KABANATA 5:
ALAS-SYETE na nang gabi at kanina pa nagsisimula ang Mister and Miss Westwood. Ito na rin ang huling araw ng foundation day ngayon taon, magastos para sa akin pero masaya dahil nag-enjoy kaming lahat sa nagdaang araw.
Inakbayan ako ni Zion at napatingon ako sa tatlong lalaki na tumabi sa kinatayuan ko. Nang tanggalin ko ang pagkakaakbay niya pumunta siya sa pwesto at nagpalit na kami. Napailing na lang ako at nanonuod sa paglakad ng mga candidates sa may stage.
"Dapat sumali ka, Ganda" sabi ni Zion.
"Wala akong hilig sa ganyan no? Manuod pwede pa"
"Sayang hindi mo ako napanuod nung sumali ako" sabi niya at nag-pout lang ako. Noong first year si Zion nanalo siya ng Mr. Westwood at si Lucy naman ang Ms. Westwood. Kasali dapat si Zion na mga mag-ju-judge ngayon pero sinabi niya na may pupuntahan siya, kaya ng makita siya ng isang prof na nagyaya sa kanya na nandoon siya tinanggihan na naman niya ito at sinabing masama ang pakiramdam niya.
"Zion, papicture kami" sabi ng isang babae sa likod namin. Humarap naman siya sa mga ito at nagpa-picture, medyo lumayo ako ng konte sa kanila at nanuod na lang. Nang makabalik si Zion, dumating na rin sila Alice at Ruby na may dalang pagkain. Nasa gitna kaming dalawa ni Alice habang nasa gilid namin sila Zion na katabi ko at si Ruby na nasa kabilang dulo.
"Ang gaganda at ang gagwapo ng mga kandidata natin. Bagay na bagay sa kanila ang mga business attire" sabi ng host.
"Partner, meron bang umangat sa'yo sa mga kandidata natin?"
"Syempre, partner meron. Bagay na bagay sa kanya ang corporate attire, hindi ko na sasabihin kung anong number. Pero, sa mga audience natin, sino bang ang para sa inyo sa mga girls natin?" sumigaw ang mga audience ng numero ng bang bato nila. "Sa mga boys natin?" sumigaw uli ang mga audience.
"May kanya-kanya kayong pangbato pero bago tayo pumunta sa Evening Attire and Formal Attire. Meron muna sa ating mahaharana at wag na natin patagalin. Let's give a round of applause for Shawn Bautista!" agad naman nagtilian ang mga audience kasama na doon sila Alice at Ruby. Habang ito na naman ang pakiramdam ko, bumibilis ang t***k ng puso ko habang nakikitang si Shawn.
Nakatayo na si Shawn sa stage na may suot ng black jacket na may hoddie habang at black pants. Hawak niya ang mic at ngumiti ng labas ang ngipin, hindi ko alam kung bakit nahawa ako sa ngiti niya at napangiti rin ako. Narinig kong umubo si Zion kaya tumingin ako sa kanya, napahawak ako sa leeg niya at umiling siya. "Wala akong sakit, Ganda" malakas na pagkakasabi niya kaya tumango ako.
"Ain't never felt this way
Can't get enough so stay with me
It's not like we got big plans
Let's drive around town holding hands"
May ilang mga sumabay sa kanta at pumapalak habang sumasabay sa beat.
"And you need to know
You're the only one, alright alright
And you need to know
That you keep me up all night, all night
Oh, my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad
Oh, oh my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad"
Ngumiti na naman si Shawn at hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang epekto niya sa puso ko. Ilang araw ko pa lang siya halos kilala, kaya hindi ko masasabing gusto ko siya.
"Mad cool in all my clothes
Mad warm when you get close to me
Slow dance these summer nights
Our disco ball's my kitchen light"
"And you need to know
That nobody could take your place, your place
And you need to know
That I'm hella obsessed with your face, your face"
Napatingin ako kay Zion ng marinig ko siyang sumasabay sa kanta kaya napangiti ako habang nakatingin sa kaya at ganun rin siya sa akin. Hinawakan ni Zion ang kamay ko habang simasabay pa rin sa kanya.
"Oh, my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad
Oh, oh my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad
Oh, oh my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad, oh"
Natatawa lang ako sa ginagawa ni Zion habang hawak ang kamay ko at ginagawa niya pang-mic.
"And you need to know
You're the only one alright, alright
And you need to know
That you keep me up all night, all night"
Nang matapos kumanta si Shawn bumaba na ito sa stage kahit may iba na gusto pa siyang kumanta. Nakahawak pa rin si Zion sa kamay ko at ng tagalin ko hindi niya ako binitawan kaya hinayaan ko na lang siya. May hawak siya bukas na Nova kaya kumuha ako habang makahawak pa rin kami ng kamay. "Subuan mo ako, ganda"
"Bala ka dyan, bitawan mo ako para makakain ka" sabi ko at kumain uli ng nova at iningit ko pa siya.
"Okey na hindi ako kumain, basta hawak ko kamay mo" ngisi niya. Sa inis ko kumuha ako ng maraming nova at pinakain sa kanya. Tumawa lang siya habang pinilit na nguyain ang nasa bibig niya. Napatingin ako sa likuran dahil naramdaman ko na may nakatingin sa akin at tama nga ako dahil nakatingin sa akin ang ilan mga babae sa likuran namin. Napayuko ako at tumingin kanila Alice at Ruby. Nginitian lang ako ng dalawa at tawa sa isa't isa.
MAG-AALAS-DOSE nang natapos ang pageant at hindi na pwedeng lumabas ang mga estudyante kung walang guardian na magsusundo. Meron pa naman night event, kung saan walang sawa kang sumayaw o kung inaantok kana maghanap ka ng pwesto mo para humiga. Inaantok na ako pero sila Alice at Ruby, walang sawa na sumasayaw. Buti na lang sinamahan ako ni Zion na umupo sa isa sa mga kubo na nakapalibot sa may court. Nakasandal ako sa braso niya at bumikit, habang nakasandal naman siya sa ulo ko. Doon kami puwesto sa makikita kami dahil may mga ilang nakatoka na mag-ikot dahil baka may ginagawa kakaiba ang iba.
Napadilat ako ng may marinig akong ingay, alam kong nakaidlip na ako pero dahil nga sa ingay nagising ako. "Sorry, Max. Inaantok na rin kasi kami, alas-dose pa lang bawal pang magpalabas" sabi ni Alice. Humiga siya sa may upuan at ganun rin si Ruby.
"Humiga ka rin ng ganyan, Ganda. Dito ka nalang, umunan" tap niya sa hita niya.
"Sige" sabi ko. Humiga ako at umunan sa hita niya. "Thank you, gwapo" sabi ko ng ikinumot niya sa akin ang jacket niya. Ngumiti lang siya at hinawi ang buhok ko habang nakangiti..
NANG magising ako agad akong napatingin sa mabigat na bagay sa braso ko at ang kamay lang pala ni Zion. Dahan-dahan kong tinanggal at isinuot ang jacket niya dahil nilamig ako. Nang makaupo ako tulog pa rin si Zion at mahinang humihilik. Halatang hindi maayos ang pwesto niya kaya hinilig ko ang ulo niya sa braso ko. Nang dumilat siya, humiga sa may upuan at ginawang unan ang hita ko. Hinawakan niya ang kamay ko at ipinatong sa balikat niya, habang hawak pa rin ang kamay ko at pumikit.
Gamit ang isang kamay ko tinignan ko ang oras sa cellphone ko at mag-aalas-tres pa lang ng umaga. Tulog pa rin sila Alice at Ruby habang nakasuot ng jacket nila. Nakatingin ako kay Zion na may ngiti sa labi habang natutulog. Iba rin talaga ang kagwapuhan ni Zion, nakapagtaka na nga kung bakit hindi na siya nagkakaroon ng girlfriend.
Noong high school kami, halos every year may iba-iba siyang girlfriend. Pero nang sabihan ko siya na, wag magpapalit-palit ng girlfriend at wag manakit ng babae doon na siya nakipag-break at wala na akong nabalitaan na may girlfriend siya. Bestfriend ko siya pero wala pa siyang pinakilala na kahit isa na naging girlfriend. Buti pa nga ako, sinabihan siya na may nanligaw sa akin pero binasted ko rin dahil pag-aaral ko ang pinunta ko sa school at hindi ang magkaroon ng relasyon.
Nang ikinuwento ko yun kay Zion, tinawanan lang ako at sinabi niya sa akin. "Ako ang unang pagsasabihan mo kapag may taong nagpatibok ng puso mo at ikaw ang unang sasabihan ko kapag may babae na akong papakasalan" Napahawak ako sa puso ko ng maalala ko si Shawn. 'Hindi naman siguro? Maiinit lang siguro ang panahon kaya ganun ako sa kanya.'
Huminga ako ng malalim ng manikip na naman ang pakiramdam ko. 'Pangalan pa niya, ganito na ang epekto niya sa akin. Sasabihin ko kaya kay Zion? Pero baka naman nagkakamali lang ako'.
Hindi ko napansin ang oras dahil sa kaiisip ng kung anu-ano bagay na tungkol sa nararamdaman ko kapag nandiyan si Shawn o naririnig ang pangalan niya. nakaupo na sa tabi ko si Zion at gising na rin si Alice at Ruby.
"Pwede na daw umuwi, punta na kami sa may dorm. Zion, pakihatid na lang si Maxine ha?" sabi ni Ruby at nagpaalam na sa amin ang dalawa sa amin. Kami na lang dalawa ni Zion at niyaya na niya ako na ihahatid kahit kita sa mukha niya na inaantok na siya.
Nakarating na kami sa apartment at hindi ko na muna pinauwi si Zion, doon ko muna si pinagpahinga dahil halata naman na inaantok pa siya. Pagkapasok sa loob agad siyang humiga sa may sofa at nilock ko naman ang pinto. Bago ako pumasok sa loob ng kwarto ko tinanong ko. "May kailangan ka pa ba?"
Umiling siya. "Wala na, Ganda. Tulog kana rin" ngiti niya at pumikit. Tumango na lang ako at dumiretso na sa kwarto.
--
===Elainah ME===