KABANATA 17:
NAKAUPO ako sa sofa habang hinihintay si Zion na lumabas sa kwarto niya dahil kukuhain niya ang kanyang gitara na dinala ni Sean sa kanya. Nang lumabas siya sa kwarto niya na hubad baro habang hawak ang kanyang gitara at agad na naupo sa kabilang dulo ng sofa kaya magkaharap na kami. "Naks, sa paghawak mo, mukhang marunong ka talagang mag-gitara ha?" biro ko at sinamangutan niya ako. Kahit totoo alam ko naman na marunong siyang magitara. High school palang kami kung minsan nagdadala siya ng gitara, pero yung mga classmate namin ang kumakanta.
"Ano yan?" turo niya sa tagiliran ko kung nasaan ang camera na binigay sa akin ni Mommy niya.
"Trip mong mag-gitara diba? So, trip kong kuhaan kita. Isang post nga ng feeling marunong mag-gitara" harap ko ng camera sa kanya at nagpost naman siya. Hindi lang isang kuha ang ginawa dahil ang saya niyang kuhaan ng litrato.
"Kala ko ba isa lang ba't parang ang dami?. Patingin nga ako" agad niyang hinablot sa kamay ko ang camera at tinignan ang mga kuha niya. "Ano ba 'yan, Ganda... Bakit wala akong panget na kuha? Puro gwapo, sabagay gwapo naman talaga ako" pagmamalaki niya kaya pinalo ko siya sa braso niya.
"Ang hangin mo!. Teka nga, bakit naka-topless ka na naman?"
"Mainit, Ganda. Tyka ngayon mo lang napansin, dapat kanina pa. Ikaw lang naman ang makakita, ayos lang sa'kin. Sabihin mo lang kung kulang pa sa gym ang katawan ko"
"Magtigil kana, hindi na nakatuwa!"
"Okey" sabi niya at hinarap sa akin camera na biglang nag-flash ng ilang beses.
"Ano ba, Zion!" tuwa lang siya at may tinignan sa camera.
"Ang ganda mo dito, Ganda. Tyka, dito at dito pa" sabi niya kaya lumapit ako para tignan. Bigla ko siyang hinampas dahil lahat ng sinabi niya mukha akong ewan.
"Ang panget ko nga dyan, siraulo ka! Burahin mo 'yan" lapit ko sa kanya, pero biglang hinawakan niya ang kanang bewang ko at nakita ko na lang ang sarili ko na malapit ang mukha sa kanya.
"Tingin sa camera, smile!" sabi niya at ilang shoot na naman ang ginawa niya. Tinignan namin ang mga picture at ang ilan sa mga kuha namin siya lang ang maayos ang kuha at ako mukhang ewan.
"Ang panget ko dyan burahin mo" agaw ko sa camera na agad niya tinaas at inabot ko naman. Natigilan kaming pareho sa posisyon namin ng mga oras na 'yun. Nakaluhod ako sa sofa habang nakapatong ang isang kamay ko sa tuhod niya, siya naman nakaupo habang nakataas ang isang paa sa sofa at nasa lapag ang isa. Nataas ang isang kamay ko pati na rin ang kamay niyang may hawak ng camera. Magkapantay ang mukha namin, konting-konti na lang malapit na ang mukha namin sa isa't-isa at bigla kong naalala ang nangyari ng kagabi. Nag-init ang pisngi ko kaya mabilis akong napaiwas ng tingin at umupo ng naayos sa sofa.
"M-Magsimula kana nga sa trip mo, akin na yang camera ko" lahad ko sa kamay ko.
"Basta wag mong buburahin lahat ng picture natin dito. Ipapasa mo muna 'to sa akin"
"Oo na akin na" sabi ko pero nilapag niya sa may lamesa ang camera. "Diba kukuhaan mo ako? Gusto ko kasama kita sa video. Hi! Ganda, gusto mo kong kuhaan ng video diba? pwes sumama ka" sabi niya habang nakarap sa camera na nagsisimula na palang mag-record ng video. Kinuha ni Zion ang gitara niya at umayos ng upo paharap sa akin. "Harap ka sa akin, Ganda" huminga ako ng malalim at sinunod siya.
Ngumiti siya sa akin at nagsimula ng mag-gitara.
"You and I, we're like fireworks and symphonies exploding in the sky.
With you, I'm alive. Like all the missing pieces of my heart, they finally collide"
"So stop time right here in the moonlight.
'Cause I don't ever wanna close my eyes."
Nakatingin siya sa akin at hindi ko rin naman maalis ang tingin sa kanya dahil sa ganda ng boses niya habang nag-gigitara.
"Without you, I feel broke. Like I'm half of a whole.
Without you, I've got no hand to hold.
Without you, I feel torn. Like a sail in a storm.
Without you, I'm just a sad song
I'm just a sad song"
Hindi ko mapigilan na hindi humanga sa kanya. Hindi ko mapigilan ang puso ko na hindi tumibok ng malakas habang nakatingin sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam ng may taong nakatingin sa'yo habang kumakanta. Lalo na 'yung taong yun ay special sa puso mo.
"With you, I fall
It's like I'm leaving all my past and silhouettes up on the wall
With you, I'm a beautiful mess
It's like we're standing hand and hand with all our fears up on the edge"
"So stop time right here in the moonlight
'Cause I don't ever wanna close my eyes
Without you, I feel broke
Like I'm half of a whole
Without you, I've got no hand to hold
Without you, I feel torn
Like a sail in a storm
Without you, I'm just a sad song"
Ramdam na ramdam ko ang pagkanta niya na mula sa kanyang puso. At habang kumakanta siya hindi niya maalis ang tingin sa mga mata ko na nagiging dahilan ng hindi pagtigil ng bilis ng t***k ng puso ko.
"You're the perfect melody
The only harmony I wanna hear
You're my favourite part of me
With you standing next to me
I've got nothing to fear"
"Without you, I feel broke
Like I'm half of a whole
Without you, I've got no hand to hold
Without you, I feel torn
Like a sail in a storm
Without you, I'm just a sad song"
"Without you, I feel broke
Like I'm half of a whole
Without you, I've got no hand to hold
Without you, I feel torn
Like a sail in a storm
Without you, I'm just a sad song, I'm just a sad song"
Parehas kaming nakatingin sa isa't-isa ng matapos siyang kumanta. "Tandaan mo ang kanta yan, because without you I'm just a sad song" ngiti niya sa akin at tumingin sa may camera. Nakatingin lang ako sa kanya habang kinakalikot niya ang camera na inabot sa akin.
"Ang galing mong kumanta, Zion" sabi ko at nakita ko ang pagkagulat niya.
"Wag mo nga akong lokohin, Ganda. Baka maniwala ako dyan"
"Ako ang wag mong pinagloloko, alam mo sa sarili mong magaling kang kumanta"
"Pero hindi kasing galing ni Shawn, na hindi mo maalis ang tingin mo habang kumakanta s'ya" sabi niya.
"Hindi ko rin naman maalis ang tingin ko sa'yo habang kumakanta ka, feel na feel mo yung kanta."
"Sinasabi mo lang yan kasi kaibigan mo lang ako"
"Zion!. Kung agaw mong maniwala bahala ka, kanta ka pa ng isa... please!" sabi ko at napakamot lang siya sa batok niya na halatang nag-aalangan.
"Sa ibang araw na lang wala na akong ibang alam na kanta"
"Ano? Imposible?"
"Next time na lang, nahihiya na ako eh!" sabi niya na halatang nahihiya na nga ito. Napangiti lang ako sa itsura niya habang nahihiya. "Yun lang kasi yung kinakanta ko 'yung umalis ka ng ilang araw." nagulat ako sa sinabi niya. "Tyka baka bigla pumanget na boses ko hindi kana humanga" napailing na lang ako at tumawa. "Tara na, matulog na tayo" sabi niya.
Hindi ako tumayo sa kinauupuan ko dahil tinitignan ko siya. "Okey na ba ang pakiramdam mo?"
Ngumiti siya at tumango. "Okey na ako, napasaya na ako sa mga sinabi mo. Wag kang mag-aalala bukas makikita mo na ang Zion na laging nang-aasar sa'yo"
"Napag-isip ko na mas gusto ko pa rin yung Zion na totoo sa nararadaman niya. Basta, tatandaan mo nandito lang ako para sa'yo" tumango naman siya. Tumayo na ako at pintay na ang camera, kinuha rin naman ni Zion ang gitara niya.
"Aah! Ganda, may nagawa ba ako sa'yo kagabi?" napatingin ako sa kanya.
"A-Anong ibig mong sabihin?"
"Kasi iniiwasan mo ako kanina, kaya iniisip ko kung may nagawa ba ako sa'yo. Pero imposible naman na nagawa ko sa'yo yung nasa panaginip ko" sabi niya na kinakunot ng noo ko. Bigla kong naalala yung nangyari kagabi.
"Maxine..." nakadilat ang mata niya habang nakatingin sa akin. Malapit ang mukha namin sa isa't-isa kaya nagulat ako na mas lalo pang ilapit ni Zion ang mukha niya sa akin. Nakita ko ang paggalaw ng adams apple niya, pumikit siya at nilapit ang labi niya sa labi ko. Nanlaki ang mata ko at bigla na lang niyang nilayo ang labi niya sa akin habang sobrang bilis ng kabog sa dibdib ko. Nang mapadilat ako nakapikit pa rin si Zion at tulog na tulog na siya.
"A-Anong naman 'yung nasa panaginip mo?" nauutal na tanong ko habang pinagdadasal sa utak ko na wag naman sana yung nangyari kagabi.
"Ayokong sabihin, baka masampal mo pa ako kapag sinabi ko"
"Sasampalin sana kita talaga. Ano ba 'yun sa panaginip mo?"
"Na--Na--Nahinalikan m-mo daw ako sa labi ko"
"Hoy! Hindi ako ang humalik sa'yo ikaw ang halik sa akin! Bwisit ka!" hampas ko sa kanya at nakita ko ang panlalaki ng mata niya.
"T-To-totoong nangyari 'yun?" tingin sa akin ni Zion na ikinainit ng pisngi.
"Matutulog na ako!" sabi ko sabay takbo papunta sa kwarto ko kahit tinawag niya pa ang pangalan ko. 'Bwisit! Bwisit! Bakit ko pa kasi inungkat... nakakahiya!. Nadapat siyang mang mahiya!' "Bwisit s'ya!"
===Elainah ME===