KABANATA 6:
NATAPOS na ang bakasyon at isang buwan na rin nakakalipas ng magsimula ang pasukan. Third year na kami habang fourth year na si Zion na konte na lang ang subject niya kaya madalas nakikita ko siya na naglalaro lang ng basketball.
Tapos na ang lahat ng class schedule naming tatlo nila Alice at Ruby pero gusto pa nilang tumambay sa school dahil masyado pa daw maaga kung pumunta na agad sila sa kanilang dorm. Nasa isang kubo kami kung saan makikita ang mga nanglalaro sa court. Nang mapatingin ako sa court nakita ko si Shawn na may hawak ng bola ng basketball. Nararamdaman ko na naman ang sobrang pagtibok ng puso ko. Habang nag-lalaro sila hindi ko maiwasan na mapatitig sa kanya, at kapag mapapatingin siya umiiwas ako ng tingin. Siguro, nararamdaman niya na may nakatingin sa kanya.
"Matagal ko nang hindi nakikita si Zion ha?" sabi ni Alice. "May balita ka ba sa bestfriend mo?"
"Sabi niya uuwi daw s'ya sa probinsya dahil uuwi daw ang parents niya galing Canada" sagot ko. Tumango naman sila at magkwentuhan uli, naririnig ko yung pinag-uusapan nila pero nakatingin pa rin ako kay Shawn.
"Payag ka, Max?" tanong ni Alice.
"Payag saan?" tingin ko sa kanya.
"Maggala, punta tayo sa Tagaytay" sabi niya.
"S-Sige, may ipon naman ako" sagot ko at nagplano na sila ng araw kung kailangan kami aalis. Kita kong pawis na pawis na si Shawn, tumatakbo siya habang pinapatalbog ang bola. Hanggang sa maipasa niya sa kakapi nila at bumalik sa kanya hanggang sa maishot niya.
"Tara na, may isesearch pa pala tayo" aya ni Ruby kaya tumayo na kami at lumabas ng kubo. Habang naglalakad kami nakatingin pa rin ako kay Shawn na habala sa paglalaro ng basketball. Kunaway na ako sa dalawa at naglakad papunta ng terminal.
Nang makauwi ako, kumain muna ako ng binili kong pagkain sa magkarinderya para sa hapunan ko at bumili rin ako ng cup noodles para mamaya pagkatapos kong magresearch. Pagkatapos kong kumain at maghugas dumiretso na ako sa kwarto ko para mag-umpisa na sa pagre-research.
NAKATAYO ako malapit sa court at nakita ko si Shawn. Seryoso ang mukha niya at hindi ko akalain na nakatayo siya ngayon sa harapan ko. "Hi! Ikaw diba ang kaibigan ni Zion?" Tumango lang ako sa kanya. "Pwede mo ba akong samahan sa kanya?"
"Sige" sagot ko at nakita ko ang ngiti na sumilay sa labi niya. Naglakad na kami papuntang gate at nagtaka ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
"Sila na ba?" tanong ng isang babae sa likod ko. Nang lumingon ako maraming nakatingin sa amin at sa mga kamay namain na magkahawak. Nang tignan ko si Shawn ngumiti lang siya at hinawakan niya pa ang kamay ko at sabay kaming lumabas sa gate ng school.
"Maxine, bakit kayo magkasama?" tanong ni Zion habang nakatingin sa mga kamay namin.
"Sasamahan ko sana siya papunta sa'yo" sagot ko.
"Bakit magkahawak kayo ng kamay?" takhang tanong ni Zion.
"Kami na, Zion" sagot ni Shawn na ikinabigla ko. Kasabay ng malakas na pag-iingay ng cellphone ko. Nang maimulat ko ang aking mga mata, narealize ko na isa lang pala iyong panaginip. Napailing na lang ako at tumingin sa cellphone na nakalagay ang pangalan ni Zion.
"Hmm?" sagot ko sa tawag.
"Good morning, Ganda."
"Anong problema mo? Sinira mo ang maganda kong panaginip" sabi ko. 'Maganda ba ang panginip ko?' napailing na lang ako.
"Ano bang panaginip mo?" tanong niya.
"May boyfriend na akong pinakilala sa'yo" sagot ko habang natatawa. Tumahimik sa kabilang linya kaya napatingin ako sa screen ng cellphone ko. "Hello! Zion, nandyan ka pa ba?"
"Oo" tipid na sagot niya na ikinakunot ng noo ko.
"Badtrip ka ba?" tanong ko. Kilala ko si Zion kapag galit siya, tipid magsalita at hindi makulit.
"Na-bad mode ako sa sinabi mo, pwede bang wag ka munang magboyfriend ha?" natawa ako sa sinabi niya.
"Hindi ko priority yun no? Pero kapag may nanligaw na gusto ko, malay mo" ngisi ko.
"Maxine naman eh!. Sino ba yung boyfriend mo sa panaginip mo?" tanong niya na ikinakaba ko. 'Shemay! sasabihin ko ba sa kanya?'.
"H-Hindi ko kilala" pasisinungaling ko at kinagat ang ibabang labi ko. "Teka, bakit ka nga ba napatawag?"
"Namiss kasi kita, kaya nandito ako sa labas dala ang pasalubong ko sa'yo galing kanila Mommy" sabi niya.
"Ano?. Teka, lalabas na ko. Shemay! Hindi pa ako nakakapag-hilamos" pagmamadali kong bumangon sa kama.
"Okey lang sakin kahit anong itasura mo, Ganda. Maganda ka pa rin sa paningin ko" sabi niya sa kabilang linya habang papatayo ako sa kama. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko kaya napahawak ako sa dibdib ko. "Ang sakit!"
"Anong nangyayari sa'yo? okey ka lang? Maxine!" rinig ko ang pag-alala sa boses niya.
"Okey lang ako, Zion. Medyo sumakit lang ang dibdib ko, siguro sa biglang pagbangon. Bubuksan ko na ang pinto" sabi ko. Nang mabuksan ko na ang pinto nakita ko ang ngiti niya at agad niya akong niyakap.
"I missed you, Ganda" mahigpit niya sa akin. Nang medyo nagtagal na ang yakap niya, agad kong kinurot ang tiyan niya pero matigas yung nakapa ko. "Abs ko yan" layo niya sa pagkakayakap sa akin.
"Ewan ko sa'yo! Saan na yung pasalubong ko?" tingin ko sa likuran niya.
"Ako ang pasalubong mo galing kay Mommy" sabi niya. Tinignan ko siya ng masama at nakita ko ang nakakairita niya ngiti para sa akin. "Akinin mo na daw ako" sabi niya. Na ewan ko, para may ibang kahulungan ang sinabi niya.
"Ano naman ang gagawin ko sa'yo?! Nasaan na nga yung pasalubong ko?!" nguso ko.
"Aray! Ang sakit mong magsalita. Nasa labas, kukuhain ko lang po" kamot niya at lumabas. Sumunod naman ako at nakita ko ang isang box na nakahawak niya.
"Akin yan lahat?" tanong ko. Masyado kasing marami kung para sa akin lahat.
"Oo, sabi kasi ni Mommy ikaw lang daw niya ang anak niyang babae. Pero ayokong maging kapatid ka ha? Yung mga chocolates dyan, kung gusto mong mamigay pwede naman" sabi niya at humiga sa may sofa. "Patulog muna ako, Ganda" sabi niya at pumikit. Sinara ko ang pinto at inayos ang dala niyang bag sa may single sofa.
"May pasok ka mamaya?" tingin ko sa mukha niya nakapikit pa rin ang kanyang mata.
"One pa" sagot niya. Tumango ako. "Ako rin, one pa. Sige, matulog kana." Nanlaki ang mata ko ng mabuksan ko ang isang bag na alam kong camera ang laman. "Akin ba 'to?" dumilat si Zion at tinignan ako.
"Oo, sa'yo yan. Mahilig ka daw kasing magpicture sabi ni Mom kaya binilan ka niya"
"Masyadong mahal 'to. Balik mo!"
"Hindi na yan mababalik, tyka walang gagamit yan sa mga pinsan ko. Mas mahal pa yung mga camera ng mga yun"
"Magpapasalamat ako kay Tita. Grabe! Pangarap ko talagang magkaganto. Zion." tumabi siya sa akin at halatang antok na antok na. "Gusto mo sa kwarto kana?"
"Pwede ba?"
"Pwede naman" tango ko. Kakapalit ko lang naman ng panapin at punda kagabi kaya hindi nakakahiya. "Tara!" sabi ko at agad naman siyang sumunod sa akin.
Nang pumasok siya sa kwarto ko agad siyang humiga at niyakap ang unan ko. "Ang bango, sana ganto lagi"
"Kapapalit ko ang kasi, sige matulog kana dyan" sabi ko. Kumuha ako ng damit ko at pumasok sa banyo para makapagpalit ng pangbahay. Nang lumabas ako ng banyo, nakita ko ang mukha ni Zion. "Ang gwapo naman" bigla ko nasabi kaya napatakip ako ng bibig ko at nakatingin pa rin sa mukha niya. Narinig ko ang mahinang paghilik niya kaya napangiti ako, kinuha ko ang camera na bigay ng mommy niya sa akin at kinuhaan ko siya.
Natigilan ako ng bigla siyang gumalaw at tumingin sa akin. Ngumiti ako pero seryoso ang mukha niya at biglang hinila ako, kaya napatumba ako sa kama. "Ano ba, Zion?!." sabi ko at niyakap niya ako ng mahigpit at siniksi ang mukha niya sa leeg ko. Biglang nag-init ang mukha ko dahil nararamdaman ko ang ilong niya sa leeg ko. "Zion... "
Humarap siya sa akin kaya magkatinginan na kami. Kita sa ang mga mata niya halatang may gustong siyang sabihin. Hindi ko siya tinanong dahil hindi ko alam kung anong pwedeng itanong. "Thank you, Maxine" sabi niya at hinalikan niya ako sa noo ko. Bumilis ang t***k ng puso ko at hindi ko maintindihan ang nararadaman ko. Ngumiti siya at agad akong pinakawalan. "Matutulog na ako, wag kang mo na ang picture-an" ngiti niya at tumalikod sa akin.
"Baliw!"
"Sa'yo" tawa niya kaya hinagisan ko siya ng unan. Tumayo na ako at naglakad palabas ng kwarto. Hindi pa rin humihinto ang t***k ng puso ko at lumalala pa kapag naalala ko ang paghalik niya sa noo ko. "Sa noo lang naman yun!" umiling ako at naglakad palabas ng bahay para bumili ng almusal at ulam sa tanghalian.
TAPOS na akong magluto at nakapagbihis na rin ako para sa pasok ko sa school. Nagising na rin si Zion at nakiligo para sabay na kaming pumunta sa school. Naglagay na ako ng plato sa lamesa para pagkalabas niya ay makakain na kami.
"Hi! Beautiful!" lumingon ako kay Zion at napanganga ako sa itsura niya. Fresh na fresh siya habang nakasandal sa frame ng pinto. Napapikit ako at huminga ng malalim, dumilat ako at tinignan ko siya ng masama. "Tara, kumain na tayo" talikod ko at naupo sa upuan at narinig ko pa ang pagtawa niya.
"Kamusta na pala sila Tita? Bakit sila umuwi?"
"Okey naman sila, may inasikaso lang silang lupa. Pumunta pala ako sa Inay mo, at maraming kumakain sa karinderya nyo. Sabi nga ni Tita mas lalo daw akong guma-gwapo" ngiti niya. "Totoo ba yun, Ganda?"
"Oo naman, syempre kaibigan kita. Sinu-sino pa ba ang magsusuportahan" ngisi ko at kumain.
"Hindi ka naga-gwapuhan sa akin, Ganda?" tingin niya sa mata ko at mukhang gusto niya ng seryosong sagot. Napalunok ako at bumilis ang t***k ng puso ko.
"G-Gwapo ka, Zion. G-Gwapo ka sa paningin ko" tingin ko sa mata niya at nakita ko na naman ang pamumula ng tenga niya. "Bakit namumula yang tenga mo" abot ko sa tenga niya pero hinawakan niya ang wrist ko at tinignan niya ako. Nakita ko ang pagalaw ng adams apple niya habang malapit ang mukha namin sa isa't-isa.
"K-Kumain na nga tayo" sabi ko. Tinanggal niya ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin at naupo na ako.
--
===Elainah ME===