CHAPTER 1

3138 Words
Madilim. Sobrang dilim. Hindi mo mawari kung saang lugar ka patungo. Pagpihit ko sa kanan at sa kaliwa, puro dilim at usok lang ang nakikita at nararamdaman ko. Tumakbo ako, nagbabakasaling may makitang liwanag kahit di ko alam kung nasaan ako.  Ilang saglit lang may narinig akong tawa. Nakakakilabot. Nakakapanindig balahibo. Nakakatakot. Sa dulong bahagi ng daang tinatahak ko, may apoy na hugis tao. Pinaghalong pula at itim na apoy ang nakapalibot sa lalaking malaki ang katawan at malahigante sa tangkad. Tumakbo ako palayo sakanya. Hinihingal at pinagpapawisan pero wala akong balak tumigil dahil alam kong masamang tao ang lalaking humahabol sakin. Pagpihit ko sa harap, handa na niya akong lamunin ng kanyang apoy. Pula at itim na apoy na naghahalo ang patungo sa direksyon ko. Palapit ng palapit. Hangang sa.. Nagising ako ng humihingal at pinagpapawisan. Isang panaginip. Ilang beses ko na itong napapanaginipan at hindi ko mawari kung ano ang meron sa panaginip na ito. Bumangon ako at uminom ng tubig. "Panaginip lang iyon Ki. Walang ganong klase ng tao." Pagkausap ko sa sarili ko sa harap ng salamin na nasa kaliwang bahagi ng kwarto katabi ng kama. Tinignan ko ang kapatid kong mahimbing pa ang tulog dahil masyado pa namang maaga. Kinuha ko ang balabal na naksabit sa likod ng pinto at lumabas. Sa likod na bahagi ng aming bahay ako dumiretso upang kunin ang mga gamit na kakailangan ko. Pagkatapos makuha ang mga ito, pumunta ako sa tambayan ko sa tuktok ng bundok malayo sa kahit sino. Bukang liwayway pa lamang ay gumigising na ako kahit hindi pa ito oras ng aking trabaho. Araw araw akong nagsasanay sa paggamit ng kutsilyo, espada at pana. Bagay na itunuro sakin ng aking ama noong buhay pa siya. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga sandata sa mga katulad kong mabababa at sa mga kababaihan. Babae ang namumuno sa kaharian kung saan ako lumaki kasama ang pamilya ko. Ngunit ganoon na lang ang kagustuhan kong matuto at humawak ng armas kaya't nageensayo ako ng patago sa mga oras na ito. Pagdating sa itaas na bahagi ng bundok, mayroon doong mga kahoy na naitayo at korteng tao, mga bilog na may kulay pula sa gitna naman ang mga nakasabit sa puno na may kalayuan sa bawat isa, at ang isang maliit na kubo sa pinakagilid na bahagi kung saan pwede magpahinga. Nagsimula akong lumapit sa isang korteng taong kahoy at sinimulan ang pagsasanay. Pinadaloy ko ang aking mahika sa aking espada at inihanda ang kamay. Sinimulan kong alalalahanin ang lahat ng itinuro sakin ng aking ama simula pagkabata. Walang humpay sa paghampas at pagikot ang ginawa ko habang nag nakatuon sa aking mahika ang aking konsentrasyon. Mahirap kontrolin ang mahika, nakakaubos ito ng lakas at parang kinakain ang buong pagkatao mo. Ngunit kailangan ko itong hasahin, dahil ang mahika ang kakain sa akin kung hindi ko ito magagawang kontrolin. Pagkatapos ng puspusang pageensayo ay mindali ko ng bumalik sa aming tahanan dahil malapit na ring sumikat ang araw. Hindi alam ng aking pamilya ang pageensayo ko sa tuktok ng bundok, walang nakakaalam kung hindi ang yumao kong ama. Pagdating sa bahay ay naabutan ko aking ina na naghahanda ng kape. "O, Khione anak, pumunta ka nanaman ba sa kakahuyan upang magpahangin?" Tinig ng aking ina. Tumango ako at dumiretso sa lamesa upang gumawa ng sarili kong kape. "Tulog pa si Kiana Ma? Anong oras na may trabaho pa siya." Sa estado ng aming buhay, iilan lang ang nakakapagaral. Naranasan kong pumasok sa eskwelahan noong mga panahong nasa military pa ang ama ko, pagkatapos ng lahat ng nangyari, hindi na naming nakayanan ang pagpapaaral sa bunso kong kapatid. Ngunit dahil may mga kakilala ako sa paaralan, nakakahiram ako ng mga libro para sa kapatid ko at mga librong para sa akin. Madalang para samin ang makapagsalita ng lengguwahe ng mga mayayaman ngunit pinagsikapan ko siyang aralin kaya't nakakaintindi at nakakasalita ako sa lengguwahe nila. Ginising ko ang kapatid ko at naghanda na rin sa aking pagpunta sa trabaho. " Ma alis na ho ako, marami pa hong gagawin sa tindahan dahil sa paparating na selebrasyon." Wika ko sa aking Ina. "Osige Ki, at akoy aalis maya-maya pagkatapos magayos ng iyong kapatid. Magiingat ka." "Kayo rin ho." Pagkarating sa aking pinagtratrabuhan na pagaari ng isang mayaman sinimulan ko ng gawin ang mga dapat kong gawin. Sa Lasette Bakeshop, ang bakeshop ng mga nobleborn ako nagtratrabaho, marangal at mataas na trabaho na ito sa aming mga mahihirap kaya pinagsisikapan kong mabuti ang pagluluto ng mga pagkain. Natutunan kong magluto noong anim na taong gulang pa lamang ako sa bahay ni Sir Josh, kung saan nagtratrabaho ang aking ina noon. Mayroon siyang tagaluto na si Manong Dave at tinuruan niya ako simula noon hanggang maglabing isang taong gulang ako. "Hello there Khione, ilan ang orders natin ngayon?" Ika ni Bree, middle class siya nabibilang kung kaya't nirerespeto ko siya katulad ng pagrespeto ko sa mayari ng shop na ito. "Doble po dahil na rin sa selebrasyon na gaganapin sa susunod na araw." Ang alam ng lahat, nakakaintindi ng ilang mga salitang ingles ang mga mabababang katulad ko, ngunit mga pili at kaonti lamang ang mga salitang iyon. Hindi rin naturuan magsalita ng lengguwaheng iyon ang mga katulad ko dahil madalang rin samin ang makapagaral. Habang gumagawa ng mga pastelerya tulad ng pandesal, tinapay, cookies at creampuffs, dumating naman ang aming amo. "Magandang araw ho Madam Si." Bati namin ni Bree. Si Madam Siela o Madam Si kung tawagin naming ay matandang dalagang nabibilang sa nobleborn, ang pinakamataas na lahat ng klase ng pamumuhay. Ngunit may labin-dalawang pamilya ang kilala at pinakamakapangyarihan sa lahat. "GoodMorning dears. How are the goods? Kailangan natin matapos at maideliver lahat ng pastries tomorrow for the Rite of Choosing the other day. I don't want my business to slack off." Ani niya. Para sa iba, hindi nila maiintindihan lahat ng sinabi ni Madam Si, at dahil nakakapagaral ako tuwing may bakanteng oras, naintindihan ko siya. "We're doing great Madam Si, malapit na po matapos ang karamihan sa order." Wika naman ni Bree, dahil madalang akong magsalita sa harapan ni Madam Si. "Okay good. Well, I need to go. Kailangan ko pa tignan ang susuotin ko for the celebration." Hindi nagtagal ay natapos ko na rin ang lahat ng kailangan kong gawin at nagbalot ako ng dalawang tinapay, halos araw araw kong ginagawa , upang may makain ang nakababata kong kapatid. "Bree alis na ako, kumuha ako ng dalawang tinapay pasalubong ko kay Kiana." "Nako, bat hindi ka pa naguwi para sa mama mo? Sige na kumuha ka na, marami pa naman tayong magagawa bukas." Siya na ang nagbalot ng dalawang creampuffs at binigay sakin. "Salamat Bree. Magiingat ka." "Ingat ka rin Ki. Paalam" Hindi ko alam kung maituturing ko bang kaibigan si Bree dahil hindi naman kami masyadong naguusap kapag walang trabaho. Habang naglalakad pauwi sa daan patungo sa aming bahay, nakasalubong ko si Hiro, matalik kong kaibigan simula pagkabata. Nagtratrabaho siya sa isang makinerya at balang araw mamanahin niya ang tindahang iyon, kaya todo ang pagtratrabaho niya. "Nakabusangot ka nanaman Ki. Ganon ba karami ang orders sa Lasette Bakeshop ngayon at mukhang lugmok ka?" May mapang-asar na ngiti sa kanya mukha pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon. "Mukha mo Hiro, ano nanaman bang nangyari at mukhang masaya ka ata ngayon?" "May nagawa akong makina kanina, katulad siya ng mga sasakyan ng mga matataas ngunit mas mabilis." Nasa mababang uri rin ang pamilya ni Hiro ngunit dahil nagiisang anak lang siya, hindi sila gaanong naghihirap sa pagkain. "At pusta ko, hindi yan makakarating ng Kapitol dahil masisira agad yan pagpasok sa kagubatan. Nako Hiro nakailang gawa ka na ba ng ganyan at ilan palang gumana?"  Ang Kapitol ay isa't kalahating oras ang layo mula sa lugar namin. Napagigitnaan ng kagubatan ang bayan ng Cyore kung saan kami naninirahan, sa Pedrimont Kapitol sa kaharian ng Auxthen. "Naniniwala akong gagana na ngayon ito Ki, maniwala ka sakin. Pupunta tayong Kapitol sa selebrasyon upang panoorin ang Rite of Choosing sa makalawa." "Pupunta talaga ako doon dahil maghahatid kami ng order ni Madam Si ano. Tsaka maraming tao sa makalawa baka hindi mo rin mapanood at makita ang mga iyon." Iniwan ko siyang ngumangawa sa labas ng bahay at nilapag ko ang dala kong pagkain sa lamesa tsaka dumiretso sa kwarto upag alisin ang aking pantrabahong damit. Pagbalik ko naroon na si Kiana sa lamesa. "Himala ate meroong creampuffs ngayon a. Sobra ba ang niluto mo at nakapaguwi ka pa?" "Bigay yan ni Bree, magpasalamat ka at meron dahil baka hindi na iyan maulit pa. Kamusta pala doon kay Aling Teba? " Wika ko habang nagaayos ng mga kasangkapan upang makapagluto ako ng hapunan. "Ayon ate, nagtatahi na rin siya ng mga damit panlalaki dahil marami daw ang naghahanap para sa Rite of Choosing kaya tinambak sakin lahat ng damit pambabae. Tignan mo kamay ko sugat sugat na, kung sana kasi naging mayaman rin tayo." Ika niya. Gustong gusto ni Kiana makapagaral sa paaralan tulad ng mga batang mayayaman, kaya madalas nagrerebelde siya sa paraan tulad ng hindi paguwi o kaya pagkausap sa amin ni ina. Naiintindihan ko ngunit kailangan niya ring maintindihan na ganito talaga ang estado ng aming buhay. Nagtratrabaho ako upang maialis ang pamilya ko sa kahirapan. Naniniwala ako balang araw maiaalis ko sila sa masikip at maliit na bahay na ito. Naalis ako sa aking pagiisip ng hawakan ako ni ina sa balikat. "Ako na diyan Ki, magaral kayo doon ng kapatid mo, mas magugustuhan niya iyon." "Andito ka na pala ina, sige ho." Nagtratrabaho naman ang aking ina bilang labandera ng isang middle class na pamilya. Mababa ang sweldo ng mga trabaho naming ngunit saming tatlo, ako ang may pinakamarangal na sahod kaya kahit papano, nakakakain kami ng dalawang beses sa isang araw. Nagaral kami ni Kiana sa kwarto habang hinihintay ang hapunan at kahit papano nagkaroon ulit ako ng lakas ng loob upang mailayo ang pamilya ko sa estado ng buhay naming ngayon. KINABUKASAN Pagkatapos magensayo at habang pababa ng bundok Nakita ko ulit si Hiro malapit sa aming bahay. Mukhang hinihintay niya akong luamabas base sa postura ng kanyang katawan at itsura ng kanyang mukha. Lumapit ako sa kanya habang tinatago ang aking espada sa likod ng aking balaba. "O, ang aga aga anong ginagawa mo jan?" Tinig ko. "Nanjan ka na pala. Dalian mo magbihis at sabay na tayo pumunta sa trabaho, makikipagkwentuhan pa ako sayo papunta roon." "Nako umagang umaga Hiro. Pasok ka muna wag ka na mahiya, total wala ka naman non." "Aba ang sakit mo talaga magsalita Khione, inaano kita jan?" Ani ni Hiro habang hawak hawak ang kanyang dibdib na nagpapahiwatig na nasaktan ko siya sa aking sinabi. Tinawanan ko lang siya at naglakad papasok sa aming bahay. Nakita ko ang aking ina at ang aking kapatid sa hapagkainan pagkapasok ko at tumingin sila sa gawi namin ni Hiro ilang saglit lamang. "O, Hiro ngayon ka lang ata ulit napadalaw a. Marami ka atang pinagkakaabalahan ngayon iho." "Nako Aling Karen, may nagawa ho ulit akong makinang sasakyan, sinasabi ko nga ho iyon kay Ki kaso sinaktan niya ang damdamin ko." Kasabay ng paghawak ng kanyak dibdib at pagpahid kunyari ng kanyang tumulong luha. Tumawa naman ang aking ina at napabungisngis ang aking kapatid sa turan niya. Iniwan ko silang naguusapat dumiretso sa isang kwarto upang magpalit ng damit pantrabaho at itinago ang aking armas sa sikretong lalagyan sa silong ng kama. Sumulyap ako ng kaonti sa salamin. Abong mga mata katulad ng buwan sa langit. Sa aming magkakapatid, ako lang ang nakamana ng mata ng aking ama. Ginto at medyo kulot ang aking buhok na hanggang siko ang haba. Mataas ang buto ng aking pisngi at katamtaman ang medyo pula kong labi. Katamtaman lang ang tangkad ko para sa kababaihan. Morena ang kutis ng aking balat na siyang namana ko sa aking ina. Inayos ko ang aking buhok at inipit sa likod upang hindi maging sabagal sa trabaho. Pagkalabas ay handa na ring pumunta sa kani-kanilang trabaho ang aking mga kasama. Sabay sabay kaming lumabas at naghiwa-hiwalay ng landas patungo sa aming pupuntahan. Siniko ko si Hiro sa tyan dahilan upang magulat siya at mapatalon. "Ano nanaman ba Khione? Ang sadista mo kahit kailan." Tinawanan ko siya at ibinaling ang tingin sa kanyang mukha. Maputi ang kutis ni Hiro, kulay tsokolate ang magulo niyang buhok na bumagay sa kulay berde niyang mga mata. Dahil sa pagbabanat ng buto makikita mo ang maskulado niyang katawan at ang kanyang panga na matulis na bumagay naman sa kanya. Matangkad si Hiro at masasabi kong may itsura rin siya. "Sabi mo makikipagkwentuhan ka sakin papunta sa trabaho. Ano na? Nakikain ka lang ata ng tinapay sa bahay namin." Pangaakusa ko sakanya. "Apakasama mong kaibigan, maghintay ka nga." Bumungisngis ako dahil mukhang nainis siya sa pangakusa ko. Tahimik naming binabaybay ang daan papunta sa sentro ng aming bayan kung saan matatagpuan ang mga tindahan. "Pupunta kami ngayon ni Papa sa Kapitol, maghahatid kami ng mga damit na pinagawa kay Aling Teba. Akalain mong makakabenta yung malditang matandang iyon." Tumawa kami pareho at napaisip ako sa kanyang sinabi. "Kung ikaw ang maghahatid hindi ba siya sasama?" "Nako sinabi ni Papa na wala ng lalagyan ang mga damit kung sasama pa siya. Atsaka alam naman na namin kung saan ibababa ang mga damit na iyon." Sila ang tagahatid ng mga damit na nagagawa ni Aling Teba sa Kapitol dahil magkapitbahay lang naman sila. Ito ay dahil na rin sa mga makinang nagawa ng kanyang Papa kung kaya't marami ang nagpapahatid sakanila. "Maghahatid rin kami ni Bree kasama ni Madam Si sa Kapitol ngayon at bukas. Kailangan namin maayos ang mga pagkain para bukas." "Ay oo nga pala, marami nga palang kostumer si Madam Si sa Kapitol, O siya kita nalang tayo sa Kapitol bukas. Nood tayo ng Rite of Choosing tsaka tayo maglibot." Tinignan ko ang daan patungo sa tindahan na pinagtratrabahuhan ko sa kaliwang bahagi ng daan. Nasa gitna ang sentro kung saan may malawak na sementadong daan na hugis bilog, mayroong higanteng rebulto ng dragon na may bukal sa ibaba ng kanyang buntot. Ang mga dragon ay sagrado at maituturing na ring diyos dahil sa lakas nila. Sila ang tumulong sa aming mundo noong panahong kamuntikan ng mawala ang mga tao laban sa mga demonyo. Nakapalibot ang mga tindahan sa buong sentro at sa dulong bahagi ay may simbahan, nakaangat sa lahat upang makita ang buong bayan. Ipinihit ko ang aking ulo kay Hiro pagkatapos niyang magsalita. "May oras ka pa talagang maglibot ano? Osya, dito na ako at marami pa kaming gagawin. Magbalot ka na ng damit ni Aling Teba sa sasakyan niyo upang makaalis na kayo't makapaglibot ka pa." "Khione, minsan lang tayo pumunta ng Kapitolyo kaya lubusin na natin. Hahanapin kita roon. Magiingat ka." Naglakad na siya sa kanang bahagi habang kumakaway sa akin. Kumaway ako pabalik at pumihit pakaliwa. Nakita ko ang isang lalaking matangkad na balot na balot ang katawan ng kulay kremang tela at tanging mukha niya lamang ang nakikita. Nakapihit siya sa gawi ko at ilang saglit lamang ay nagtama ang aming mga mata. Kulay asul ang kanyang mga mata na kakulay ng dagat, matangos ang kanyang ilong, mapupula ang kanyang labi at mataas ang kanyang pisngi. Napakunot ang aking noo at iwinaksi ko ang aking tingin tsaka dumiretso sa tindahan upang simulan ang aking araw. Pagkatapos ng mga ilang oras sa pagluluto at pagaayos ng mga pagkain ay handa na kaming ibyahe ang mga ito sa Kapitol. "Khione dito ka na muna, ichecheck ko lang yung sasakyan kung pwede na ba tayong ihatid roon sa Kapitol." Tumango ako sa sinabi ni Bree bumalik sa pagbibilang ng mga kahon. Maya-maya'y tumunog ang kampana na nakakabit sa itaas ng pinto. "O, kamusta daw Bree? Hindi ko pa nabilang lahat ng mga ito ngunit pwede ng ilipat sa sasakyan ang iba." Pagsasalita ko ng hindi tinitignan ang kausap dahil sigurado naman akong si Bree lang iyon dahil nauna na si Madam Si sa Kapitol. Nagulat ako ng biglang marinig ko ang kalansing ng armas sa lalagyan nito kaya ipinihit ko ang aking paningin sa unahan at nakita ko roon ang lalaking nakapurong itim. Balot na balot ang kanyang katawan at mayroon siyang suot na itim din na kalahating maskara. May kulay pulang apoy sa gilid ng maskara na nagmistulang disensyo nito. Nakatutok ang armas sa gawi ko at biglang tumakbo sa direksyon ko ang lalaki. Dahil sa gulat ay napatalon ako patalikod at umikot ako sa ere. Nakalimutan kong hindi nga pala pwede sa mga tulad kong mabababa at ang mga kababaihan ang magensayo, ngunit kailangan kong protektahan ang sarili ko, kailangan ko pang ilayo ang pamilya ko sa estadong ito. Sinipat ko siya at tumalon ako malapit sa pwesto niya tsaka tinadyakan ang espadang hawak niya ngunit nakailag siya at tumakbo pakaliwa. Mukhang nagulat naman ang lalaki sa aking ginawa ngunit patuloy pa rin siyang tumatakbo patungo sakin, habang hinihintay ko naman ang kanyang pagdating. Pinosisyon ko ang aking sarili at hinintay ang kanyang susunod na atake. "Sino ka? Anong kailangan mo sa akin?" Tanong ko sakanya habang na nagiisip ng paraan upang makalapit sa kanya. Umikot ako at sinipa ang hawak niyang armas kung kaya't tumilapon ito tsaka ko siya sinuntok sa panga na siyang nakapagpaatras sakanya. Sinubukan niya akong tadyakan ngunit nakailag ako. Pumailalim ako sa kanya at iniangat tsaka ko siya hinagis sa kabilang parte ng tindahan. Napaluhod siya sa nangyari at tumakbo ako papunta sa kanyang likod upang maalis ang kanyang maskara. Ngunit habang patungo sa kinaroronan niya ay biglang may usok na nagsisimulang mabuo sa kanyang kamay hanggang sa may liwanag na nabuo dito. Mahika, hindi siya kabilang sa mahihirap. 'sino ito at bakit niya ako kailangan saktan?' Wika ko sa aking isipan. Bago ko pa siya mahawakan ay nawala nalang siya ng parang bula. Hindi ko alam kung middle class o di kaya'y nobleborn ang taong yon sapagkat hindi ko alam ang mahikang ginamit niya. Malalakas ang mga nobleborn, pinalaki silang nageensayo ng kanilang mga mahika at mga armas sa mga lalaki. Kabilang sa kilalang mahika ng mga ito ay ang apoy, tubig, kidlat, hangin, bato, halaman, at marami pang iba. Sa mga middle class naman ay hindi ganoon kalakas katulad nalang ng teleportation at telekinesis. May mahika si Bree na teleportation kung kaya't alam ko kung pano nangyayari iyon, ngunit sa lagay nung lalaki kanina, mukhang ibang mahika iyon. Tumayo ako at pumihit sa pinto, doon ko nakita ang lalaking nakabalot ng kremang tela sa buong katawan. Titig na titig sa akin na para bang napanood niya ang mga kaganapan kani-kanina lang. Kinabahan ako dahil hindi malabong ipagsabi niya ito at ako'y mahuhuli ng militar. Ngumiti siya, hindi nakakakilabot at hindi rin nakakakaba. Ngiting mayabang na mukhang may alam. Sino ka ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD