Pagkaraan nang ilang araw ay tsaka pa lamang nagising ang Mahal na Reyna Khione. Halos hindi na natulog sina Mor at Zeref upang mabantayan lamang ang reyna. Hindi rin sila nakakain nang mabuti dahil ayaw nilang umalis sa tabi nang reyna, natatakot silang kapag umalis sila sa tabi nito ay mawawala siya. Naintindihan naman ito nang mga tagasilbi kaya inihahatid na lamang nila ang mga pagkain sa mismong higaan ni Reyna Khione.
Ang mga tagasilbing naghahatid nang pagkain ay binabantayan nang mga guwardiya papasok at palabas nang silid. Ipinagbabawal din ang ibang mga taong pumasok sa silid nang walang pahintulot ni Reyna Sabrina. Hindi naman nagaksaya nang oras ang mga naturalist at sa isang parte nang silid ay ginawa na nilang parmasiya upang makagawa sila nang kung ano anong gamot na maaring makatulong sa reyna. Tumutulong din paminsan minsan si Mor lalo na sa paghahalo nang mga sangkap nang sa gayon ay mas mapabilis ang mga ito.
Nakagawa ang punong naturalista nang isang gamot na siyang nagpagising sa Reyna Khione. Gamit ang mga sangkap na bigay mismo ni Reyna Sabrina na mula pa sa ibang mga kaharian ay sa wakas unti unti nang bumalik ang kulay nang niya.
Matapos itong magising ay dali dali nilang inilapat pabalik sa sarili niyang kwarto kasama ang dalawang naturalist na siyang patuloy na magbabantay sa kaniya hanggang sa siya ay gumaling. Nakahinga naman nang maluwag ang dalawang laging kasama nang batang reyna dahil sa wakas ay malayo na siya sa peligro.
Mas pinahigpit ni Reyna Sabrina ang pagbabantay kay Reyna Khione kaya naman dinoble niya ang mga guwardiyang nakabantay sa pintuan nang reyna. Ipinagbawal pa rin ang pagbisita sa reyna kaya naman hindi makapasok sa palasyo si Hiro upang makita at makamusta sana ang kalagayan nang kaniyang kaibigan.
Hindi ipinagsabi sa labas nang palasyo ang nangyari sa reyna kaya naman walang kaalam alam si Hiro sa sinapit nito. Isang dahilan rin ay pang hindi na muling maulit ang pagtatangka kay Khione kaya napagpasyahan ni Reyna Sabrina na isekreto lamang ito.
Hinihintay na lamang nilang muli na magising si Reyna Khione upang malaman kung may dapat pa bang gawin o kaya naman ay may iba pang epekto ang lason sa kaniyang katawan. Si Zaeref ay handa nang simuan ang sarili niyang imbestigasyon pagkagising nang reyna, nais niya ring mas higpitan ang pagbabantay dito.
Hindi niya makausap si Neon patungkol sa mga nangyayari dahil si Khione lamang ng may kakayahan na tawagin ang kaniyang alaga. Nais niyang sabihin na mas higpitan at maging mas advance kanilang pagsasanay nang sa gayon ay mas lumakas ang resistensiya niya. Hindi niya aakalaing nasalisihan siya nang taong nais pumatay sa kaniyang reyna.
Kaya naman gumawa siya nang paraan nang sa gayon ay hindi na muling mauulit ang nangyari. Gamit ang kaniyang kapangyarihan nang tubig ay pinainom niya ito sa reyna. Ang silbi nito ay mararamdaman niya kung may panganib ba o kung may nangyayaring masama sa kaniya. Walang nakakita sa ginawa ni Zeref at nakahinga naman siya nang maluwag dahil doon.
Alam niyang ipinagbabawal ang kilos na ganoon ngunit hindi niya maiwasan ang magaalala at hindi niya alam kung bakit. Ipinilig niya na lamang ang kaniyang ulo at pinanood ang Head Healer o tinatawag din Punong Naturalista sa paggamot sa reyna.
Kulay orange ang lumalabas na liwanag mula sa kaniyang mga kamay patungo sa reyna at halos mabalutan siya nito. Mukhang tinitignan nang naturalista ang buong katawan nang reyna. Halos hindi rin umalis si Reyna Sabrina at Deity Naruu sa silid kaya naman sobrang tahimik sa loob.
Takot na lamang nila sa isang diyos at sa kanilang pinuno. Nababalutan rin sa isangbarrier ang buong silid na gawa sa mahika ni Reyna Sabrina, upang hindi makapasok ang anumang mahika sa loob.
“How is the queen?” Pagbabasag nang katahimikan ni Reyna Sabrina. Napatingin naman ang lahat nang nassa silid sa Head Healer at hinintay ang sasabihin nito. “She is stable now, Your Majesty. But we still must check on her just to make sure. We need to wait for her to regain consciousness to further analyse her situation.”
“I am glad to hear that,Head Healer. Until the culprit is on the run, the palace will remain closed.”
“But what about the coronation Your Grace?” Tanong naman ni Evageline.
“The queen’s health is more important than the coronation. Queen Khione is the star in her coronation so without her, there would be no coronation night.” Napatango naman siya.
Nagulat ang lahat nang marinig ang mahing ungol nang Reyna Khione. Dali daling hinawakan ni Zeref ang kamay nang reyna at hinintay itong buksan ang kaniyan mga mata. Nakapalibot sa kama ang mga taong nasa silid at halos pigil ang hininga nang lahat habang hinihintay ang paggising nang reyna.
“Zeref?” Wika nito nang makita ng Imperial Guard na siyang nasa kaniyang tabi. Napangiti naman si Zeref sa loob nang knaiyang helmet at halos nakahinga naman nang maluwag ang mga nakapalibot sa higaan. “Anong nangyari?”
“You need to rest first, Khione dear. I am glad you are finally awake.” Sagot ni Reyna Sabrina.
Dali dali namang nagsikilos ang mga naturalist upang tignan ang kalagayan nang reyna. Si Mor ay inutusan ang mga ladies of the bedchamber upang ayusin at dalhin ang mga gamit panlinis at pambihis nang katawan nang reyna. Hindi naman umalis sina Reyna Sabrina at Deity Naruu sa silid at pinanood lamang ang mga tagasilbi at mga healer sa kanilang mga trabaho.
“We need to fully investigate every people that went inside the palace that day.” Wika ni Deity Naruu sa isipan nang Reyna Sabrina. Madalas ay ganito sila magusap upang maiwasan ang mga taong nais makarinig nang mga plano nila. Kailanman ay hindi naging ligtas ang palasyo sa mga taong nais patalsikin ang mga nasa itaas.
“Do you think we need Zeref to the job?”
“I think Zeref would also investigate himself. You saw how fuming mad he was. He will never let what happened slip-away.”
“I can’t imagine how people hate the next queen. It would be chaos.”
“Not in our watch, Queen Sabrina.”
Muling nakatulog ang reyna dahil siguro sa pagod at panghhina nguit siniguro naman nang mga naturalist na nasa maayos na siyang kalagayan at sapat na iyon upang makahinga sila nang maluwag. Isa isa nang pinaalis nang Reyna Sabrina ang ibang mga tao sa silid nang batang reyna upang makapagpahinga ito nang payapa. Nabihisan at nalinisan na rin nang mga ladies of the bedchamber ng reyna upang makaginhawa naman ito. Pinilit nang Imperial Guard ni Queen Sabrina na bumalik na sa kaniyang pribadong silid nang sa gayon ay makapgpahinga na siya ngunit nais ni Reyna Sabrina na bantayan ang batang reyna.
Hindi man sabihin ni Reyna Sabrina ay napapansin nan ang karamihan ang pagiging malapit niya sa bagong reyna. Marahil ay dahil nais nitong magkaanak at dahil bawal sa mga reyna ay si Khione na lamang ang naging daan upang maranasan niya ito.
Ilang beses umungol muli ang reyna na tila ba’y nasasaktan sa mga bagay na hindi nakikita nang mga mata kaya naman dali daling inutusan ni Zeref ang mga naturalist na tignan ang kalagayan nito. Napatayo naman si Reyna Sabrina mula sa kaniyang kinauupuan at lumapit sa higaan ni Khione.
“Get the blooming leaves and put some sparkling dust.”
“Scan her respiratory, circulatory and muscular system for any infections. Scan thoroughly.”
“Make sure the antidote is mixed well using the appropriate speed and heat.”
Tuloy tuloy ang paguutos nang Head Healer at halos hindi magkandaugaga ang mga ladies of the bedchamber na tumulong sa paggawa nang gamaot. Napansin ni Zeref ang nangyayari kaya naman kinabahan siya at napatingin sa reyna. Napansin niyang muli na namang nawawalan nang kulay ang kaniyang mukha at namumuti na namang muli ang kaniyang mga labi. Narinig niya ang mahinang dasal ni Mors a kaniyang likuran at kahit hindi siya naniniwala sa diyos nang kaniyang kaharian ay napadasal din siya nang wala sa oras.
“Your Majesty, we found a worm that is infecting the queen’s body from within.”
“A worm?” Sagot ni Reyna Sabrina.
“Yes, Your Majesty, perhaps the poison was turned into a worm to further infect the body. This would target its immune system until the body would not be able to defend itself.”
“Do what you must, Head Healer. We do not want to lose the queen.” Tumango ang Punong Naturalista at ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa.
“How can that be?” Tanong ni Reyna Sabrina kay Deity Naruu gamit ang isip.
“It seems that the queen’s enemy is not just a middle or lowborn but a nobleborn who wants to dispatch her.”
“But that is not possible Deity Naruu, this is treason.”
“No, Queen Sabrina, it is not yet treason for Khione is not yet crown as the queen.” Napailing na lamang si Queen Sabrina sa sagot sakaniya ni Deity Naruu. Kahit kailan ay hindi niya naisip na mangyayari ito. Pakiramdam niya ay isa siyang mahinang reyna dahil hindi niya man lang nailigtas ang susunod sa kaniya.
Napapikit siya at nagalay nang dasal sa lahat nang diyos na tulungan ang susunod na reyna. Para sa mundo, para sa kaharian at para sa kinabukasan, kay Khione nakasalalay ang lahat.
Pumikit si Deity Naruu at pinadaloy ang kaniyang kapangyarihan sa katawan ni Khione bilang proteksyon. Nahuli man ang kaniyang mahika, ngunit nasisiguro niyang makakatulong ito sa pagpuksa nang lason na nasa loob nang kanyang katawan. Si Khione na lamang ang bahalang lalaban para sa kaniyang buhay at doon nila malalaman kung siya ba talaga ang nakatadhana bilang susunod na reyna.