KABANATA 16:
NAKAKUNOT pa rin ang noo ni Zion at mas sumama na ang tingin niya sa lalaking nasa gilid ko."Sino s'ya?. Akala ko ba kasama mo sila Alice at Ruby? Pumunta ako dito para hanapin ka, dahil tinext ko si Ruby hindi ka daw nila kasama. Pero may iba ka palang kasama? Bakit hindi mo sinabi sa akin na makikipagkita ka pala sa iba?". Huminga lang ako ng malalim para hindi salubungin ang galit niya dahil kilala ko si Zion at sobrang galit na siya.
"Zion..." mahinang tawag ko sa kanya at nakikita ko ang pagpipigil ng galit niya. Tumingin ako sa mga mata niya at tumingin ako sandali kay Lucy.. 'Paano ako maniniwala sa sinasabi mo?' "Nagkita lang kami ni Lucy dito habang hinahanap kita. Sino ba s'ya ha?"
"Hi! I'm Jiron Kim" abot nito sa kamay kay Zion pero hindi iyon pinansin at masama lang niyang tinignan ito. Ngumiti lang si Jiron kahit medyo napahiya siya.
"Ikaw yung sikat na model ng Show Magazine, tama ba ako?" sabi ni Lucy na agad lumapit kay Jiron. "Hi! I'm Lucy, schoolmate kami" abot nito sa kamay ni Jiron at nagkamayan silang dalawa.
"Model ka?" tingin ko kay Jiron at tumango siya sabay ngiti. 'Cute ng ngiti ng isang 'to. Parang pang-ngumiti si Park Bo Gum'.
"Gusto mong kumain, Max?" biglang yaya nito na kinangiwi ko.
"Naku, hindi na, pauwi na rin kasi ako salamat na lang" ngiti ko sa kanya.
"Pwede ba kitang yayain lumabas?"
"Hindi. Hindi siya pwedeng yayain!. Tara na, Maxine" hawak ni Zion sa kamay ko. Pero biglang hinawakan ni Jiron ang kabilang kamay ko kaya napatigil ako at medyo nasaktan ako sa nangyari. "Bitawan mo s'ya kung ayaw mong--"
"Hindi ko pa s'ya tapos kausapin. Wag kang bastos. Maxine, pwede ba tayong magkita uli sa susunod--" bigla akong natigilan ng mabilis nakalapit si Zion kay Jiron. Hawak nito ang kuwelyo ni Jiron habang nakaamba ang kamao niya rito. Nanginig ang kamay ko at hinawakan ko ang braso ni Zion. "Please, wag!" pigil ko sa kanya. Tinignan niya ako at agad rin niyang tinulak si Jiron palayo.
Hinawak niya ang kamay ko at hinila niya ako palayo. Patakbo na akong naglakad dahil pwede akong masalubsob kung hindi ako patakbong maglakad. Narinig ko ang pagtawag ni Lucy kay Zion kaya lumingon ako. Nakita ko ko ang pagkaway ni Jiron sa akin at tumalikod na ito at naglakad.
Habang nakasakay kami sa jeep na parang hind magkakilala ni Zion dahil kahit magkatabi lang kami sa isa't-isa kita pa rin ang panlilisik ng mata niya sa galit. Gusto kong hawakan ang kamay niya para pakalmahin siya pero na hihiya ako dahil maraming tao ang nakasakay sa jeep. Kaya sinusulyapan ko lang siya paminsan-minsan at kapag napapatingin siya nginingitan ko lang. Pero mukhang walang epekto iyon sa kanya.
Naglalakad na kami papunta sa bahay pero wala pa rin bumabasag ng katahimikan sa aming dalawa, hanggang sa buksan ko na ang pinto ng bahay at naunang pumasok.
"Maxine..." lumingon ako sa kanya at nawala na ang galit sa mata niya dahil lungkot na ang nakita ko sa mga mata niya. Lungkot na hindi ko alam kung saan nanggagaling, lungkot na hindi ko gustong makita sa mga mata niya.
"I'm sorry, dapat hindi ako gumawa ng eksena doon....At ayokong makita mo akong na ganun pero hindi ko magawang pigilan."
"Zion..."
"Ayoko ng pakiramdam na may kasama kang iba, ayoko!" nagulat na lang ako ng yakapin niya ako ng mahigpit. "Gusto ko ako lang ang lalaki sa buhay mo. Gusto kong magpaka-selfish 'pag dating sa'yo, pero alam kong wala akong karapatan, Maxine" tingin niya sa mga mata ko at nakatingin lang rin ang sa malungkot na mata niya.
'Gusto ko rin naman yun, Zion. Ako lang yung babae sa buhay mo, pero alam kong mali 'yun. Hindi pwede, kasi kahit may nararamdaman ako para sa'yo hindi ibig sabihin 'nun akin kana. Naramdaman ko na rin 'to sa iba at ayokong mangyari isang araw, ayoko na pala sa'yo dahil masakit na. Ayokong masaktan ka, ayoko sa bandang huli iiwan kita kapag wala na 'tong nararamdaman ko para sa'yo o kapag nalaman mo, iiwan mo ako kasi wala kang nararamdaman para sa akin. Natatakot rin ako na kapag malaman mo, masisira tayo dalawa. Iyon ang pinaka-ayokong mangyari, Zion'. Gustong-gusto kong sabihin ang mga nasa isip ko at tunay kong nararamdaman sa mga oras na'to pero alam kong may mababago.
"Zion, ikaw lang ang kaibigan kong lalaki, alam mo yan? pero hindi pwedeng maging selfish ka pagdating sa akin. Hahayaan kita na protektahan ako at mag-care para sa akin, pero hindi ko hahayaan na ipagdamot mo ako sa iba. Gusto ko rin magkaroon ng ibang kaibigan tulad mo, maging masaya sa ibang tao. Pero hindi ibig sabihin 'nung kakalimutan o iiwasan na kita, gusto ko lagi kitang kasama pero ayoko sa'yo lang iikot ang mundo ko o ikaw lang ang magiging kaibigan ko o ako lang ang maging kaibigan mo. Kasi pwedeng makasama 'yun para sa atin dalawa, baka kapag naging selfish ka sa akin, masakal ako at ayoko na sa'yo. Ayoko mangyari 'yun"
"Natatakot akong may makilala kang iba, Maxine. Paano kung mas masaya siyang kasama sa akin, pwede mo akong kalimutan o kung hindi mo man ako makalimutan hindi na kita makakasama"
"Zion..."
"Kung pwede ko lang sabihin sa'yo lahat ng nararamdaman ko na walang magiging problema, matagal ko nang sinabi. Pero gusto ko munang makasigurado na kahit konte lang, meron pag-asa... pero habang patagal ng patagal para mas lalong akong nawawalan ng pag-asa. Ayokong pang sumuko kasi nandito ka pa naman, pero sana naman bago ako sumuko nasabi ko na sa'yo lahat-lahat. Sa ngayon, natatakot pa ako. Masyado pang maaga, wala pa akong maipagmamalaki." humiwalay siya sa akin at tinignan niya ako. "Pero sana kapag meron na, sana hindi pa huli" hinalikan niya ako sa noo at agad na humakbang papunta sa kwarto niya.
Hinawakan ko ang kamay niya at natigilan ako ng lumingon siya sa akin. Nakita ko ang pagtulo ng luha sa pisngi niya habang nakangiti. "Zion..." pinigilan ko siya at hinawakan ko ang pisngi niya para punasan ang luha sa mga mata niya.
"I'm okey, magpapahinga lang ako" ngiti niya, tinanggal ang kamay ko at naglakad papunta sa kwarto niya.
NAKAPAGLUTO na ako ng hapunan namin at si Zion na lang ang hinihintay kong lumabas ng kwarto niya pero ilang minuto na akong naghihintay wala pa rin siya. Naglakad na ako papunta sa harap ng pinto niya at kumatok. "Zion" tawag ko pero walang sumasagot kaya binuksan ko na lang ang pinto.
Nakita ko siyang nakatagilid sa kama niya, lumapit ako sa kanya at tinignan ang mukha niya. "Zion..." mahinang uyog ko sa braso niya. Ilang tawag ang ginawa ko sa kanya nang tuluyan na siyang magising. "Kain na tayo" aya ko pero nakatingin lang siya sa akin. Nginitian ko siya at ngumiti rin siya. "Bangon na d'yan" tapik ko sa braso niya.
Napalunok ako ng matanggal ang kumot sa katawan niya, hindi ko naman kasi alam na nakahubad topless pala siya. "Sumunod kana lang" mabilis akong lumabas ng kwarto niya at narinig ko ang mahinang tawa niya na ikina-ngiti ko. 'Sana maayos na talaga ang lagay mo, ayoko kasing nakikitang malungkot ka.'
Lumabas na siya at parehas na kami nakaupo sa harap ng hapag. Tahimik lang kami habang kumakain, hindi tulad ng mga nakakaraan araw kung anu-ano ang napag-uusapan namin bagay-bagay. "Masama ba ang pakiramdam mo?" umiling lang siya at tumango na lang ako.
"Bakit ganun, gustong-gusto kapag nag-aalala ka sa akin? Feeling ko special ako sa'yo"
"Oo, special ka, special child" ngisi ko at ngumiwi lang siya. Tumahimik na naman kami at tinignan ko siya. "Zion, nandito lang ako kahit anong mangyari. Alam kong alam mo 'yun" tumango siya.
"Thank you, Ganda. Sorry kung nakikita mo akong ganito, ayoko ko lang na maging peke sa harapan mo. Sobra lang akong nasaktan"
"Saan ka nasaktan? dahil ayokong nakikita kang nalulungkot o nasasaktan"
"Ganda, manhid ka ba?. Kung ayaw mo akong nakikitang malungkot o nasasaktan, pwede bang wag kang manhid?" natahimik ako sa sinabi niya. "Ganda, nasasaktan ako dahil ayokong may nakikitang lalaking malapit sa'yo feeling ko isang araw mawawala kana sa akin".
"Hindi ako sa'yo"
"Alam ko, kahit masakit. Alam ko" yuko niya at tumingin sa pagkain niya.
"Zion, alam mong kapag kailangan mo ako lagi akong nandoon, diba?. Kaya hindi ako mawawala sa'yo, kahit ano pa 'yang ugali mo kinakaya kong itindihin. Hindi ako mawawala sa'yo kung mauna man akong mamatay sa'yo nasa tabi mo lang ako" sabi ko at ngumisi para mawala ang seryosong usapan namin.
"Don't say that!. Hindi magandang biro 'yan!"
"Sorry. Please, bumalik na ang Zion na makulit" tingin ko sa kanya.
"Sorry, wala pa s'ya ngayon, mamaya na lang daw. Ayaw kong maging peke sa'yo, Ganda" tumango ako at ngumiti sa kanya. Naiintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin, ayoko rin naman pilitin siya na maging masaya kahit hindi naman "Gusto mo ba akong samahan?"
"Saan?"
"Dito lang sa bahay, dumating na kasi yung gitara ko. Dinala ni Sean"
"Pumunta si Sean dito?"
"Parang excited ka? Crush mo rin ba si Sean?"
"Slight" sagot ko. "Gwapo kasi s'ya, tapos marunong pang maluto, macho pa" ngisi ko.
"Bakit gwapo naman ako ha? Bakit hindi mo ako crush?" pout niya.
"Kasi crush mo na ako, diba crush mo ako?" biro ko at tumango naman siya. Biglang nag-init ang pisngi ko dahil sagot niya. 'Bakit hindi man lang tumangi?!'
"Kinilig ka naman d'yan. Baka pagsinabi kong--asdfghjk, ano kayang reaction mo?"
"Anong sabi mo hindi ko narinig ng klaro? na ano kayang magiging reaction ko?"
"Wala... Kumain na tayo" ngiti niya. "Basta sasamahan mo akong maggitara ha?"
"Oo na, marunong ka bang kumanta?" asar ko sa kanya kahit alam ko naman ang sagot.
"Pwede na, hindi nga lang kasing galing ng crush mo, si Shawn." tinaasan ko siya ng kilay. "Marunong rin akong mag-gitara, at mag-piano."
"Mas gusto ko ng tunog ng piano, nakakarelax... Hindi ko alam kung bakit, pero syempre gusto ko rin ng tunog ng gitara. Sige, sasamahan kita sa trip mo"
"Yown!" kindat niya pa. 'Bumabalik s'ya sa pagiging Zion na kilala ko'. Pero alam kong pilit pa.
===Elainah ME===