KABANATA 15:
TUMAHIMIK ang paligid, nang tignan ko ang mga kasama namin sa kubo nakatingin sila kay Zion. Tinignan ko uli siya at tinapiktapik ang magkabilang pisngi niya. "Gwapo, anong problema mo?" kita ko ang pagkislap ng mata niya. Nawala na rin ang mahigpit na pagkakahawak niya sa ticket kaya nakahinga ako ng maluwag. "Zion, may problema ka ba?" hawak ko sa kamay niya at kinuha ang ticket. "Buti hindi napunit"
"Gusto ko na ngang punitin 'yan" bulong niya. Tinignan ko siya ng masama at agad ko rin nginitian. "Uwi na nga tayo" yaya ko. Tinignan ko ang mga kasama namin na nakatingin pa rin sa amin. "Uwi na kami, girls. Inaantok na rin ako, kulang pa tulog ko kagabi"
"Ako rin, buti na lang walang pasok bukas" sabi ni Eunice at nag-ayos ng gamit niya. Tumayo na rin ako at lumabas ng kubo, sumunod naman sa akin si Zion. Nagpaalam na kami sa mga kasama namin, hanggang sa kami nalang dalawa ni Zion ang naglalakad.
"Bakit biglang dumilim ang aura mo kanina?"
"Ayoko na makakarinig ng ganun"
"Makakarinig nang?"
"Nang nakakagusto ka sa iba"
Natawa ako sa sinabi niya. "Bakit naman?"
"Basta!" sabi niya at nauna ng maglakad sa akin kaya hinabol ko siya.
"Zion!" lumingon siya at huminto. "Hindi mo talaga ako matitiis eh!" kindat ko pa. "Sige, na hindi na kita kukulitin. Ito na yung ticket mo, wag mong punitin sayang naman baka hindi mapakinabangan" abot ko sa kanya.
"Kung hindi ka lang n'yan mapapasaya, pinunit ko na 'yan. Pero dahil mas mahalaga sa akin ang pagsaya mo, pupunta tayo sa concert na 'yun. Kaya ikaw na ang magtabi n'yan" napanganga lang ako sa sinabi niya. "Sa'tin dalawa 'yang ticket. Okey, kaya ikaw ang magtabi 'yan. Tara na!" hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papasok ng jeep.
Alas-dyes ng gabi ng magising ako at narinig kong bukas nag tv sa labas kaya bumangon ako. Nakalabas na ako sa kwarto ko, nakita ko si Zion na napikit habang nakaharap sa tv. Nakita ko ang tatlong can ng beer na kinakunot ng noo ko. Nilapitan ko siya at nakita ko ang patumba ng katawan niya sa gilid ng sofa na maaari siyang masaktan. Kaya hinawakan ko ang ulo niya para alalayan makaunan sa gilid ng sofa. Naupo ako sa lapag para matitigan ang mukha niyang mahimbing na natutulog, pero nagtataka pa rin ako kung bakit uminom siya ng beer. 'May problema ka ba, Zion?'.
"Maxine..." nakadilat ang mata niya habang nakatingin sa akin. Malapit ang mukha namin sa isa't-isa kaya nagulat ako na mas lalo pang ilapit ni Zion ang mukha niya sa akin. Nakita ko ang paggalaw ng adams apple niya, pumikit siya at nilapit ang labi niya sa labi ko. Nanlaki ang mata ko at bigla na lang niyang nilayo ang labi niya sa akin habang sobrang bilis ng kabog sa dibdib ko. Nang mapadilat ako nakapikit pa rin si Zion at tulog na tulog na siya.
Gusto kong sampalin si Zion pero pinigilan ko ang sarili ko at tumayo. Tinignan ko muna siya ng masama at pumunta sa kwarto ko habang hawak ang labi ko. 'My first kiss!. Sorry, future husband!'.
KINABUKASAN, medyo tanghali na akong nagising pero magaang ang pakiramdam ko. Nang makalabas ako sa kwarto ko at nanlaki ang mata ko ng makita ko si Zion na nakangiti. "Good morning, Ganda!"
Ngumiti ako sa kanya at agad rin nawala dahil bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Tinignan ko siya ng masama at mukhang napansin naman niya iyon. "Bakit ganyan ang tingin mo sa akin?" hindi ako nagsalita at napakamot siya ng ulo. "Sorry, kagabi"
"Sorry lang?!" inis na sabi ko. Biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. 'First kiss ko 'yun'.
"Ha?." napakamot siya ng ulo. "Nag-inom lang naman ako ng beer, hindi na ako nakapag-paalam sa'yo"
"Yun lang ang dahilan ng pagso-sorry mo?"
"Oo, alam ko naman kasi na ayaw mo ng amoy ng alak" sabi pa niya. "Sorry na talaga, Ganda" tinignan ko lang siya ng masama. "May ginawa pa ba ako sa'yo?"
"W-Wala na" pagsisinungaling ko. Ayoko naman na ipaalala sa kanya na hinalikan niya ako. 'Nakakahiya!'. 'Bwisit! First kiss ko hindi alam ng humalik sa akin!. Hays!' "Grrr! Nakakainis!" sambunot ko sa sarili ko at pumasok uli sa kwarto ko.
"Maxine..." katok ni Zion sa pintuan. "May nagawa pa ba akong kinaiinis mo?"
"Wala!. May nakalimutan lang ako" pagsisinungaling ko. Pinakalma ko ang sarili ko at kinuha ang gamit ko para makaligo. Nang lumabas ako nasa may pinto pa rin si Zion. "May pasok ka diba?"
"Wala, aalis yung supervisor namin kaya wala kaming OJT. Gusto mo bang gumala?"
"Ayoko. May pupuntahan kami nila Ruby" pasisinungaling ko kahit wala naman kaming napag-usapang ganun. Ako na lang ang magyaya mamaya, gusto ko lang umiwas kay Zion ngayong araw.
"Sama na lang ako"
"Girls only" sabi ko na lang at pumasok na sa may banyo. Habang nag-sho-shower ako hindi ko maiwas hindi maisip ang nangyari kagabi. Yung mukha ni Zion na paulit-ulit na sumisiksik sa utak ko kahit binabago ko ang iniisip ko.
"Almusal na tayo, Ganda" sabi niya.
"Mauna kana"
"Iniiwasan mo ba ako?" tiningin niya sa akin.
"Hindi no?. Sige, sandali lang.. Lagay ko lang 'to sa kwarto ko" sabi ko at agad na pumasok. 'Sobrang halata nga ako. Nakakainis naman kasi, bakit hindi niya alam?.'
Habang nag-aagahan kami na niluto niya fried rice, hotdog at ham. Hindi ko maiwasan hindi mapatingin kay Zion, lalo na sa labi niya na agad ko naman iniiwas ang tingin ko sa tuwing mapatingin siya. Bigla kasing sinisiksik ng alaala ko kung paano niya ako hinalikan. Ang awkward!. Napailing ako at agad inubos ang pagkain ko. "Tapos na ko!. Ako na ang maghuhugas" sabi at agad tumayo. "Ako ang maghuhugas ha?" Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko para itext sila Ruby at Alice.
To: Alice, Ruby;
Girls, window shopping tau
:Ruby;
Sorry, hnd ako pwd my ppuntahan ako. Si Zion na lang ang isama mo.
:Alice;
Sorry, aalis ako. Si Bestfriend mo nlng yayain mo.
To: Alice, Ruby;
Ganun ba?? Ok.
Huminga ako ng malalim at wala talaga akong magagawa kung hindi umalis ng mag-isa. Gusto munang umiwas kay Zion dahil baka masabi ko pa sa kanya ang nangyari kagabi. Lumabas muna ako ng kwarto ko para maghugas ng pingan sakto naman na nasa banyo si Zion.
Nakabihis na ako at magpapaalam na lang ako kay Zion na aalis ako. Nakita ko siya lumabas sa kwarto niyang nakabihis. "Aalis ka rin?" tanong ko.
"Oo, may sasamahan lang ako" sagot niya at tumabi sa akin. Agad naman akong tumayo, nakita ko ang pagbuka ng bibig niya. "Aalis kana?"
"Oo, hinihintay na kasi ako nila Alice at Ruby"
"Kayo lang tatlo?"
"Oo, uuwi rin naman ako. Siguro mga alas singko nandito na ako, mauna na ako sa'yo.
"Sige, ingat ka" ngiti niya. Naglakad na ako palabas. 'Sino naman 'yung sasamahan niya?. Siguro yung babae hinihintay niya. Ano naman pake ko dun?!. Dapat pala hindi na lang ako umalis.'
Napatalon ako sa gulat ng may marinig ako ng busina ng sasakyan. Pagkalingon ko may isang pulang kotse ang nasa likod ko. "Miss, masasagasaan ka kung ayaw mong umusog sa paglalakad doon" sabi ng nakasalamin na lalaki. Tinanggal niya ang salamin niya at seryosong nakatingin sa akin. Naglakad ako papunta sa gilid kung saan pwedeng maglakad ang mga tao, tumango lang siya at sinara na ang bintana ng sasakyan niya.
ILANG oras na ako sa mall, lakad upo lang ang ginagawa ko at kung minsan pumapasok sa iilang shop. Papalabas na ako sa boutique ng manlaki ang mata ko ng makita ko si Zion at Lucy. Nakahawak si Lucy sa braso habang naglalakad silang dalawa. 'So? si Lucy pala ang hinihintay niya?'
Napahawak ako sa dibdib ko dahil may kirot akong nararamdaan kaya pumasok uli ako sa boutique para magtago muna pero bigla akong tumama sa matigas na bagay. "Ikaw na naman?" sabi nito. Mabilis akong pumunta sa gilid para magtago pero may sumunod sa akin. Napatingin ako sa taong nasa likod ko, napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?"
"Binungo mo ako tapos hindi ka nanghingi ng sorry" sabi niya na seryoso pa rin ang mukha.
"Sorry, may tinataguan lang kasi ako. Sorry, sa pagbanga ko sa'yo" tingin ko sa kanya at tumango naman siya. "Nagkita na ba tayo?"
"Oo, kanina. Ikaw yung babae naglalakad sa kalsada kanina na konte na lang tumatabi kana sa sasakyan" paliwanag niya at nginitian ko lang siya ng maalala ko na yung sinasabi niya. "Anong ngini-ngiti mo dyan?"
"Wala naman, anong ginagawa mo dito? Pangbabaeng damit 'to ha?"
"Well, nakita kasi kita dito. Lumabas ka rin naman agad, sino yung tinataguan mo?"
"Wala, sige, aalis na ako" kaway ko sa kanya at lumabas na ako ng boutique.
"Maxine!" biglang bumili ang t***k ng puso ko ng marinig ko ang boses ni Zion. Dahan-dahan akong napalingon at nakita ko ang malaking ngiti niya habang nakatingin sa akin. Pero nawala ang tingin ko sa kanya ng makita ko ang paglapit ni Lucy sa kanya at paghawak nito sa braso niya habang malawak ang ngiti. "Nandito ka pala, Maxine. Sinusundan mo ba si Zion? ang pagkakaalam ko kaibigan ka niya hindi stalker?" nanunuyang sabi nito.
"Shut up, Lucy!" nakita ko ang pagkagulat sa mukha at pag-atras ni Lucy dahil sa pagsigaw ni Zion.
"Maxine!" nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses ng lalaki kausap ko kanina. Nakita ko rin ang pagkunot ng noo ni Zion sa taong nasa tabi ko na ngayon. "Bakit iniwan mo ako?" sabi pa nito.
===Elainah ME===