KABABATA 3

1676 Words
KABANATA 3: HALOS maubos ang isang daan ko na budget ko ngayon araw sa kinain ni Zion pero hindi ko na lang sinabi sa kanya. Buti na lang at dalawang daan ang dala ko may pang isang meal pa ako mamaya. Ang tita kong nasa abroad ang nagpapa-aral sa akin, matagal nang patay ang ama ko kaya pinipilit kong magkapag-tapos para makatulong sa nanay ko na mayroon karinderya sa probinsya. Hindi katulad nila Zion, Alice at Ruby na may kaya sa buhay at walang problema sa pera. "Kumain ka" aya ni Zion sa akin. Umiling ako. "Tubig lang ako, kumain ka lang dyan" tumango lang siya at kumain. Pagkatapos namin kumain, pumunta kami sa photo booth dahil gusto ni Zion na magpa-picture kaming dalawa kaya pumila kami. Unti na lang kasi ang nagpapa-picture dahil malapit ng maglunch. Nang matapos kami sa photo booth na si Zion ang nagbayad, umupo muna kami sa may bench. May lumapit sa kanyang dalawang babae na halatang nahihiyang lumapit kanina. "Zion, pwede ba kaming magpa-picture sa'yo sa photo booth?" Tumingin sa akin si Zion at tinignan ko siya. 'Problema mo?'. "Pwede ba, Ganda?" tanong niya sa akin at tumingin sa akin yung dalawang babae. "Oo naman no? Ingatan nyo si bestie ko ha?. Hintayin nalang kita dito" ngisi ko at ngumiti naman yung dalawang babae. "Hintayin mo ko dito ha?" kakamot-kamot sa batok sabi ni Zion at sumunod sa dalawang babae. Napangiti lang ako habang sinusundan siya ng tingin. "Maxine!" lapit sa akin nila Alice at Ruby. Hindi ko sila pinansin at umaktong hindi ko sila nakikita. "Max, sorry na" sabi ni Alice na tumabi sa akin sa pag-upo at ganun rin si Ruby sa kabilang gilid ko. "Sorry na, Max" sabi niya. "Libre nyo ko ng mango graham shake siguro wala na inis ko. Mainit pa naman panahon baka, mas uminit pa yung ulo ko sa inyo." biro ko habang hindi pa rin nakatingin sa kanila. Tumayo sila at naglakad palayo, napasunod tuloy ako ng tingin sa kanila. "Bibili lang kami" sabi ni Alice. "Hoy! Joke lang" sabi ko pero hindi sila nakinig. "Bala nga kayo dyan!" Ilang minuto na ang nakalipas, dumating na sila Alice at Ruby pero si Zion wala pa rin. May dala silang tatlong cup ng mango graham shake at inibot nila sa akin yun isa. "Yan, na peace offering namin. Hindi kami pumunta doon kasi dumating yung crush namin. Kaya nagpapicture kami" sabi ni Alice. "Okey lang na, buti nga dumating si Zion s'ya ang tumubos sa akin" sabi ko at sumipsip ng shake. "Ang sarap" ngiti ko. "Nasaan na si Zion?" "May dalawang babae nagyaya sa kanya na magpa-picture doon sa photo booth" "Hindi ka nagselos?" tanong ni Ruby. "Nagselos? bakit naman ako magseselos wala akong gusto kay Zion?" kunot noo na tanong ko sa Ruby. "Talaga?. Pwede ba akin na lang, Bestfriend mo?" tanong niya. "Pwede naman, pero ayoko sa'yo para kay Zion dami mong boyfriend eh!" tawa ko. Marami kasing ka-fling si Ruby, yung mga lalaki daw ang lumalapit sa kanya o nakikipag-chat sa kanya. "Di pasa pala ako?" kapit sa akin ni Alice. Single naman si Alice, kaso may issue sa bestfriend niya. Hindi ko natanong kung okey ba sila, umamin kasi siya noon na may gusto sa bestfriend niya pero na-friendzone siya at umamin daw ito sa kanya. Pi-Friendzone niya rin at hindi na daw ang mga itong nag-usap. "Okey lang" sabi ko. "Basta gusto ka rin ni Zion" "Thank you" sabi ni Alice. "Hi! Zion" kaway niya. "Kapag daw gusto mo ako, pwede na daw tayo. Sabi ni Max" "Ikaw, ganda... nirereto mo ako sa mga kaibigan mo ha?" nag-pout siya. "Hindi kita nireto no?. Okey lang naman sa akin kung maging girlfriend mo ang isa sa kanila. Okey na ako kay Alice, pwede kay Ruby kapag ikaw lang ang ini-intertain niya" sabi ko. "Hoy! Maxine ha? Na-hu-hurt na ako sa sinasabi mo. Crush ko lang naman yan si Zion. Hmmp!" "Thank you, Ruby. Alam ko naman yun, pero si Ganda lang ang gusto ko eh!" "Hoy! Zion, mahimik ka! Mamaya maniwala yang dalawang yan" duro ko sa kanya pero tumawa lang siya. Kinuha niya yung shake ko at ininuman. "Kadiri ka! Bakit mo ininuman?!" "Penge lang eh!. Oh!" balik niya sa akin. Pinunasan ko ng damit ko ang stro at sumipsip habang nakatingin pa rin sa kanya ng masama. Pero tinatawanan niya lang ako. "Tara, lunch na tayo... mag-one na pala" yaya ni Ruby. "Wala na akong pera. Kayo nalang" sabi ko. Pangkain ko nalang mamayang gabi ang pera ko. "Libre kita, Ganda. Tara na!" aya niya. "Ayoko!" nahihiya na ako, siya na nga ang nagbayad sa piyansa ko tapos magpapalibre pa ako. "Samahan mo nalang kami kumain" sabi niya. Tumayo naman ako at sumama na sa kanila papuntang canteen. Nasa gitna ako nila Alice at Ruby habang nakasunod naman sa amin si Zion. Dahil kasama namin siya daming matang nakatingin kay Zion lalo na mga babae, ang dami rin bumabati sa kanya dahil marami rin siyang kakilala. "Sikat talaga yang bestfriend mo" sabi ni Alice. "Syempre, gwapo at friendly... Buti nga hindi ka pinapalitan niyang bestfriend mo" sabi ni Ruby. "Oo nga no?" sabi ko at tumingin kay Zion. Nahuminto habang kausap si Lucy na isa sa campus sweetheart. Tumingin sa akin si Lucy habang nakangiti pero nakataas ang kilay. "Makataas ng kilay kala mo talaga may kilay, burahin ko yang eyebrows mo eh!" bulong ni Alice na ikinatawa ni Ruby. "Mauna na nga tayo kay Zion, mukhang magtatagal pa yun may humarang kasi na feeling maganda". Naglakad na kaming papuntang canteen at iniwan si Zion. Nakaupo na ako sa upuan habang nag-oorder yung dalawa. Dumating si Zion at lumapit sa akin. "Mag-order lang ako" sabi niya at nilapag ang bag niya sa katabi kong upuan. Habang nakaupo ako pakiramdam ko may nakatingin sa akin at nang tumingin ako sa paligid nagsalubong ang paningin namin ni Shawn. Nasa malayo siyang parte ng canteen pero magkaharap kami. Biglang bumilis ang puso ko at bigla na lang nanginig ang kamay ko. Umiwas ako at tinago ang kamay ko sa ilalim ng lamesa habang hindi pa rin tumitigil sa bilis ng pagtibok ng puso ko. "Max, ayos kalang?" tanong ni Alice sa akin. "Bigla kasing bumilis ang t***k ng puso ko" "May nakita ka no?" sabi niya. "Sino?" "Wala, sa init lang siguro" sabi ko na lang. Sumipsip ako ng shake at napatingin sa gawi ni Shawn na kausap ang mga kasama niya. "Kakanta na naman daw mamaya si Shawn" sabi ni Ruby. "Pa-picture tayo sa kanya mamaya" "Oo nga, sabihin mo kay Zion... Pa-picture tayo kay Shawn" sabi naman ni Alice. "Close ba sila?" tanong ko. "Magkaklase sila diba?" "Magkaklase sila?" tanong ko. Tumango silang dalawa at tumingin sa likuran ko. "Classmate mo si Shawn diba?" tanong ni Alice sa taong nasa gilid ko na at naupo sa tabi ko. "Oo, bakit?" "Magpapa-picture sana kami ni Maxine sa kanya" sabi ni Alice. "Crush mo s'ya, Ganda?" tingin sa akin ni Zion. "Hindi no? Ngayon ko nga lang siya nakilala crush ko agad? Yang dalawang yan ang may gusto no?" paliwanag ko. Tumawa lang si Zion at nilagyan ako ng pagkain sa harapan ko. "Kain ka nalang, sobra kasi yung nabili ko. Nakalimutan kong ayaw mo palang magpa-libre. Sobra yan, hindi yan libre" sabi pa niya. "Ang sweet naman ni Zion kay Max" sabi ni Alice at nag-'Ayie!' pa silang dalawa. Bigla ba naman ako inakbayan at mas lalo pang kinilig ang dalawang mga baliw na nasa harap namin. "Tumingil nga kayo!. Isa ka pa!" siko kay Zion na tawa lang ng tawa habang nakikita akong naasar. "Tuwang-tuwa kang abno ka!" "Tara kain na muna tayo" sabi ni Zion habang nakangiti. 'Siraulo!' NANG matapos kaming kumain napilit ng dalawa si Zion na kausapin ni Shawn para makapag-picture. Lumapit kaming tatlo ng tawagin kami ni Zion habang kasam niya si Shawn. "Itong dalawa 'to gustong magpa-picture sa'yo. Ganda, picture-an mo na sila" Binigay sa akin ni Alice ang cellphone niya at agad ko silang kinunan tatlo. Nanginig ang kamay ko pero agad ko rin napigilan, habang nararamdaman ko ang mabilis na t***k ng puso ko. "Kami lang munang dalawa" sabi ni Alice. "Next ako" sabi naman ni Ruby. Nakangiti si Shawn ng nakalabas ang ngipin habang nakatingin sa lens ng cellphone ni Alice. Nang matapos na silang magpa-picture nagpasalamat na si Zion kay Shawn at hinila na ako ni Zion paalis. Habang yung dalawa naman kinikilig sa picture kasama si Shawn. "Bakit hindi ka nagpa-picture kay Shawn, Max?" "Kayo lang naman may gusto, idadamay nyo pa si Ganda" sabi naman ni Zion. Nagkibit balikat na lang ako at tinanggal ang pagkakahawak ni Zion sa kamay ko. "Tignan nyo 'to" bukas ni Zion sa bag niya. "Picture kami ni Ganda" pakita niya sa kuha namin sa photo booth. "Wow, baka mamaya kayo pa ang manalo sa booth namin. Mukha kayong magboyfriend girlfriend dito" sabi ni Alice habang tinuturo ang tatlong picture namin. Kung saan, nakanganga ako sa isang picture na dapat nakangiti ako pero dahil sa pagpisil ni Zion sa magkabilang pisngi ko nakanganga ako sa picture na parang ewan. Habang siya ngiting-ngiti pero hindi naman nakatingin sa camera. Hindi naman yung ang pinili namin pero ayun ang pi-print nila dahil ang cute daw namin sa picture. May dalawang picture pa kami sa baba at may nakalagay sa gitna pangalan naming dalawa. "Bagay kayo" "Sa sinabi mo parang gusto kitang ilibre" sabi ni Zion kay Alice. "Libre mo ko dali" sabi naman ni Alice. "Sige, ano ba gusto mo?" nautong sabi ni Zion. "Isang game doon sa target shooting ng Criminology. Gusto mo rin yun diba, Max?" baling sa akin ni Alice. "Wala na akong pera, kayo na lang. Manunood na lang ako" "Tara na" yaya ni Zion at binalik na sa bag niya ang picture namin. -- ===Elainah ME===
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD