya. Ngunit alam niya rin kayang may ganitong lugar na nakakonekta sa aking kuwarto?   “Matagal na akong nagbabantay sa pintuan na ito Mahal na Reyna.”Medyo iba ang kaniyang tono nang pananalita at mukhang matagal na nga siya dito dahil doon. Napakunot ang aking noo at lumapit nang kaunti upang pasmasdan siya nang mas maigi. Kulay ginto ang kabuoan niya sa malapit ngunit kapag malayo ay klay itim. Kapareho niya nang kaliskis si Deity Naruu ngunit hindi sila pareho nang buhok. Maikli lamang ang buhok nito samantalang sobrang haba ang kay Deity Naruu.   “Kailan pa?” Tanong ko at napahawak sa aking kwintas upang kumuha nang tapang. Hindi naman ako natatakot sa dragon na nasa may pintuan ngunit natatakot ako sa lugar kung nasaan ako ngayon. Inilibot ko ang aking paningin at napansin kong purong bato ang makikita sa dingding. Mukhang gawa ito sa mga bato na siyang parte nang unang palasyo ipinatayo ni Queen Mother.   “Hindi ko maaaring sabihin hangga’t hindi ka nakakapasok sa loob nang kwartong binabantayan ko.” Napataas ako nang aking kaliwang kilay dahil sa kaniyang sinabi. Kung gayon ay kailangan ko lamang buksan ang pinto upang malaman ko ang mga sikreto nang lugar na ito? Madali lamang pala, kung kanina ay hindi ko ito mabuksan, baka ngayong nagpakita na ang dragon na ito ay mabubuksan ko na. Nagsimula akong lumapit sa pinto at binuksan ito. Napakunot ako nang noo nang hindi man lang ito gumalaw kahit kaunti. Tinulak-tulak ko ito at ginamit ang aking buong lakas ngunit sa kasamaang palad ay napagod lamang ako at walang nagyari sa pinto.   Tinignan lamang naman ako nang dragon na nasa may loob nang pintuan at mukhang natatawa at naawa pa ang itsura nito. Napahinga ako nang malalim at napaupo sa sahig dahil sa pagod. Mukhang nakasarado ang pinto at kailangan nito ay isang susi. Ang problema lamang ay hindi ko alam kung anong susi iyon o kung nasaan ito. Pagkaraan nang ilang saglit ay tumayo na ako at muling tinignan ang kabuuan nang pintuan. “Sa tamang oras mo mabubuksan ang pinto, Mahal na Reyna. Hindi mo kailangang problemahin ito sa ngayon dahil mukhang malayo pa ang mararating mo.”   Mukhang tama nga ang kaniyang sinabi. Hindi ko maintindihan kung bakit ako napadpad sa lugar na ito gayong hindi pa naman pala ito ang tamang oras para dito. Kinakapa ko pa ang pintuan upang hanapin ang suksukan nang susi ngunit patag na bakal lamang ang nahawakan ko. Mukhang pati iyon ay hindi pa nabubuksan. Napabuntong hininga na lamang ako at tinitigan muli ang dragon sa may pintuan. “Ano palang pangalan mo?”    “Zitti, Mahal na Reyna.” Napangiti naman ako dahil sa ganda nang kaniyang pangalan. Napatango naman ako at lumapit upang magkapantay na kami. “Ako naman si Khione.”   “Reyna Khione” Wika niya habang lumipad sa kabuoan nang pintuan. Napanganga naman ako nang mapansing may mga kumikinang na parang alikabok ang nahuhulog mula sa kaniyang kaliskis. Naipon ang mga alikabok na iyon sa paanan nang pinto at maya maya lamang ay nawala din ang mga ito. Dahil sa pagkamangha ay napahawak akong muli sa pinto ngunit ang malamig na bakal lamang ang nahawakan ko.   “Papaano nangyari iyon? Papaano ka napunta sa loob nang pinto? Sino ang nagpasok sayo diyan?” Tuloy tuloy na tanong ko dahil naguguluhan na talaga ako sa mga bagay na nadidiskubre ko sa palasyong ito. Oo nga at may mga kapangyarihan ang mga tao sa kaharian naming ngunit ngayon lamang ako nakakita nang mahika sa loob nang isang gamit at mukhang matagal na panahon na ito. Sigurado akong napakalakas nang taong gumawa nang kuwartong ito.   “Hanggang sa muli, Reyna Khione”   “Teka lamang, Zitti.” Ngunit hindi ko na siya napigilan pa at nagsimula na siyang mawala na para bang nagtatago sa kaloob-looban nang pinto. Maya maya ay lumitaw na muli ang simbolo nang dragon at naiwan naman akong nakatingin dito. Napabuntong hininga ako dahil mukhang hindi ako makakakuha nang sagot ngayon. Dahan dahan na akong bumalik sa kwarto ko at natatakot akong madatnan si Zeref doon at magalit na naman siya dahil sa pagkawala ko.   Ilang minuto lamang ay nakabalik na ako at dali dali ko namang ibinalik ang tapiserya pagkatapos ay umupo sa upuan upang magpahinga. Hindi ko alam kung kailan ko balak bumaba roon ngunit sa ngayon ay magpopokus muna ako sa mga dapat kong gawin bilang reyna. Nagulat naman ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Zeref. Napatigil pa siya nang mapansin ako at tsaka naglakad palapit sa akin.   “Can’t sleep, Your Highness?” nagulat naman ako sa pagsasalita niya nang ingles kaya naman napatitig ako sa kaniya nang ilang sandal bago umiling. Pakiramdam ko ay hind inga ako makakatulog sa nadiskubre ko ngayong gabi. Napahinga ako nang malalim at tumayo na upang pumasok sa aking bedchamber. Kahit papaano ay kailangan ko pa ring magpahinga dahil may mga klase pa ako bukas.   Nagulat ako nang pagkapasook ko ay sumunod si Zeref sa loob. Napatigil ako sa pagupo sa aking kama at tinitigan lamang siya. Pakiramdam ko ay nagtitigan lamang kami. “Bakit ka pumasok dito sa loob?”   “Magbabantay po ako, Mahal na Reyna.”   “Ah, eh, pwede ka naman sa labas sa tapat nang pintuan.”   “Baka umalis ka nanaman kasama nung alaga mo.” Napairap naman ako sa kaniyang sinabi at umupo sa aking higaan. Hindi niya talaga makalimutan na nalingat ako sa kaniyang paningin, papaano pa kaya kapag nalaman niyang umalis na naman ako ngayong gabi nang hindi niya alam.   “Neon ang pangalan niya Zeref, at isa pa, kailangan kong magpahinga at matulog kaya hindi ako pupunta sa lugar na iyon.”   “Matulog ka na at magbabantay ako sayo mula dito.”   “Sa labas ka na kasi magbantay, hind inga kasi ako aalis ngayong gabi.”   “So, bukas nang gabi aalis ka?” Napaisip naman ako sa kaniyang sinabi at napairap.   “Madaling araw tayo mageensayo diba? Anong oras na.”   “Kaya nga matulog ka na at magbabantay ako rito. Huwag kang magalala, wala akong gagawin sa iyo.” Napakunot naman ang aking noo sa kaniyang sinabi at humiga na lamang dahil hindi naman ako mananalo dito kay Zeref. Nagulat pa ako na humaba nang ganito ang aming paguusap ngayon madalang ko lamang siya marinig na magsalita.   “Zeref?” Wika ko habang nakahiga at hinintay na dalawin ako nang antok. Ilang saglit pa bago ko narinig ang kaniyang sagot. “Hindi ko talaga pwedeng makita iyang mukha mo kahit kailan?”   Malaking bagay sa akin ang makita ang mga kaibigan ko dahil kakaunti na lamang sila ay hindi ko pa makikita ang mukha nang isa. Isa pa, nakukuryos na rin ako dahil mukhang nakita naman ni Mor ang mukha ni Zeref bago pa man kami magkakilala. Siguro ganoon nan ga katanda itong si Zeref. Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya kaya inibahan ko na lamang ang aking tanong.   “Ilang taon ka na?”   “Wala ka ba talagang balak na makipagusap sa akin?”   “Kasali ka ba sa 12 Orders kaya tubig ang iyong kapangyarihan?”   “Oo” Nagulat ako nang sagutin niya ang huling tanong ko kaya naman dali dali akong napabangon at tumingin sa kaniya. Tama nga ang hula ko, may koneksyon siya kay Reyna Sabrina dahil pareho sila nang element. “Ibig sabihin nito ay isa ka ring Clyborne?”   Hindi niya sinagot ngunit palagay ko kahit hindi siya direktang Clyborne, ay malayong kamag-anak siya ni Reyna Sabrina. Kung gayon ay mukhang dito rin sa palasyo naglalagi si Zeref kaya ganoon na lamang ang pagkakakilala ni Mor sa kaniya.   “Papaano pinipili ang mga Imperial Guard?” Tanong kong muli dahil hindi pa talaga inaantok at wala naman akong magawa lalo pa’t nandito sa loob nang aking silid si Zeref.   “Monthly Training Assessment for seven to nine years.” Napanganga ako sa kaniyang sinabi. Hindi niya man lang sinabi kung ano ano ang mga ginagawa ngunit hula ko ay kapareho nito nang monthly assessment ko na ginawa ni Reyna Sabrina sa akin. Ang kaibahan lamang ay tatlong buwan lamang sa akin at sa kanila ay siyam na taon. Hindi ko aakalaing ganoon na katagal nageensayo si Zeref para lamang maging Imperial Guard ko.   “Ibig sabihin, ganoon ka na nga katanda. Hula ko ay mga 38 mo na.” Wala pa rin akong narinig na sagot mula sa kaniya kaya naman naisipan ko na lamang na humigang muli at titigan ang tula sa taas nang aking kama. Pakiramdam ko ay sobrang napagod ako ngayong araw na ito at sasabog na ang utak ko sa mga kaganapan sa aking buhay. Isang buwan at mahigit pa lamang ang natatapos ngunit pakiramdam ko ay ilang taon na.   Napahinga ako nang malalim at sinubukan nang matulog. Kailangan ko pang gumising nang mas maaga sa normal na paggising nang isang reyna dahil mageensayo kaming muli ni Zeref kasama ni Neon. Hindi ko alam kung pwede bang pumasok si Zeref sa White Forest nang sa gayon ay maipagpatuloy na namin ang aming ensayo para sa iba pang mga element. Pagkaraan nang ilang saglit ay nakatulog na rin ako. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD