KABANATA 2:
NAKATINGIN ako sa malayo maraming tao kahit hindi naman doon ang nasa isip. Iniisip ko pa rin kasi kung saan ko ba nakita si Shawn. Alam kong nagkita na kami, pero hindi ko maalala kung saan. "Hoy! Maxine, tulala ka dyan?"
"Ano ba yun?" tingin ko kay Alice.
"Kanina pa kita tinatawag, namention ka sa GC, tawag ka daw ni Miss President sa may booth" ani niya.
"Bakit daw?"
"Sumama daw tyan ni Theya. Kaya ikaw muna daw pumalit, si Klare kasama ang boyfriend niya hindi rin mahagilap. Ikaw wala kana man boyfriend" tawa pa ni Ruby sa huling sinabi niya kaya tinignan ko siya ng masama.
Naglakad na ako papunta sa may booth namin at dahil mababait ang dalawa kong kasama. Hinayaan lang nila ako, baka daw mautusan pa sila. Nang makarating ako sa booth, marami pa rin tao. Marami kasi iba't-ibang props kaya siguro natutuwa sila at nagpapabalik-balik. Dagdagan pa naman mga bisita na welcome sa campus kahit hindi sila doon nag-aral.
"Maxine, ikaw muna ang maging kumuha dahil masama ang tyan ni Theya. Mamaya darating na rin si Crisza para pumalit sa'yo may inasikaso lang daw s'ya sa bahay nila"
"Sige, ako na po ang bahala" ngiti ko at pumasok na sa loob ng booth. Kinuha ko na kay Theya ang camera. "Thanks, Max. Bigla kasing nag-alburoto tong tyan ko. Ikaw na bahala" sabi niya na halatang hindi mapakali. "Sige" tango ko.
"Ready na po kayo?" tanong ko sa mga customer namin at tumango naman sila. Kinuhaan ko na sila ng litrato hanggang matapos na sila at may sumunod naman.
Natigilan ako sa may pumasok, si Shawn. Kasama niya si Klare at ang boyfriend nito at may dalawa pa silang babae na kasama. "Hi! Max" kaway ni Klare sa akin. "Boyfriend ko nga pala" pakilala niya sa katabi niya.
"Hello po" kaway ko. Pinakilala niya rin ang ibang pa niyang kasama na doon si Shawn. 'Sa debut party ni Klare ko una ko s'ya nakita.'
Lumabas ako ng banyo at narinig ko na lang may nagpapalakpakan. Nang mapatingin ako sa may stage na maliit, bumaba ang ang nag-perform na hindi ko narinig kung ano ang ginawa niya.
Makalipas ang ilang oras, nagpaalam na rin kami nila Alice at Ruby kay Klare na aalis na kami. Nasa labas ako ng bahay nila Klare habang nakaupo at hinihintay ang dalawang kasama ko na nagpaalam na pupunta muna sila sa comfort room bago kami umalis.
Napatingin ako sa labas kung saan may ilang sasakyan na naka-park dahil sa mga bisita ni Klare. Nakita ko ang dalawang lalaki na nakatayo sa likod ng van na halatang may hinihintay. Nakatingin sa akin yung isang lalaki naka white long-sleeve at pants. Nakatingin rin ako sa kanya at hindi ko alam kung ilang sigundo na kaming nagkatinginan.
"Max, let's go" sabi ni Alice. Tumango lang ako at umalis na kami sa bahay nila Klare.
"Ready na kami, Max" sabi ni Klare. Tumango lang ako, dahil hindi ko napansin na nakalagay na pala sila ng props. Nang matapos na sila magpakuha ng picture lumabas na sila pero bago pa lumabas lumabas si Shawn tumingin siya sa akin. Umiwas ako ng tingin at kunyari naging abala ako sa kamera na hawak ko. Hanggang sa lumabas na siya sa photo booth.
PINALITAN na ako ni Crisza at kasama ko na naman ngayon sila Alice at Ruby na may hawak na naman pagkain. Habang naglalakad kami, nagulat na lang ako ng biglang hilahin ni Alice si Ruby at lumayo. "Hoy!" tawag ko sa kanila.
"Takbo, Max!" sabi nila at naglakad lang ako papunta sa kanila pero may biglang tumali sa bewang ko na galing sa likuran ko. Pahkalingon ko may dalawang babae na nakahawak sa braso ko at yung isa nasa likod ko.
"Huli ka! Sa Jail Booth namin." tinignan ko sila Alice at Ruby na tumatawa sa malayo. Sumama na lang ako, dahil alam kong hindi ako makakawala. Pinasok nila ako sa kulungan, buti na lang may kasama akong isang babae.
"Hi! Ako nga pala si Eveyen" pakilala niya sa sarili niya.
"Maxine. Kanina ka pa dito?"
"Oo, may rules kasi sila kailangan nandito ng 10 minutes bago ka mapiyansahan. Isang minuto na nga lang ako, buti na lang nandyan yung boyfriend ko may taga payansa. Kapag wala kasing nagpiyansa sa'yo na boyfriend mo o classmate mong lalaki. Pupunta ka sa merriage booth at ikakasal ka nila sa napili nilang lalaki na makakasama mong makulong" sabi niya.
"Buti na lang wala tayong kasamang lalaki" sabi ko at tinatanaw ko sa labas yung dalawa kong kaibigan. "Magkano ba ang piyansa?"
"Five hundred kapag classmate mong babae ang tumubos sa'yo at Three hundred kapag classmate mong lalaki. Two hundred kapag boyfriend mo o kailangan mong halikan yung boyfriend mo sa lips para free nalang. Pero kung gusto mong maliit ang babayaran mo, kailangan mong halikan ang lalaking makakama mo dito. Ito yung list. Kapag natapos ang 10 minutes, at hindi ka napagpiyansa dadalhin ka nila sa Merriage booth." turo niya sa papel na nasa lapag.
"One hundred, forehead. Eigthy pesos, cheeks, Fifty pesos, nose. Free, Lips. Wow?"
"Ikaw ang magbabayad sa magiging partner mo at siya ang magbabayad sa paglayo. Bali s'ya ang magde-desisyon kung saan mo s'ya pwedeng halikan" ngiti niya at ako naman napanganga sa sinabi niya. "Lalaya na pala ako, goodluck, Max" pinalabas na si Eveyen ng mga nagbantay.
'Sana kailanganin ako sa Booth' dasal ko.
"Bakit ako ang hinuli nyo?" napatingin ako sa nagsalita at ipinasok sa jail booth. Si Shawn. "Hi!" kaway niya at ngumiti sa akin. Tipid lang akong ngumiti at tumingin sa labas.
"Dyan muna kayong dalawa, may eight minutes ka pa at ikaw naman, Mr. Shawn nagsisimula pa lang ang oras mo. Dyan muna kayo, lunch lang kami. Kantahan mo muna si Ate Girl" sabi pa nito at umalis na.
"Gibain ko 'tong jail booth nyo eh!" bulong ko at kinuha ang cellphone ko para itext yung dalawa.
To: Alice; Ruby;
Puntahan nyo ko dito.
: Alice;
Baka makulong kami... Kery mo na yan?
Ako na ang magbabayad, piyansahan nyo ko dito.
Kasama mo si Shawn?. Mag-merriage booth na agad kayo.
Sige na piyansahan nyo na ako... babayaran ko kayo, promise.
Wala na kaming pera, kulang yung pera namin.
Nanlaki ang mata ko ng biglang namatay ang cellphone dahil 8% nalang kanina ang battery. 'Anong gagawin ko?. Ang sarap umiyak!. Syempre, hindi ako iiyak no?'. Napatingin ako sa kasama ko na naka-earphone habang nakaupo at mahinang kumakanta. 'Buti pa s'ya, pachill-chill lang samantala ako namomoblema. Sana kailanganin ako sa booth'.
"Ganda!" Si Zion lang naman ang tumatawag sa akin na ganda at ng limingon ako nakita ko siya.
"Zion!" nakangiting tingin ko sa kanya nang makalapit siya sa akin. "Piyansahan mo ko please?" hawak ko sa kamay niya, tumango siya at ngumiti.
"Bakit ka kasi nagpahuli?" ngisi niya. Tumingin siya sa kasama ko kaya limingon ako. "Shawn?"
"Kilala mo s'ya?" mahinang tanong ko at tumingin sa kanya.
"Oo, sino bang hindi nakakakilala sa kanya dito sa school?" sabi ni Zion. 'Ako.' pero hindi na ako sumagot. Sabagay, base sa narinig kong pagkanta niya kanina. Maganda ng boses niya. Bakit ngayon ko lang kasi siya narinig? At ngayon ko lang naalala na siya ang lalaking nakatitigan ko noon sa birthday ni Klare.
Tumingin uli ako kay Zion para magmaka-awa piyansahan na ako. "Pipyansahan na kita" gulo niya sa buhok ko at naglakad palayo.
Napangiti ako at tumingin sa kasama ko. 'Sino kaya ang makakapartner n'ya?.' Pakialam ko naman dun no?. Tumingin siya sa akin at ngumiti lang ako kahit nagmukha akong tanga sa parteng yun. Hindi naman kasi ako pala kausap lalo na kung hindi ko talaga kakilala.
"Ganda, pwede kanang lumabas" nakangiting sabi ni Zion. "Wag kanang magpapahuli, baka mamaya bigla kang makasal" tawa pa niya.
"Kung di mo lang ako piyansahan, babatukan dyan kita nang malakas--" napatingin ako kay Shawn na nakatingin sa akin kaya natahimik ako. Lumapit na sa amin yung naka-assign na magtanggal ng lock sa kulungan na ginawa nila.
"Shawn, lumabas kana rin hindi mo sinabing magpe-perform ka pa sa stage" sabi ng nagtanggal ng lock. Ngumiti lang si Shawn at napakamot sa ulo niya. Tumingin siya sa akin at nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Zion palabas.
"Makatitig sa'yo yung Shawn na yun--"
"Siraulo!" batok ko sa kanya kahit matangkad siya sa akin. "Bakit naman ako titignan ng isang yun no?. Paano mo nalaman na nandoon ako sa Jail Booth?"
"Nakita kita, pupunta sana ako sa booth nyo pero nandoon ka may kasamang iba" sabi niya. Sinuntok ko siya sa braso. "Aray!, kanina ka pa nanakit ha?"
"Sorry na, bestfriend... Kasi naman ang drama mo hugot ka ng hugot dyan. Alam kong crush mo-- Hoy!" natawa ako dahil naglakad siya ng mabilis at iniwan ako. Hinabol ko siya at agad naman siyang tumigil para makasabay kami sa paglakad.
"Libre mo ako food, Ganda" hawak niya sa kamay ko at may pag-pout pang nalalaman. "Sige, basta ba babayaran ko na lang sa'yo yung pinansya mo sa akin kapag nagkapag-trabaho na ako" ngiti ko.
"Kahit wag na, basta libre mo ko ngayon" sabi niya. "Okey, tara na gwapo" hila ko sa kanya. Siya Zion Buenaventura ang nag-iisang lalaki na kaibigan ko at nag-iisang lalaki na hindi ko naging crush kahit pa napakagwapo niya. Grade six magkakilala palang kami, at ang panget niya pa noon. Haha!. Kaya hindi ko akalain sa paglipas ng taon, naging ganun siya kagwapo at naging campus crush pa. High school magkakaklase kami hanggang sa maghiwalay na kami ng first year college at siya nagtuloy sa pag-aaral habang ako huminto muna ng isang taon. Third year na ngayon si Zion habang akong second year palang.
---
===Elainah M.E===