KABANATA 18:
TAHIMIK lang ako buong araw habang nasa school ako kasama nila Alice at Ruby. Kung minsan nakikisali ako sa kwentuhan nila pero mas madalas natatahimik ako dahil sa mga nasa isip ko. Simula kasi kagabi hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Zion sa akin.
"Ayoko ng pakiramdam na may kasama kang iba, ayoko!"
"Gusto ko ako lang ang lalaki sa buhay mo. Gusto kong magpaka-selfish 'pag dating sa'yo, pero alam kong wala akong karapatan, Maxine"
Napatingin ako sa kumalabit sa akin. "Max, kanina ka pa tahimik. May problema ka ba?" tanong ni Alice habang magkakatabi kaming tatlo sa may bench na nasa court.
"Paano kapag may nagsabi sa inyo tao, na ayaw niya ng pakiramdam na masama kayong iba?"
"Nagseselos s'ya" agad naman sabi ni Ruby. "Ano pa ba ang magiging rason? ganyan ang bf ko"
"Paano naman kung may friends lang kayo?"
"Ganun pa rin, nagseselos pa rin siya. Example, kaming dalawa lagi kasama ni Alice ang kasama mo tapos, bigla na lang isang araw may mas close kana kaysa sa amin dalawa. Syempre magtatampo kami at magseselos" paliwanag ni Ruby at tumango lang ako.
"Natatakot akong may makilala kang iba, Maxine. Paano kung mas masaya siyang kasama sa akin, pwede mo akong kalimutan o kung hindi mo man ako makalimutan hindi na kita makakasama"
"Porket ba may makilala akong ibang ibig sabihin ba 'nun makakalimutan ko na s'ya?" tanong ko habang nakatingin sa malayo.
"Sino bang "siya" ang tinutukoy mo? Si Zion?" tanong ni Alice at agad silang tumingin sa akin na sakto naman nasa gitna ako nakaupo kaya para nila akong na-corner. Tumango lang ako at ganun rin naman sila habang napapansin ang pagtitinginan nilang dalawa. Umiling si Alice at tumango naman si Ruby huminga lang sila ng malalim habang ako nakatingin lang sa malayo.
"Kung pwede ko lang sabihin sa'yo lahat ng nararamdaman ko na walang magiging problema, matagal ko nang sinabi. Pero gusto ko munang makasigurado na kahit konte lang, meron pag-asa... pero habang patagal ng patagal para mas lalong akong nawawalan ng pag-asa. Ayokong pang sumuko kasi nandito ka pa naman, pero sana naman bago ako sumuko nasabi ko na sa'yo lahat-lahat. Sa ngayon, natatakot pa ako. Masyado pang maaga, wala pa akong maipagmamalaki."
"Pero sana kapag meron na, sana hindi pa huli" Napabuntong hininga lang ako at tumingin sa malayo. "Pwede kang magkwento sa amin para naman hindi mo iniisip lahat" sabi ni Alice. "Tayo lang naman tatlo ang makakarinig"
"Nag-away na naman ba kayo ni Zion?" Ruby.
"Hindi, pero medyo hindi kami nagkaintindihan pero mukhang okey na naman kami kanina. Kaso lang..."
"Kaso lang?"
"Paulit-ulit sa isip ko yung mga sinabi niya"
"Anong sinabi niya?" sabay nilang sinabi. Ikwento ko ang nangyari kahapon pero lagi kong pinapaalala sa kanila na walang magkakalat dahil ayoko na pinag-uusapan ako ng ibang tao. Lahat kinuwento ko sa kanila dahil alam kong mapagkakatiwalaan naman silang dalawa.
"Sa tingin ninyo ano yung gustong sabihin sa akin ni Zion?. Ayoko naman na mag-assume na may gusto siya sa akin, alam kong naging crush niya ako. Pero kung mas malalim pa doon, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko"
"Paano kung nagtapat siya sa'yo may gusto siya sa'yo? yung gusto na mas malalim pa sa crush?" sabi ni Ruby.
"Magkaibigan kami, hindi ko inisip na pwedeng umabot sa ganun"
"Pero paano nga?" tanong ni Alice.
"Hindi ko alam, mas gusto ko lang siguro na maging kaibigan siya. Ayoko rin na humantong kami na magkagustuhan kami sa isa't-isa. Baka masira ang friendship namin"
"May chance pa na nagkagusto ka kay Zion?"
"To be honest, naging crush ko siya. Kaso sinasabi ko sa isip ko na wag, kasi alam kong mali"
"At bakit naman mali? Hindi naman kayo magkapatid o magkamag anak?"
"Magkaibigan kami"
"Bakit naging magkaibigan muna kami ng boyfriend ko bago kami naging kami."
"Kaso magbestfriend sila, matagal na... Kaya nahihirapan siya kung magkagusto sila, tapos magkasira pwedeng hindi na bumalik yung dating closeness nila sa isa't-isa. Tama ba ako?" tumango lang ako. "Sa madaling sabi, nahuhulog kana sa kanya pero hindi mo lang maamin sa sarili mo kasi natatakot ka sa maaaring mangyari"
"At naguguluhan ka sa mga kinukilos at mga sinasabi niya, dahil yun yung nagiging dahilan kaya mas lalong nahuhulog ka sa kanya" sabi ni Ruby at ngumiti.
"H-Hindi. Gusto ko lang malaman kung bakit siya ganun, naguguluhan kasi ako"
"Kung hindi ka nahuhulog sa kanya, 'di dapat hindi gumugulo sa isip mo yang mga sinasabi niya sa'yo. Hindi ka nakakaramdam ng baka may gusto siyang iparating sa'yo, na hindi lang hanggang kaibigan o bestfriend n'ya. Kaya gusto mong itanong sa amin kung ano bang ibig sabihin ni Zion sa ginagawa niya at pinaparamdam niya sa'yo" tuloy-tuloy na sabi ni Alice. "Ang magandang gawin, tanungin mo si Zion. Kasi kung kami ang magsasabi ng sagot pwedeng maging mali kami, pwede naman tama. Pero mas magandang malaman ang sagot sa taong dahilan ng lahat"
"Tama, tanungin mo s'ya"
"Ayoko nga no?. Mga baliw 'to" tingin ko sa kanilang dalawa ng masama.
"Pero gusto niya ring malaman ang sagot" kiliti sa akin ni Ruby.
"Hindi no?. Baliw 'to!"
"Paano kung magkita uli kayo ni Jiron Kim, sasama ka ba kapag niyaya ka niya"
"Hindi no?. Kahit pa sikat siya, hindi ako sasama sa taong hindi ko lubos na kilala no?"
"Maxine!" sabay-sabay kaming napatingin sa pinangalingan ng boses. "Sabi na nga ikaw 'yan eh!" nakangiting sabi ni Jiron habang papalapit sa amin.
"A-Anong ginagawa mo dito?"
"Nag-inquire lang. Dito ko sana balak pumasok ng isang taon kulang ko para makagraduate ng college" ngiti niya. Tinignan niya ang dalawang kasama ko si Ruby na nakatuon sa cellphone niya at ganun rin si Alice.
"Mga kaibigan ko nga pala, si Ruby at Alice" pakilala ko sa kanila. Kumayaw lang sila dalawa at ngumiti kay Jiron. "Siya nga pala si Jiron Kim"
"Hello! Nice to meet you" ngiti ni Jiron sa kanilang dalawa. "May klase pa ba kayo?"
"Wala na, nagku-kwentuhan na lang kami" sagot ni Ruby.
"So? Pwede ko ba kayong yayain na lumabas? treat ko"
"Naku, hindi kami pwede ngayon. Si Max, baka pwede?" sabi naman ni Alice.
"Sorry, Jiron. Bawal rin ako, baka magalit si Zion"
"Zion?. Siya ba yung lalaking humila sa'yo kahapon?" tumango ako. "Boyfriend mo?"
"Hindi ko siya boyfriend, ayoko lang na magtampo na naman s'ya sa akin" 'Ayokong makita na naman ang lungkot sa mga mata niya'
"Sana may ganyan akong girlfriend" ngiti ni Jiron. "Pwede ko bang makuha ang number mo?"
"Sorry, Jiron. Pero ayokong binibigay sa ibang tao ang number ko. Pasyensya na talaga"
"Sige, naiintindihan ko. Alam ko naman na kahapon lang tayo nagkakilala, pero sana pwede tayong maging magkaibigan" ngiti niya at tumango lang ako. "Kung ganun, aalis na ako. Hindi mo rin naman ako papayagan na ihatid ka?" tumango uli ako. "Sige, alis na ako. Bye, Girls" kaway niya at nanglakad na palayo.
"Ang gwapo niya. Ang perfect ng mukha niya pati ng katawan, kala ko payat pero mukhang may abs" sabi ni Alice kaya nakatingin kaming dalawa ni Ruby sa kanya. "Anong tingin yan?" umiling lang kami ni Ruby.
"Oo nga pala, kuhain mo yung chocolate mo sa dorm. Padala yun ni Mommy sa akin syempre meron kayong dalawa dahil special daw kayo. Si Ruby nakuha niya na 'yung sa kanya sa'yo nandoon. Kaya sumama ka muna sa amin, kuhain mo na din yung ibibigay ko para kay Zion" naglakad na kami papunta sa dorm nila.
NAGLALAKAD na ako papuntang terminal galing sa dorm nila Alice. Napatigil ako ng makita ko si Zion na nakatingin sa akin habang nakangiti. Naririnig ko na naman ang bilis ng t***k ng puso ko habang nakatingin sa kanya na papalapit sa akin. "A-Anong ginagawa mo dito?"
"Sinusundo ka"
"Ha?. Anong nakain mo at kailangan mo akong sunduin?. Bakit mo ako sinundo?"
"Nabalitaan ko kasi na may insektong umaaligid sa'yo" tinignan ko siya ng masama. "Si Jiron Kim, pumunta siya sa school at kinausap ka pa niya"
"Ano naman? Tyka saan mo naman nalaman 'yan?"
"Sa source ko"
"Sa source o kanila Ruby?" tanong ko at sumimangot siya kasabay ng pagpadyak na anino'y batang hindi nakuha ang gusto. "Ang magandang gawin, tanungin mo si Zion. Kasi kung kami ang magsasabi ng sagot pwedeng maging mali kami, pwede naman tama. Pero mas magandang malaman ang sagot sa taong dahilan ng lahat"
Nakatingin lang ako kay Zion at umiling. "Tara na nga umuwi na tayo, may pinapabigay nga pala sa'yo si Alice" kinuha ko sa bag ko ang maliit na paper bag.
"Wag mong sabihin may gusto sa akin si Alice?" kuha niya sa paper bag.
"Feeling ka! Galing yan sa Mommy niya. Buti nga na alala ka pa, lahat ng kilala niya binigyan niya" ngiwi ko.
"Mabuti na ang malinaw no?" ngiti niya na kanina ko pa napapansin na mukhang masaya siya. "Ice cream muna tayo bago umuwi, medyo pinawisan rin ako sa pagtakbo"
"Bakit ka naman tumakbo?"
"Akala ko kasi sasama ka sa kanya" sabi niya at nauna nang maglakad. Napakunot ang noo ko kaya naglakad ako palapit sa kanya at huminto naman siya ng konte para magsabay kami.
"Masaya ka ha?"
"Sobrang saya" sagot niya na kinailing ko. Kitang-kita naman na masaya siya at hindi niya ito pini-peke kaya masaya na rin ako para sa kanya.
===Elainah ME===