KABANATA 4:
NAG-EENJOY sila Alice at Zion sa target shooting booth ng Crim, habang kami ni Ruby nakikisali sa kanila kung minsan. Pero napansin ko na biglang tumahimik si Ruby habang nakatayo kami sa malilim na parte ng school na medyo malayo sa dalawa. Napansin ko na kanina pa patingin-tingin siya kay Zion o sa akin. Nang tumingin uli siya sa akin, tinignan ko siya. "Anong problema mo?"
"Napansin ko kasi na parang may gusto sa'yo si Zion" mahinang sabi niya.
"Oo, umamin s'ya sa akin na crush n'ya ko noon" ngiti ko. Totoo naman yun, seryoso siya nung sinabi niya sa akin yun at sinabi niya rin na sana walang magbago sa pagkakaibigan namin at iyon naman ang nangyari. Walang nagbago, crush lang naman yun. It's no big deal.
"No, hindi crush na crush lang tulad ng pag-crush namin kay Shawn. Kasi magaling s'yang kumanta, kay Zion iba s'ya pagdating sa'yo" seryosong mukha ani niya. Natahimik ako ng maradaman ko ang mabilis na t***k ng puso ko ng marinig ko ang pagbangit ni Ruby sa pangalan ni Shawn.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Manhid ka nalang kung iexplain ko pa sa'yo yung mga ginagawa niya. Pero more than bestfriend ang tingin ko sa ginawa niya sa'yo" ani niya na kina iling ko.
"Baka parang kapatid" sabi ko.
"Sa tingin ko sa mga kinikilos niya, mahal ka ni Zion. Yung hindi bestfriend ang lebel ha?"
"Mahal agad? Kanina more than crush lang ngayon mahal na?. Alam mo, Ruby? Yan si Zion, ganyan lang talaga yan sweet at makulit. Siguro nga mahal niya ako kasi syempre bestfriend niya ako at komportable lang siya sa akin. Kaya ganun siya kumilos, kapag magkasama kami." pagpapaliwanag ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong magpaliwang ng ganun sa kanila, dahil ganun lang naman talaga sa akin si Zion.
"Paano kung sabihin niyang liligawan ka niya?"
"No, hindi niya ako liligawan. Mag-bestfriend kami, pwede namin maging crush ang isa't isa pero yung dumating sa puntong, ligawan niya? Hindi ko maisip. Tyka ayaw niya rin na magbago ang pagtingin namin sa isa't isa no?"
"Eh? Ikaw ba ganun rin?"
"Ganun rin, syempre. I love my bestfriend at baka kapag nagbago yung pagtingin ko kung ano man kami ngayon, baka masira pa. Ayokong mawala si Zion sa akin, kahit lagi akong iniinis ng lalaking yan. Ayoko siyang mawala sa akin" sabi ko kay Ruby na tumango lang.
"Excuse me, sa inyo ba 'tong panyo?" tanong ni Shawn na nasa likod pala namin. Sana hindi naman niya narinig ang pinag-uusapan namin ni Ruby at mas lalo wag niya sanang marinig ang t***k ng puso ko na sobrang bilis sa mga oras na 'yun.
"Akin yan!" malakas na pagkakasabi ni Zion at bigla nalang akong inakbayan. "Akin yang panyo. Salamat" ngiti niya. Tumingin sa akin si Shawn at nagulat na lang ako ng biglang niyakap ako ni Zion na ikinalaki ng mata ko. Nakita ko ang isang bola na tumamang sa likod niya pero parang wala lang ito sa kanya dahil nakatingin siya sa akin. "A-Ayos kalang?"
"Oo, ikaw kaya yung natamaan." layo ko sa kanya. "Ayos lang ang likod mo?"
"Okey lang ako, ganda. Tara, sama ka sa amin doon ni Alice" hila niya sa akin at nagpahila naman ako.
"Alam ko na, Max. Manhid ka lang" sabi ni Ruby habang kasunod namin. Hindi ko na siya tinanong kasi binigay na sa akin ni Zion ang baril-barilan.
Nagpaalam muna sila Alice at Ruby na aalis kaya kami lang dalawa ang natira. "Wow! Ang galing mo naman, Ganda" gulo niya sa buhok ko kaya sinuko ko siya. Natamaan ko kasi ng tatlong beses yung ulo ng target kaya meron akong makukuhang maliit na staptoy "Stitch yung kuwain mo, Ganda" sabi niya.
"Yung stitch po, Kuya" sabi ko sa nagbabantay. Kinuha naman nito at inabot sa akin. Tinignan ko si Zion ng nakangiti habang hinahawakan ang ulo ni Stitch. "Sa'yo na lang" nakita ko ang pagkagulat ng mata niya at bigla namula yung tenga niya. "Ayos ka lang?"
Tumango siya. "Totoong ibibigay mo sakin 'to? Pinaghirapan mo kaya 'tong makuha"
"Ayaw mo ba?"
"Gusto ko, syempre galing 'to sa'yo. Thanks, Ganda. Love you--" napakunot ako ng noo at nakita kong napatigil siya. "Love you, Stitch" halik niya kay stitch at nagkamot sa leeg niya habang namumula pa rin ang tenga niya.
Dumating ang dalawa at halatang kinikilig ang mga ito habang papalapit sa amin. "Mukhang kinikilig kayo ha? Nakita nyo crush nyo no?" nakangiting pag-aasar ko.
"Hindi, pero may nakita kaming lalaki na sobrang kinikilig" tawa ni Ruby at ganun rin si Alice. "Torpe, gwapo naman" sabi pa niya.
"Sino yun?" tanong ni Zion kaya tumingi ako sa kanya. Mukha siyang matatae na ewan, nang tumingin siya sa akin napaiwas siya ng tingin at bigla naman kinikilig yung dalawa.
"Anong problema nyo?"
"Wala naman, akin na lang yang si Stitch" sabi ni Alice.
"Sige, mukhang ayaw naman ni Zion. Akin na nga yan kay Alice ko na lang--"
"Hindi!. Akin 'to, binigay mo na 'to sa'kin, kaya akin na 'to!" parang bata si Zion habang sinasabi yun.
"Sige na nga, baby Zion sayong-sayo na yan" pag-alo ko sa likod niya dahil hindi ko abot ang ulo niya para guluhin ang buhok niya na tulad ng ginagawa niya sa akin. Nakita ko ang pamumula ng mukha at tenga niya. "Zion, Okey kalang ba?" hinawakan ko ang mukha niya at leeg niya. Bigla akong nag-alala dahil baka may sakit siya hindi niya lang sinasabi. Pero nang marinig ko ang dalawa na tawa ng tawa at hindi ko alam kung ano ang dahilan.
"Okey na lang ako, Maxine" seryosong sabi ni Zion kaya tinanggal ko ang kamay ko sa likod niya.
"Galit ka ba?" tanong ko dahil kapag tinatawag niya na ang pangalan ko naiinis ko nagagalit na siya sa akin.
"H-Hindi, Ganda. Sorry!. Nabigla lang ako" kamot niya.
"Nabigla saan?"
"Wala basta, akin na 'tong Stitch. Akin lang 'to!" yakap niya sa staptoy.
"Sa'yo na, Zion. Niloloko lang naman kita" sabi ni Alice at tumawa. "Para kang bata"
ALA-SINGKO na ng hapon at maggabi nagyaya na si Alice na umuwi dahil napapagod na daw siya. Ganun rin naman ako dahil sa kung saan-saan gustong pumunta ni Zion habang hawak si Stitch na pinagmamayabang sa iba na kinuha ko para sa kanya. May ilang gustong humawak pero ayaw niyang ipaghawak dahil marurumihan daw. Kaya kahit pumunta siya para bumili ng tubig ay dala niya si Stitch.
"Thanks, Zion" rinig ko sa pangalan niya kaya pagkalingon ko nakita ko siya kasama si Lucy na hawak si Stitch. Hindi ko alam kung bakit biglang nainis ako dahil sa tingin ni Lucy sa akin na para bang inaasar ako. 'Problema nito?'. Niyakap niya pa si Stitch ng mahigpit at agad na binigay kay Zion. "Pwede bang akin nalang 'to?" ngisi ni Lucy habang nakatingin sa akin at nakita kong tumingin sa akin si Zion na ngintian ko lang.
"Hindi pwede, akin 'to." hablot niya kay Stitch. "Ayoko ngang sana may humawak nito, kaso nahingi ka sakin ng tulong at nakita nahihirapan pagbuhat nito kaya ko pinahawak ko 'to sa'yo. Sige na, alis na ko" pagkasabi yun ni Zion, tinalikuran niya na si Lucy at naglakad palapit sa amin.
"Ano yun?" takang tanong ko sa kanya.
"Baka kasi isipin mo, pinapahawak ko sa iba si Stitch" paliwanag niya.
"Okey lang naman, ikaw naman ang may-ari niyan" sabi ko at nakita ko ang lungkot sa mukha ni Zion. "May nasabi ba akong masama?" tanong ko at umiling siya pero nakita ko pa rin ang lungkot sa mga mata niya. I know, Zion. Madaling mabasa ang expression ng mukha niya at mga mata niya.
"May eksena kasi, nasira tuloy ang kilig" sabi ni Ruby. "Tara na nga!" lakad nila. Sumabay na ako sa dalawa at nakasunod lang sa amin si Zion. Sabi niya kanina ihahatid niya ako sa bahay pero hindi ko na alam kasi mukhang galit siya.
NANG kami nalang dalawa nakasunod pa rin siya sa akin habang naglalakad papunta ng terminal. Huminto ako sa paglalakad na nakita ko rin siyang huminto. Huminga ako ng malalim at hinarap siya. "Galit ka ba sa akin?"
"Hindi" iling niya at inabot sa akin si Stitch. "Pwede mo bang yakapin si Stitch? Please?" parang bata na naman siya sa mga oras na iyon. Niyakap ko si Stitch at hinalikan ko pa sa ulo nito. Nilahad niya ang kamay niya at binalik ko si Stitch sa kanya. "Thanks, Ganda." ngiti niya at nakahinga rin ako ng maluwag. "Tara, ihahatid na kita" sumabay na siya sa akin sa paglalakad habang nakangiti. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang ugali ni Zion.
Nasa tapat na kami ng apartment na pagmamay-ari ng tita ko na nagpapa-aral sa akin. Ako ang umuukupa ng isang apartment niya at ako na rin nag-aasikaso sa nangungupahan. "Salamat sa paghatid, gwapo" ngiti ko sa kanya at ganun rin siya. Minsan ko lang siya tinatawag na gwapo lalo kapag kaming dalawa lang. "Uwi kana, chat mo nalang ako kapag nasa dorm kana ha?"
"Opo, Ganda. Kain ka muna bago matulog ha? Alis na ko" kaway niya at naglakad na palayo.
"Ingat!" sigaw ko. Lumingon siya sa akin at tumango.
===Elainah M.E===